Danger 2
To: Jonna
'Good morning, Jonna. Pupunta ako sa office ngayun kahit anung sabihin po papasok ako.'
Mabilis na send ni Ginell sa cell phone number ni Jonna ang text niya. Sinabe nito na kailangan niyang mag live ng ilang araw o linggo kong gugustuhin niya dahil sa nangyare sa isang coffee shop ngunit hindi sumunod si Ginell. Naka sakay na siya ngayun sa kanyang puting kotse nang tumunog ang cell phone niya. Agad niyang kinabit sa tenga ang bluetooth headset niya para marinig ang tawag ng kaibigan niya.
Naka tira lamang mag isa si Ginell sa isang maliit na studio type na condo, mag isa na lang siya sa buhay, pa minsan-minsan na lang siya kinokontak ng kapatid at magulang niya. Wala na siyang pake alam sa mga ito dahil sa busy ito sa kanilang business kaya naging independent na rin siya. Habang nagmamaneho pinindot niya ang touch screen cell phone niya at pinatong sa upuan.
"Anu ka ba, Ginell!?" Halos mabasag na naman sa pangalawang pagkakataon ang eardrums niya dahil sa lakas ng bulyaw sa kanya ni Jonna.
"Tao ako, Jonna."
"Hindi oras para mag biro ngayun, Ms. Torres. Alam muna man na ang boss natin ang nag sabe ng utos na kailangan mong mag live kase nga dahil sa aksidente at ganun din naman si Darren." Pero hindi tanggap ni Ginell na mawawalan siya ng trabaho ng ilang araw. Alam niyang kailangan niyang mag pahinga pero mas kailangan niya ng pera para sa pang bayad sa gastusin sa pang araw-araw kahit na may savings pa siya.
"Ayoko ng pahinga, baka lalo akong mag ka sakit kong gagawin ko yun."
"Baliw ka talaga, ni hindi pa nga magaling yung pilay mo sa kanang braso." Naalala na lamang ni Ginell na kaya pala siya pinipigilan na umalis ng nurse dahil lalagyan ng semento dahil ito ang naging unan niya nang bumagsak siya, sa maling bagsak kaya nag ka pilay.
"Ayus na ako," pag sisinungaling niya sa katawagan. Ilang ulit niyang na itama ang braso niyang may pilay sa matitigas na bagay kaya lalo pa itong namaga. Kaya ang suot niya ngayun ay long sleeve na damit para hindi ito lumala, hindi na rin niya pinalagyan ng semento para masabeng wala namang nangyare sa kanyang masama.
"Sigurado ka ba dyan? Pero alam mo papaalisin ka lang at papauwiin ni boss pag dumating ka dito. Teka nga kailangan mo ba ng pera, pautangin kana lang namin kong gusto mo."
"Hindi ko kailangan," pagsisinungaling na naman niya. Alam niya kaseng hindi naman niya ito mababayaran kahit na gaanu ka laki pa ang utangin niya, mababa o man o malaki at baka makalimutan lang niya.
"O baka naman na bored ka sa condo mo? Pupuntahan ka naman namin dyan at lalo na ako kong may free time kami."
"Hindi rin, gusto ko lang talaga ang trabaho at saka naalala mo yung bidding ng blue diamond na gagawin dito kailangan kong makuha yun. Gusto kong ako ang makapag cover nun, mukhang maraming pupunta."
Bilang tatlong taong field reporter puro lang holdapan, nakawan at traffic ang madalas niyan nacover sa pagbabalita. Kailangan naman niyang humawak ng mas mabigat at mas importanteng balita. "Yun na nga ang sinasabe ko, sa tingin ko hindi yin sayu ibibigay at alam muna tatlong taon ka palang sa trabaho mo. Mag meeting nga tungkol doon."
Napa tingin si Ginell sa kanyang wrist watch at nakita niyang 7:45. "What time mag start ang meeting?"
"I think---" hindi na ituloy ang kanyang narinig nang may marinig pa siyang ibang boses.
"Ok, start na tayu ng meeting at pakipatay na muna ng mga cell phone."
Na putol na ang tawag at tinanggal na ni Ginell ang bluetooth headset sa tenga. Kailangan niyang mapa dali ang pagpunta doon ngunit bawal ang mabilis na pagmamaneho sa kalsada at baka tuluyan na siyang mawalan ng buhay. Pag katapos ng pangyayare ng hapon kong saan isa din sila sa nadamay sa pag sabog, hindi niya inaasahan na mabubuhay pa siya at akala niya isa na siya sa mga ililibing. Yun nga lang malungkot siya sa nangyare sa kanilang kasamahan na si Darren ang camera man at madalas na nag video sa kanya pagnag cover sila ng balita.
Maliban sa pagiging reporter isa din siyang journalist kaya nag trabaho siyang writer din sa channel na pinapasukan niya. Nang makarating na siya ay agad siyang tumungo sa harap ng conference room, takang taka pa ang ibang nakaka kilala sa opisina nila na nakaka tayu pa siya samantalang ang alam nilang naka live na ito. Kakatok na sana siya nang saktong bumukas ito at nag silabasan ang mga taong na andoon sa meeting. Ibig sabihin tapos na ang meeting at may plano na sila na hindi siya kasama.
Na gulat pa ng bahagya si Jonna nang makita sa harap niya ang kaibigan na si Ginell pero agad din naman itong nabawi at ngitian. "Na andoon si boss sa loob, ikaw na bahala kong anung sasabihin mo sa kanya."
Tumango naman siya at agad siyang pumasok sa loob. Nag aayus ang kanyang boss nang mapansin na may ibang tao pa pala maliban sa kanya. Gulat na gulat ito nang makita si Ginell at naka ngiti pa sa kanya. Naka suot ang boss niyang nasa 45 na taong gulang ng long sleeve na puto, neck tie na black at coat na kulay blue. "Good morning sir," magiliw niyang bati at pinapa halatang ayus lang siya kahit na kaunting galaw lang sa kanyang pilay ay lalong sumasakit.
"Why are you here, Ms. Torres?"
"Sir naman, para sa trabaho. Alam naman ninyu mahal ko ang trabaho ko at saka tignan ninyu." Saka ginalaw ang buong katawan, "ayus ako at walang kahit na anung pilay." Pilit niyang tinatago ang kirot sa mukha niya sa pamamagitan ng ngiti.
"Sorry Ms. Torres alam ko na ang ibig mong sabihin pero hindi mo kailangan pilitin ang katawan mo at sarili mo kong hindi mo pa talaga kaya. I think you should go back to your hone and take some rest."
"Sir naman eh, ayus lang ako at saka yung bidding na magaganap this coming saturday gusto kong makuha yung trabaho na yun. Gusto kong ako yung mag cover kahit na tatlong taon palang ako."
Kahit papaanu naawa sa kanya ang boss niya pero ibang ang desisyun nito para sa kanya. "Sorry Ms. Torres may iisa akong salita."
"Opo alam ko po yun," pag sang ayun ni Ginell sa kanyang boss.
"Ayun sa napag meetingan namin, Ms. Alemania would be the one who cover the news about the bidding." Sa loob-loob ni Ginell ay na lungkot siya ngunit pinipilit niyang ngumiti, "but you should thank for Ms. Haru for suggesting you to be a writer on that bidding."
Hindi pa nag sink in ang sinabe ng boss niya sa kanyang utak, "what?"
"Makaka sama ka sa venue na yun as one of the staff muna and as a writer for our news. That's all," paliwanag sa kanya ng kanyang boss, "just go back to work." Sabay tap sa kanyang kanang balikat.
"That would be great," bulong niya sa kanyang sarili. Nang maka labas siya ay agad siyang pumunta sa cubicle ng kanyang kaibigan na si Jonna at na katabi lang rin ng cubicle niya kong saan sila nag trabaho.
"Anung sabe ni boss?" Tanung sa kanya ni Jonna.
"Naku thank you Jonna, malaking tulong na ito kahit na hindi ako yung mag cover at least kasama ako as a staff."
"Naku ayus lang yan, dahil sa ginawa ko ilibre mo ako ng beef steak sa canteen mamaya."
Napa ngiti na lamang si Ginell at tinulungan siya ng kaibigan niya. "Oo naman, ako bahala." Biglang napa sulyap siya sa mga baguhang mukha na nagtrabaho kasama nila. "Teka unfamiliar yung mukha nung iba o ako lang talaga ang weird."
"Hindi ah, mga trainee yan. Yung iba dyan writer at ang iba dyan camera man. Sakto nga eh, nakita mo ba yung kausap ni Janice?" Hinanap naman ng mata niya yung Janice na ka trabaho nila at may kausap itong kaseng edad din nila, bahagyang malaki ang pangangatawan, may suot itong salamin sa mata at halatang mahiyain.
"Oo," sabe niya sa kanyang kaibigan habang naka tingin sa dalawa. Animoy nag bibigay ng instruction si Janice sa baguhan.
"Yan si Mr. John Peña, isa din sa mga trainee at siya yung magiging camera man ni Janice. Papalit muna kay Darren pansamantala." Uupo na sana siya nang maalala niyang hindi pa siya nag aalmusal kaya agad siyang kumuha ng kape at sandwich sa kusina ng opisina.
Papasok pa lamang siya nang masanggi ng kong sinung makaka salubong niya ang pilay kaya agad siyang napa singhal at napa hawak doon. "Naku sorry," sumulyap siya nang makita niyang si John ito at may hawak pang kape. Pasalamat na lamag siya sa kanyang sarili at hindi na tapunan ang braso niya ng maiinit na kape.
Umayos siya ng tayu, "naku ayus lang ako."
"Anu pong meron sa braso ninyu?" Agad na nag senyas na wag maingay si Ginell sa binata. "Bakit po?" Tanung nito na may mahinang boses.
Palinga linga sa paligid si Ginell saka hinatak papasok si John sa loob ng kusina. "May pilay kase ako," mabilis niyang saad.
"Ay sorry po talaga hindi ko po sinasadya," paulit na pag hingi ng paumanhin ni John kay Ginell.
"Wag ka lang maingay, dahil kase ito sa coffee shop kahapon sa pag sabog."
"Ikaw po pala yung dinala nilang reporter na damay sa pag sabog sa isang coffee shop. Buti po naka ligtas kayu," wika ng binata.
"Oo nga thank you na lang kay Lord." Pag ka tapos ng pag uusap na yun bumalik naman si John sa kanyang trabaho at kumuha ng makakain si Ginell. Pa balik na siya nang mapa hinto siya sa harap ng malaki nilang tv naka sabit sa isang poste.
Malawak at malaki ang opisina nila. Maraming telebisyon para malaman nila kong anu bang nangyare sa bawat sulok ng mundo sa pamamagitan ng sabay-sabay na pinapa nood ang balita sa iba't ibang channel sa buong mundo. Hindi mabilang na naka dikit sa pader at sa iilang poste. Halos ang balita ay tungkol sa nangyareng pag sabog sa coffee shop sa Pilipinas.
May mga ilang bansang na galit dahil sa na damay ang kanilang kababayan, na iinis sila dahil sa mahabang panahon, mahina paren ang siguridad sa Pinas, meron naman sa ibang channel na naghihingi ng paumanhin ang babaeng presidenti sa lahat ng kamag anak na damay sa pag sabog at ang iba naman ay tungkol sa rally na pa tungkol sa ka walang siguridad sa bansa.
Bumalik na lamang si Ginell sa kanyang cubicle at nag simulang ayusin ang gamit niya doon habang kumakain. Pero hindi paren mawala sa kanyang isipan ang balitang napa nood niya kanina lamang.