"Tinatanong kita, Kiara! Ano 'tong kalapastanganan na ginagawa mo na naman?!" Ang sama ng naging tingin ni Kiara sa itim na anghel. Mayamaya ay padaskol siyang tumayo. " I'm quitting. I'm done making him bad. Maghahanap na lang ako ng iba kong misyon." "Baliw ka ba? Siya ang misyon mo!" Gigil na talaga ang itim na anghel. "Eh, sa ayoko na sa kanya. Maghahanap na lang ako ng ibang tao na misyon ko. Wala naman kayong sinabi na hindi puwede magpalit ng misyon, hindi ba? Kaya ayaw ko na," giit niya. "Sasayangin mo ang mga effort mo?! Pati effort ko, gano'n ba?!" Kulang na lang ay umusok na ang ilong nito. "Oo!" matatag pa rin niyang sagot. "Eh, gaga ka pala, eh!" Dinuro ni itim na anghel ang noo niya. "Anong gusto mo magbalik ka ulit sa zero? Sipain kita riyan, eh! Nagpagod lang pala tay