PART 23

1300 Words

Gusto nang sumuko na si Kiara sa paghahanap ng bago niyang magiging misyon. Lahat na lang kasi ay palpak. Napapagod na siya. "Ano na? Pati ako nai-stress na sa ginagawa mo. Bumalik ka na kasi sa dati mong misyon at nang makaalis na rin ako. Ang dami ko pang susunduin, oh," reklamo na naman ni itim na anghel sa kanya. Ipinakita nito ang listahan ng mga namamatay. Minu-minuto ay nadadagdagan iyon kasi ng pangalan. Iningusan niya ito. "Hindi nga puwede kaya maghanap ulit tayo,” saka giit niya. Iginala-gala ulit ni Kiara ang tingin sa paligid ng simbahan. Hindi siya puwedeng sumuko pala dahil ayaw na niyang bumalik kay Kevin. Ayaw niyang sirain ang gusto nitong makasama ang pamilya nito sa langit. Parehas lang niya ito na gusto lamang ay makapiling ulit ang mga magulang nito kaya dapat niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD