PART 5

891 Words
"Nakikita mo ako?" hindi makapaniwalang naninigurong tanong ni Kiara sa lalaking Kevin daw ang pangalan. Sunod-sunod na tango ang itinugon sa kanya ng lalaki. "Luh ka!" sambit niya. Dinagsa siya ng ilang katanungan sa isipan. Paanong nangyari na nakikita siya? Hindi ba’t patay na siya? Hindi ba’t kaluluwa na siya? Anong nangyari? Biglang lumitaw si itim na anghel. Tumigil ang lahat sa isang pitik ulit nito sa ere. Ang lalaki na si Kevin ay animo'y naging estatuwa. Pansamantala. Para syempre hindi nito mga marinig ang mga sasabihin ng anghel na itim. "Kiara, muli kang naging tao. Syempre gawa ng makapangyarihan nating panginoon na si Satanas," panimulang paliwanag ng itim na anghel. "Gano'n?!" she said, sounding disappointed. "Pero syempre hiram na katawan lang 'yan. Kapag nagawa mo na ang misyon mo rito sa lupa ay puwede ka nang pumasok sa impyerno at syempre puwede mo nang makausap ang iyong papa. And may bunos ka pa pala." "Anong bonus?" Nagningning ang kanyang mga mata nang pilyang pumasok sa isip niya na baka isang milyon ang bonus niya. "Gaga, hindi isang milyon,” anang itim na anghel na nabasa ang laman ng kanyang isipan. “Ang bunos mo ay bibigyan kita ng mga konting kapangyarihan para mas lalo mong magawa ang misyon mo. Ise-share ko sa ‘yo ang ibang mga powers ko. Pero dapat gamitin mo lang ito sa masasama." "Ay, sige. Type ko 'yan!" aniya na napapalakpak. Mas natuwa siya dahil mas astig naman iyon kaysa isang milyon. "Akin na ang kamay mo." Excited nga niyang iniabot ang kamay niya sa itim na anghel. At nang maglapat ang kanilang mga kamay ay bigla siyang nagkikisay. Paano'y parang may malakas na boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kanyang hiram na katawan mula sa katawan ng itim na anghel. "Wew!" sambit niya nang matapos iyon. Pinagpawisan siya. Para kasi siyang nag-epilepsy. Ngumisi ang itim na anghel sa kanya. "So, maiwan na kita?" "Teka lang Ano namang mga kapangyarihan ang inilipat mo sa ‘kin?" "Basta malalaman mo na lang sa pagdaan ng mga araw. Babosh!" At naglaho na ang anghel na itim. Kasabay niyon ang pagkilos ng lahat. "Hi," bati niya kay Kevin nang kumilos na rin ang binata. Nagtataka ulit na napatigin sa kanya ito pero mayamaya lamang ay biglang nagmadaling kumilos nang parang may naalala. "Sige na umalis ka na. Baka madatnan ka pa rito ng tita ko." “Huh?” “Umalis ka na bago dumating si Tita,” ulit niya at itinuloy na niya ang paglilinis sa kulungan ng mga baboy. Parang takot na takot. "Ew!" Nandidiring lumayo si Kiara sa binata kasi naman tumatalsik sa kanya ang mga winawalis ni Kevin na dumi ng mga baboy. "Sige na. Pagagalitan na naman ako niyon kapag nakita ka at hindi ko pa natatapos ang paglilinis," lingong sabi pa sa kanya nito. Napatda siya dahil ngayon lang niya napansin na guwapo pala si Kevin. Tila nagkaroon ng spark ang tingin niya rito. Nga lang ay nakakaawa ang hitsura nito. Parang namumutla na hindi niya mawari. Tapos ay kapansin-pansin ang takot nito sa mukha. "Sinong tita mo?" hindi niya tuloy napigilan na usisa. Lumabas na siya sa piggery. "Basta masungit iyon kaya umalis ka na," sagot sa kanya nito na hindi na siya nililingon. Napanguso-nguso si Kiara tapos ay nagkibit-balikat. Oo nga, dapat na nga siyang umalis kasi maghahanap pa siya ng taong mabait, ng taong gagawin niyang masama. Nga lang ay natigilan siya nang biglang-lingon naman ang binata sa kanya. "Ano pala ang pangalan mo? At taga-saan ka?" Tumingin siya rito at ayon na naman ang spark. Napansin niya ulit na guwapo ito. Parang may lahing Amerikano kasi. "Kiara. Ako si Kiara Villanuera," pakilala na nga niya nang mahimasmasan siya. Animo'y isa siyang mabait na dalaga. Ngumiti sa kanya ang binata. Kinilig siya kaunti dahil lalo itong naging cute. Ang problema lang ay maputla talaga siya Hindi kaya nagape-face powder ito? Uhm, shokla ganern?! Binistahan niya ang kabuuan ng binata. Para namang hindi. "Kevinnnn!!!" saglit lamang ay malakas nang sigaw ng isang ginang. "Ang tita ko. Sige na, umalis ka na," at pagtataboy na naman sa kanya ni Kevin. Nataranta at muling natatakot ang hitsura nito. "Kevin, halika nga rito!" mas malakas pa na sigaw ng ginang. Hindi pa man ay alam na ni Kiara na masungit nga ang babaeng sumisigaw. "Nandiyan na po!" pasigaw na tugon ng takot na takot na si Kevin. Ibinaba na nito ang walis at nagmamadaling lumabas ng piggery. "Sige, hah? Nice meeting you na lang, Kiara." Pero kaway muna nito sa kanya bago siya iniwan. Napapamaang na lang siya na sunod-tingin sa binata. She felt pity for him. Ang tingin niya kasi ay inaalipusta ito ng tiyahin nito. "Kiara, ano 'yan?” Pero narinig niyang boses ng itim na anghel na naman. "Ang alin?" maang-maangan niya. "Kiara, naaawa ka sa kanya? Bawal 'yan!" "Hindi, ah!" Tumingala siya sa langit. "Ikaw huwag kang imbento!" ta's ismid niya sa kahit na hindi niya nakikitang anghel ng impyerno. "Aray! Tama na po!" subalit mayamaya pa'y nadinig niyang mga daing ni Kevin. Napamata siya sa bandang iyon. "Kiara, anong iniisip mo?" boses ulit ni itim na anghel. "Hindi ba masama ang pangingialam?" "Oo. Bakit?" "Kung gano'n ay mangingialam ako," aniya sabay takbo. Lumitaw ang itim na anghel. "Hoy! Bumalik ka rito!" at tawag nito pero hindi na ito pinakinggan ni Kiara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD