PART 21

1294 Words

"Multoooooooo!" hintakot na sigaw at turo ni Kevin sa mga naglulutangang gamit nila sa kusina. "Woah! Saan?!" sigaw rin ni Kiara sabay pitik niya sa ere dahilan kaya nagsibagsakan ang mga gamit na tila may buhay kanina. Mas napanganga pa si Kevin. Lalong natakot at kakaripas na sana ng takbo pero pumitik ulit si Kiara. Subalit kahit wala namang nakaharang na bagay roon pero natisod ang binata at natumba. "Aaaaahhhhhh!" mahabang hiyaw ulit ni Kevin. "Ugh…" at huling sambit nito dahil bumagok ang ulo nito sa hawakan ng kahoy na upuan. Nawalan ng malay ang binata, na hindi mawari kung dahil sa pagkakabagok ng ulo nito o sa sobrang takot ba. "Phew!" naisambit ni Kiara na napapunas ng pawis sa noo niya. Buking! Buking na siya! "Oh, anong nangyari sa kanya?" At ngayon pa talaga dumating pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD