Prologue

518 Words
Prologue Lexi's POV Pagkamulat nang mata ko. Nakita ko ang sarili ko na nasa isang abandonadong gusali. Napakarumi at napakadilim pa, tanging sinag lang nang buwan ang nagsisilbing liwanag. I can't imagine na dito ako mamamatay sa lugar na to! Nakakadiri! Hindi ko pinangarap na matapos ang buhay ko ng ganito! This can't be happening! Seriously! I'd rather die kaysa mabulok ako sa lugar na to. Parang gusto ko na lang pumikit ulit para hindi ko makita kung gaano kadumi ang lugar kung nasaan ako. Gusto ko ng umuwi. But wait? In the first place, paano pala ako napadpad dito? Nang maalala ko ang nangyari, na-kidnapped pala ako. At sa tingin ko mga gangster sila. Ginapos nila ang aking mga kamay pati paa. Binusalan ang bibig ko. Naiiyak na lang ako, baka sa busal palang ng bibig ko mamamatay na ako. Malay ko ba kung saan nila to kinuha. Bigla din akong nakaramdam nang matinding takot kasabay nun nakaramdam din ako ng matinding sakit gawa ng mga nakatali sa akin. Hindi ba nila naisip na babae ako? Bakit sobrang higpit naman ng pagkatali nila. Argh! Hindi ko alam kung ano ang pakay nila, kung bakit dinukot nila ako. Pero may isang tao akong naiisip na dahilan. Hindi ako pwedeng magkamali dun. Dahil tulad nila gangster din sya. Nagulat ako nang biglang may nagsalita. "Nandyan na sila! Kunin nyo yung babae!" Sigaw nung matangkad na lalaki. At agad naman akong hinatak nung isang lalaki papalapit sa kaniya. Yuck lang! Nadikit ako sa maruming katawan nitong lalaking to! Imaginin nyo yun? Ang baho nya pa, gosh. Kill me now. Dahil nakatakip ang mga bibig ko, tanging pag-iyak at hikbi ko lang ang naririnig nila sa akin. "Ano? Kung ayaw nyong masaktan ang babaeng ito. Isuko nyo na ang lahat nang meron kayo!" Sabi nya sa mga dumating. Dahil sa nanlalabo na ang paningin ko hindi ko masyadong nakita ang mga nangyayari. Pipikit na lang ako, bahala na. Iisip ko na lang na panaginip lang to at sana magising na ako. Pero ang tanging alam ko lang. Nandun sya, ang lalaking magliligtas sa akin. Ang lalaking mahal ko. Kahit nanlabo na ang mata ko dahil sa pag-iyak at madilim pa I still recognized him. Sa isang iglap lang nabitiwan ako nang lalaking may hawak sa akin at napasalpak ako sa lupa. Na naman? My gahd. Sobrang dumi ko na. Pumikit na lang ulit ako dahil ayokong masaksihan ang madugo at brutal nilang labanan. At ayoko ko ding makita ang sarili kong nakahandusay sa maruming sahig. Tanging sigaw at mura ang naririnig ko. Yung iba hindi ko na maintindihan. Maya-maya pa'y lumapit sya sa akin. Yung lalaking handang ibuwis ang buhay nya mailigtas lang ako. Hinawakan nya ako sa mukha at kitang-kita ko sa mga mata nya ang labis na pag-aalala. Tinanggal nya ang nakabusal sa bibig ko at pati mga taling naka-gapos sa akin. Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko at nginitian ko sya. "Sabi ko na nga ba, dadating ka at ililigtas ako eh. Sorry kung madumi ako ah, hindi ka naman mate-turn off di ba?" Pagkatapos kong sabihin yun niyakap nya ako at sa hindi ko alam na dahilan nawalan ako nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD