Chapter 1

1074 Words
Chapter 1 Lexi's POV First day of school . . . At ito na rin ang huling taon ko sa senior high. But until now hindi ko pa rin alam ang kukunin kong course para sa college. Hayyy Bumangon na ako sa higaan. Ginawa ang morning rituals ko. Ready na akong pumasok. Sa tapat nang school. "Ouch!! Ano ba!!" Sigaw ko sa taong nakabunggo sa akin. Oo tama kayo, may nakabunggo sa akin at dahil dun napasalpak tuloy ako sa lupa. Badtrip lang nadumihan tuloy ako. Pero parang walang nakita si Kuya at tuloy-tuloy pa rin sya sa paglalakad. Agad akong tumayo at hinabol ko sya. Nang makalapit ako sa kanya mabilis kong hinatak ang braso nya. "HOY MISTER! PARANG WALA KANG NAKITA AH. HELLO NABUNGGO MO PO KAYA AKO!!" Bulyaw ko sa kanya. With matching hand gesture pa ako at with feelings pa ang pag e-emote ko. Tiningnan lang nya ako. Pagkatapos nun bigla na lang nya akong tinalikuran at umalis. Aba talagang ginagalit ako nang lalaking yun ah. Wala akong pake kung pinagtitinginan na kami nang mga ka-schoolmates ko. Sa pangalawang pagkakataon hinabol ko sya at hinatak ko ulit sya sa braso. "HOY ANO BA BINGI KA BA?!! SABI KO NABUNGGO MO AKO HINDI KA BA MAG-SOSORRY?" Sigaw ko na naman sa kanya. "Sorry." Cold na pagkasabi nya sa akin. Sabay alis. Ako naman ay natulala. Bakit? Ang gwapo pala nya. JOKE!!! Like duh, walang manners ang lalaking yun. Sorry? Ayun lang talaga yung sinabi nya. After nang ginawa kong eksena at dalawang paghabol sa kanya. Sobrang pinapainit nya ulo ko! Ngayon pa first day of school plus hindi pa ako nakapasok sa school namin nadumihan na ako agad. MY GAHD!!! Classroom.... "Hey Lex. Problema mo? Umagang-umaga nakasimangot ka dyan." Tanong sa akin nang bestfriend ko. Ayun yung sabi nya eh, bestfriend ko daw sya pero oo sya nga yung bestfriend ko at tanging ka-close ko dito sa school namin. Hindi ko sya sinagot at ipinakita ko sa kanya yung braso kong may gasgas. "Oh anong nangyari dyan?" Clueless nyang tanong. "Eh kasi naman Chelsy may bumunggo sa akin kanina. Isang lalaking akala mo kung sino. Ito tuloy ang napala ko. Tsk." Pag-mamaktol ko. Ayan na naman nagsisimula na naman akong mainis. Pag-naaalala ko yun na iinis ako bigla. Ayoko pa naman sa lahat ay yung nadudumihan ako, plus pa nagasgasan ako. My precious skin. No! Siguro nagtataka kayo kung bakit nagagalit ako nang ganito nuh. Eh kasi naman sikat ako sa school namin at may image akong pinapangalagaan. Tapos anong ginawa nya sa akin? Ipinahiya ako. Gumawa kami ng eksena kanina, first day of school tapos ganito ang nangyari. My gahd! Isang Lexi Van Ortega ang pinahiya nya. Nakaka grrrr lang. Sa kalagitnaan nang pagmamaktol ko biglang pumasok yung professor namin. "Okay class settle down." Umupo na kaming lahat at nakinig sa aming professor. "Before anything else...I would like to inform you guys that you have a new classmate." – Professor. Wow lang may introduction pa tong transferee student na to. Duh! First day kaya ngayon pwede naman na dumiretso sya dito di ba? Kaylangan pa talaga syang ipakilala. At dahil dun nagbulungan ang mga kaklase ko. They're saying "Sino kaya yun?" "Sana lalaki tapos gwapo. Ayieeh" Mga ganyan ang naririnig ko. "Can you please shut up guys! Patapusin nyo na si Ma'am para malaman nyo, di ba? Hindi yang tanong kayo nang tanong. Ang ingay nyo kaya." Inis na sigaw ko sa kanila. Sorry na lang sila dahil bad mood ako ngayon. "Okay class I want you to meet Lyndon Paul Hernandez your new classmate." - Professor. After sabihin yung name nang new student tsaka sya pumasok. Nagtilian naman ang mga kaklase ko. Pero teka nga, pinagmasdan kong mabuti yung new student at "YOU!!" Sigaw ko habang nakaturo sa new student. Napatingin ang mga kaklase ko sa akin. "Any problem Miss Ortega?" - Professor. "Ah. Wala po Ma'am." Umupo na lang ulit ako. Sya yun eh. Yung lalaking bumunggo sa akin kanina. Tiningnan ko sya nang masama. So Lyndon pala name nya ah. "Lyndon, saan mo gustong umupo?" tanong ni Ma'am sa kanya. Walang pasabing umupo sya sa dulo. Mabuti naman at dun sya, malayo sya sa akin. Nasa bandang unahan kasi ako naka-upo. Grabi lang hindi ba talaga sya marunong sumagot. Hindi naman sya pipi ah. *** Cafeteria..... Lunch break na kaya nandito kami ngayon sa cafeteria. I'm with my best friend. Sya si Chelsea Marie Martinez (A/N: Chelsea - read as Chel-se-ya). Ang nag-iisa kong best friend sa school. She's my childhood friend as well. Mabait naman si Chelsy eh. She's pretty too like me pero may pagkamadaldal lang. At take note nice girl sya hindi sya kagaya ko pero may pagka-childish nga lang. Pero all in all she's so nice and kind that's why I love her kahit hindi halata. As expected kukulitin nya ako about dun sa Lyndon na yun eh. Napaka chismosa talaga nitong kaibigan ko. Gusto nya lagi syang updated sa nangyayari sa buhay ko. "Dali na Lex. Make some kwento na! Kilala mo yung Lyndon nuh?" Pangungulit nya. "How many times do I have to tell you...I don't know who's that guy, okay? Bakit ba ang kulit-kulit mo?" Inis na sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi nya ako tinatanong eh. Nakakabwisit na! Hindi ko naman talaga kilala yun. "Weh? Eh bakit anung eksena yung ginawa mo kanina na...YOU!" Ginaya nya pa yung expression ko kanina. "Nice Chelsy kuhang kuha mo ako ah" Sabay palakpak ko pa. "Pwede na akong mag-artista Lex? Hahaha Teka, If you're trying to change the topic, I'm sorry but you failed! So spill it na." "Tsk. Makulit ka talaga nuh? Hay hindi ko nga sya kilala. Naalala mo ba yung nakabunggo sa akin? Yung lalaking kinuwento ko sayo kanina pagpasok ko?" Nag-isip muna sya bago sumagot. "Oo naaalala ko na yun. Ano me-- OMG don't tell me sya yung nakabunggo sayo? Yung Lyndon?" "Exactly." Sa ngayon papatawarin ko muna sya tutal bagong salta sya pero pag-inulit nya pa yun. Makikita nya may paglalagyan sya. Baka hindi nya alam kung sino kinakalaban nya nako talaga matitikman nya ang bagsik ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD