Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Updated: July 20, 2015- 12:57am Part 47 Sa ikalawang pag kakataon ay muli nanamang lumakad si Raul palayo sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapa upo na lamang sa aking kinatatayuan at doon ay hindi ko na napigil ang pag buhos ng aking emosyon. Mag kahalong sakit at kalungkutan ang lumukob sa aking pag katao habang pinag mamasdan ang palayong taxi na sinasakyan ni Raul. "Raull bumalik kaaaa ditoooo!!! Raulllllll!!" ang sigaw ko bagamat alam kong bale wala ang din naman ito. "Tol, tama na. Sa ngayon ay hayaan na muna natin si Raul. Mainit pa ang ulo nito at ganoon din ang sitwasyon." wika ni Zack habang inaalalayan ako nito sa pag tayo. "Palagi na lamang siyang ganito. Umaalis kapag may kaguluhang nagaganap. Ang inaakala niya ay pinag kakaisahan siya o kaya