"Hala! Anong nangyayari na naman sa 'yo?!" Natatarantang saklolo si Kiara sa binatang namimilipit na naman sa matinding sakit ng ulo. "Aaaaahhhhhh!" mahabang hiyaw na ni Kevin. Parang sasabog ang ulo nito sa hitsura nito. May pagkakataon din na inuuntog na naman nito ang ulo sa sahig o kaya sa pader. "Ah… eh… Paano ba ‘to?!" Lalo nataranta si Kiara. "Help! Tulungan niyo kami!" hanggang sa sigaw na lang niya. Tila mas masakit pa kasi ngayon ang ulo ni Kevin kaysa sa mga nakaraang nakita niyang sumasakit ang ulo nito. "Ang saaaakkkkkiiiiittttt!" hiyaw pa ni Kevin. Ang tindi nang pagkakasabunot nito sa sarili nitong buhok. Tumayo na si Kiara at tinungo ang pinto ng bahay. Doon siya nagsisisigaw ng tulong, ngunit sa kamalasan ay parang natyempong walang katao-tao ngayon ang lugar nila. "A