Part 12

1696 Words

Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 12 Sinulit namin ni Raul ang pamamasyal sa buong siyudad, ito na raw yata ang pinaka masayang bakasyon na kanyang naranasan kaya naman kada kilos nito ay may katumbas na picture taking bilang remembrance. Naipon din ang aming mga larawan na nag lalambingan at talaga naman close na close ala Sarah at John Loyd Cruz. "Tama na! Ubos na yung memory, puro mukha mo nalang ang laman ng cam ko." pag iinis ko habang inaagaw niya ang camera. "Kadamot mo naman, pasalamat ka nga dahil punong puno ng gwapong mukha ko iyang camera mo. Paniguradong hahakot iyan ng likes at shares sa f*******: kapag ini upload natin." hirit na pag yayabang nito. "Ang yabang mo naman, hindi ka gwapo no. Niloloko mo lang yang sarili mo." sagot ko naman sabay abot ng camera

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD