Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 11 Alas 7 ng gabi noong makarating kami ni Raul sa bahay na aming inupahan. Doon ay naabutan ko sina mama at papa na nag hahanda ng hapunan kaya naman nakitulong na rin kaming dalawa sa kanilang ginagawang preperasyon. "Mukhang nag enjoy kayo ni Raul mag site seeing sa labas ah." biro ni papa habang naka upo sa harap ng lamesa. "Ah opo papa, ito kasi ang unang beses na nakarating ako sa ganitong kagandang lugar. Dati rati ay sa mga larawan ko lamang ito nakikita, ngayon ay nasa harapan ko na." wika ni Raul at halatang halata sa mukha nito ang labis na pag kamangha. "Enjoy na enjoy nga iyan habang nag lalakad doon sa tabi ng burol. Halos mapuno ang memory nitong camera dahil sa dami ng picture nya." biro ko naman at nag tawanan ang lahat. Nag patuloy ang a