Chapter 2

1487 Words
Chapter 2 Lexi's POV Nasa library ako ngayon. May nireresearch kasi ako para sa homework namin. Ako lang mag-isa dahil may monkey business daw si Chelsy kaya umuwi agad. I wonder kung ano yung monkey business chu-chu nya. Aish ayoko talagang nagpupunta dito sa library. Ang dami kasing nerd at yung iba feeling, masabi lang na nag-aaral pupunta na nang library. Mga mapagpanggap! Yung iba nandito din para maglandian. I rolled my eyes on that thought. Pagkalabas ko nang library. Biglang may bumunggo sa akin. Bakit ba ang daming bumubunggo sa akin? Kotang-kota na ako promise. Sobra yatang close kami ng sahig ngayon lagi na lang akong napapadikit sa kanya, which is sobrang hate ko. And speaking of which, sino kaya ang nakabunggo sa akin? "Miss are you okay?" He offered his hand to me. "Of course not! Can't you see I got dirt!" I took his hand then nagpagpag ako nadumihan na naman ako. At nang tiningnan ko kung sino ang nagkabunggo sa akin. Tae naman. Sya na naman!! "Ikaw na naman?! Hilig mo ba talagang mambunggo? And of all people why me?!!" Galit na galit kong bulyaw sa kanya. "Bakit ba kasi ang hilig mong humarang?" Sabi nya at nagbabago na ang expression nya. Mula sa walang expression, ngayon ay tila ba naiinis na sya. "So ako pa may kasalanan? At ikaw pa ang may ganang mainis ngayon? MY GAHD eh ako na nga itong nabunggo mo di ba? Not once but twice." "Tsk. Ang arte mo." Sabay talikod sa akin at umalis. "Ang epal mo naman!" Sigaw ko naman sa kanya. Akala yata nya magpapatalo ako sa kanya ha? Nagkamali sya kahit mukha akong angel na hindi makabasag pinggan, marunong din akong lumaban. *** Lyndon's POV Ako nga pala si Lyndon Paul Hernandez. Hindi ako literal na mabait, gangster ako pero hindi na ngayon. Dalawang taon na din mula nung mag-quit ako sa gang. Kahit hindi na ako gangster at kasalukuyang nagbabagong buhay na ako. I'm still not considering myself as a good prince. Tsaka sya naman may kasalanan kung bakit sinusubukan kong baguhin ang sarili ko at nakuha ko pang mag-quit. Ayoko lang kasi syang masaktan ulit. Tsk. Hindi ko inaasahan na mai-inlove ako. Akala ko hindi ko yun mararamdaman, akala ko lang pala yun. *** Lexi's POV At last naka-uwi din. Grabi napagod ako. Hanggang ngayon nabwibwisit pa din ako. Ang sarap sakalin nung Lyndon na yun. Grrrrr! Pag nagkita kami sasakalin ko talaga sya! Kumain na ako at dumiretso na sa kwarto ko. Ginawa ang evening rituals ko at nahiga sa aking precious bed. Maghapon ko din hindi pinansin yung phone ko ah. Kaya ngayon papansinin ko na sya. Hahaha. Kinuha ko yung phone ko at shemay ang daming messages at may missed calls pa. At sino pa nga ba ang mag mimissed call sa akin. Hayy isa pa itong bwisit sa buhay ko eh. Si Ren Aldwin Victorino ang masugid kong taga hanga slash ex bestfriend. As in EX sapol kasi nung magtapat sya sa aking gusto nya ako. Hindi ko na sya tinuring na bestfriend but I still care for him. Why? NAIILANG KASI AKO. Tsaka secret lang natin ito ah May gusto no scratch that MAHAL sya ni Chelsy hihihi. Anyway, ayun nga. Kaibigan lang talaga turing ko sa kanya. Kasi may mahal na akong iba. Hindi lang halata pero may mahal na talaga ako. At kahit ilang taon ang lumipas sya pa din ang nasa puso ko. Kaso wala na sya ngayon. HOY HINDI SYA PATAY AH!! Hindi ko lang alam kung nasaan sya. Bigla na lang syang nawala ng hindi ko alam kung saan sya nagpunta. Pinagpatuloy ko na ang pagcheck sa phone ko. This time yung messages naman. Puro GMs lang pala. Pero may isang message dun ang pumukaw nang atensyon ko. Unregistered number kasi. Nang basahin ko yung text: "Hi Lexi, naka-uwi ka na ba?" Ganyan yung text. Sino kaya yun? Bakit parang interesado naman yata ako sa nagtext na yun. Like iww baka gusto lang nun makipag-textmate. Yuck! So alam nyo na siguro ang ginawa ko. Hindi ko na lang yung nireplayan. Matuto syang magpakilala kung gusto nyang replyan ko sya. *** Sa hallway nang Ashford Academy.... Habang naglalakad ako biglang may tumawag sa akin. "Lexi!" Hinarap ko sya, nang makita ko kung sino "Nice, for the FIRST TIME tinawag mo ako sa first name ko. Bakit nagsawa ka na bang bungguin ako?" Masungit na sagot ko. Obvious naman siguro kung sino tumawag sa akin. "Sorry about that. May itatanong lang ako." Bakit parang ang bait nya yata ngayon? Himala nag-sorry sya. Mood swing lang siguro. Hindi bagay sa kanya ah. Baka pinaplastik lang ako ng lalaking to. Curse him. "Ano yung itatanong mo?" Masungit na sagot ko. "Nagtext ako sayo kagabi. Bakit hindi ka nag-reply?" Ha? Anong pinagsasabi nitong Lyndon na to. "Anong nagtext?" "Ang sabi ko nagtext ako sayo kagabi. Tinanong ko lang kung naka-uwi ka na ba?" Teka? Naalala ko na! Sya yung nagtext na unregistered number kagabi. Pero bakit naman nya tinatanong kung naka uwi na ako. Ano to concern sya sa akin? Brrrr kinilabutan ako dun ah. Mali mali erase erase. "At bakit ka naman nagtext sa akin? Close ba tayo?" Pinagtaasan ko sya nang kilay. "Tsaka SAAN MO NAKUHA ANG NUMBER KO?!" Sasagot na sana sya pero natigilan sya nang biglang sumulpot itong si Chelsy. "Good Morning! Ano to? Close na kayo. Ayieeh." Tinusok-tusok pa nya ako sa tagiliran. Napa WHAT THE ako dun sa sinabi nya sabay roll eyes ko pa. Binelatan nya ako sabay harap kay Lyndon. "Hi Lyndon, friend na pala kayo ni Lexi. Dapat friend na din tayo kasi mag-bff kami nito eh. By the way I'm Chelsea Marie Martinez. Chelsy na lang. Friends?" Nilapit ni Chelsy yung kamay nya kay Lyndon para makipag-shake hands. Ang lapad pa man din nang ngiti niya. Alam nyo yung ginawa ni Lyndon? Dinedma lang si Chelsy at umalis. Hahaha ang nice hindi ba? "Anong nangyari dun? May nasabi ba akong masama?" Nag-pout pa sya sa akin. "Baka natatae lang. Ewan ko dun. HOY IKAW!!" Pinaningkitan ko sya nang mata. Baka akala nya nakalimutan ko yung pinagsasabi nya kanina. Friends daw kami ni Lyndon? Yuck. "FYI HINDI KAMI CLOSE NOR MAGKAIBIGAN NUNG LYNDON NA YUN. AND WILL NEVER BE!!" Sabay lakad ko. Sya naman ay sumunod lang sa akin. "Wag ka nang gumanyan. Napaka arte mo. Pero ano ngang problema dun bakit biglang umalis?" Habol nya sa akin. "Ayaw mong maniwala. Eh di wag!! At hindi ko alam kung bakit umalis yun." "Parang kahapon lang kinausap nya ako. Nakalimutan ko lang magpakilala, bigla kasi syang umalis pagkatapos nyang hingiin yung number mo." Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. "SO IKAW! Ikaw nagbigay nang number ko sa lalaking yun! My gahd bakit mo naman binigay?! Alam mo namang naiinis ako sa lalaking yun eh. Kakainis ka naman Chelsy eh." "Bakit bawal ba? Sorry na hindi ko alam na bawal pala. Sa lahat nang nanghingi nang number mo sa akin tanging kay Lyndon ko lang binigay." "Bakit naman?" "Nakakatakot kasi syang tumingin eh. Parang paghindi ko binigay eh mapapatay nya ako. Kaya ayun hihihi Sorry Lex." Sabay peace sign pa nya. "Tsk. Ang OA mo ah." Wala na akong magagawa nabigay nya na eh. Hayyy lang. Pero naiinis pa din ako. Pero anong drama nitong nakakatakot daw yung mga mata ni Lyndon? Sa totoo lang hindi ko naman masyadong natitigan ang mga mata nya eh. Ang awkward kaya. At dahil na badtrip ako kay Chelsy nilayasan ko sya. Pag ganitong badtrip o wala ako sa mood isang lugar lang pinupuntahan ko. Sa mini garden nang school. Sa likod lang ito nang building kung saan ako nag roroom. Dito kasi tahimik, walang masyadong tumatambay dito. Tsaka ang aliwalas pa dahil sa mga halaman. Ang sarap sa pakiramdam. Umupo ako sa damuhan. Syempre nilatag ko muna yung panyo ko bago umupo. Mamaya madumi pala eh di nadumihan ako. Mabuti nang sigurado. Maya-maya . . . . . "Here." Sabay abot nya nang ice cream sa akin. "Ikaw na naman? Psh. What do you want?" Kainis naman hanggang dito ba naman nasundan nya ako. "Sabi ko HERE. Wag kang magtanong at kainin mo yan. Ang panget mo pag nakasimangot ka." Hindi nya ba alam na sya ang may kasalanan kaya naiinis ako ngayon. Pagkabigay ni Lyndon sa akin nung ice cream ay umalis na sya. Ako daw panget? ASA! Baka sya. Chocolate ice cream yun. Paborito ko to dati at ito rin ang nagpapawala nang pagkabadtrip ko. Pero sapol nung nawala sya itinigil ko ang pagkain ko nito. Yung taong nagturo sa akin na napapawala nang inis ang ice cream. Yung taong yun........Ang taong mahal ko. Tiningnan ko lang yung hawak kong ice cream. Pinagmasdan. Bakit alam din ni Lyndon ang tungkol dito? Posible kayang...... Hindi......Hindi pwede. Imposible! Baka nagkataon lang........ Tama nagkataon lang yun. Hayy kung anu-ano na naman pumapasok sa utak ko. Makabalik na nga sa classroom. Tumayo ako at nagpapagpag. Hindi ko kinain yung ice cream na bigay ni Lyndon. Hinayaan ko lang itong matunaw. Nasa cup naman yung bigay nya eh. Iniwan ko lang ito dun sa garden. Naalala ko na naman tuloy sya. Yung taong mahal ko na nawala na parang bula. Bakit kasi iniwan nya ako? Ayaw ba nya sa akin? Ang choosy naman nya! Ang ganda-ganda ko ayaw pa nya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD