“This is for you. I had it made only for you.” Bulong nito habang nasa noo ng isa’t isa. Muli ko na namang nilibot ang tingin sa paligid. Pagkatapos ng sinabi niya parang bigla nalang naging pamilyar ang lugar sa akin. May parte rin ba ang lawang ito sa mga alaalang akin nang nakalimutan? Kaya ba ito nagiging pamilyar, kaya ba pakiramdam ko na ngayon ay dati ko na rin itong nakita? “Someone told me before that nature is the best doctor. But I think, the person who told me that was better.” Humugot ito ng isang papel mula sa kaniyang bulsa. Pumihit ako ng pagkakaupo upang maharap siya. Halata ang kalumaan sa papel. Binuklat niya ito at nakita ko ang isang guhit na sa tingin ko ay ng isang bata. Isang lawa na pinapaligiran ng tila isang kagubatan. Muli akong napatingin sa paligi