bc

Dangersome

book_age16+
575
FOLLOW
1.6K
READ
bxg
mystery
scary
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Parehong mahirap ang trabahong pagiging pulis at reporter dahil pareho nilang kailangan sumabak sa trabahong buhay nila ang naka salalay at parehong nag sisilbi para sa tao. Ang pagkakaiba nila kailangan humarap ng isang reporter sa camera at kailangan ng mic para marinig ang kanilang mga boses. Samantalang ang mga pulis hawak nila ang baril para ipag tanggol ang sarili at ang ibang tao. Mag ka ibang trabaho pero kailangan mag sama sa iisang hangarin na mapa tumba ang pinaka malaking sindikato sa Pilipinas.

chap-preview
Free preview
Danger 1
Danger 1 Maingat at tahimik na pumunta ang grupo ng SWAT sa likod ng coffee shop, kong saan nag ka roon ng hostage taking sa loob nito na halos kalahati ng taong na andoon ay turista at taga ibang bansa pa. Ang nag sa gawa ng hostage taking na yun ay iisang terorista lamang na may bomba sa kanyang katawan. Takot na takot ang mga taong nasa loob, umiiyka iilang matanda, mga bata at mga babae dahil sa takot na anumang oras pasabugin ng terorista ang kanyang sarili na maaring madamay ang mga taong nasa loob. Pati rin ang mga taong naka paligid sa coffee shop. Kaya ang ginawa ng mga pulis at SWAT team ay pina layu ang mga taong malapit sa coffee shop. Ngunit matitigas ang ulo ng mga ito kaya nakiki usyuso ang iilan kahit na hinaharangan na sila ng mga pulis. Sinira ng dalawang SWAT ang pinto sa likod ng coffee shop. Na unang pumasok ang isa at sumunod ang iilan. Nasa kusina ngayun sila, mga naka bulletproof, may takip ang mukha, bibig at may mga hawak na matataas na baril. Mula uli sa labas naka pa libot ang kotse ng mga pulis, SWAT, mga pirabadong tao, mga nakiki usyusong tao at mga reporter. Na andoon si Ginell na isang field reporter na kasalukuyang nasa harap ng camera man na umiiri ngayun sa mga telebesyun ng mga manonood sa kanilang bahay sa mga oras na yun. "Na andito po tayu ngayun sa harap ng isang sikat na coffee shop sa Pasay sa loob sa isang mall, kong saan nag kakaroon ng hostage taking na hawak ng isang terorista at mula sa loob may hindi mabilang na hostage na hawak ngayun ng terorista." Seryoso ang mukha niya at tatlong taon na siyang field reporter sa isang channel sa tv. "Kong makikita natin maraming tao na pinapa layu ng mga pulis sa palibot ng na sabeng coffee shop." Nang tuluyan nang maka pasok ang lahat ng SWAT team at saka din naka tunog ang nag iisang terorista kaya agad niyang pinindot ang pulang button na hawak niyang remote control. Sa bilis nang pangyayare isang nakaka binging ingay na maririnig galing sa loob ng coffee shop. Basag ang salamin ng buong shop, pati ang mga salamin ng kotseng na andoon ay na basag din. Nag siliparan ang mga taong nasa labas dahil sa lakas ng hangin na nang galing din sa pag sabog. Nakita na lamang ni Ginell ang kanyang sarili na naka higa sahig habang ang ulo niya ay naka unan sa braso niya, naka bitaw na din siya sa mic niyang hawak kanina. Hindi siya maka rinig at nag durugo na din ang mag kabila niyang tenga dahil na basag ang ear drums niya. Pinipilit niyang maka bangon ngunit hindi niya makaya ang bigat ng katawan. Hanggang sa mawalan na siya ng lakas at mawalan ng malay. Ang huli niyang nakita ay nag tatakbuhan na paa at mga katawang naka higa din katulad niya. Dumating ang ambulansya para sa mga patay na tao dahil sa pagkaka sabog ay mga sugatang nilalang na damay lamang na sinugod agad sa hospital. Napa dilat agad si Ginell nang marinig niya ang ingay ng mga taong naka paligid at mga nag iiyakan na kamag anak sa kanilang mahal sa buhay. Hilong hilo paren siya sa mga oras na yun, tatayu na sana siya nang pigilan siya ng nurse na lalaking nagbabantay sa kanya. "Wag po kayung magalaw at kailangan mo pa pong mag pahinga." Pigil nito sa kanya ngunit hindi niya marinig ang sinabe sa kanya. Naka tanaw lang siya sa mga taong nagkakagulo sa loob ng hospital. May paroon at paritong mga sugatan o kaya patay na damay sa pag sabog. May nag iiyakan, duguan , litong lito at hirap na hirap na ang staff ng hospital dahil anh daming dumarating. Sa tatlong taon na pagiging field reporter, ngayun lang sa kanya nangyare ang bagay na ito. Hindi siya makapaniwala na maka kita siya ng ganitong pangyayare. Bigla niyang naalala ang camera man niya. "Na saan ang kasama kong camera man?" Tanung niya sa nurse. "Nasa ER po ma'am, kase sinugod siya sa pagtama ng bakal sa sikmura niya." Hindi makapaniwala si Ginell sa kanyang nalaman, gusto niyang malaman kong kumusta na ang kasama niya sa trabaho. Tinaggal niya ang aparatong naka kabit sa pulso niya, napa singhal pa ito. Hindi na siya nagpa pigil pa sa nurse. Nang maka labas siya, doon lang niya nakita nang tuluyan ang mga duguan na damay pag sabog. Pa linga-linga siya ngunit kahit saan man siya tumingin puro hagulgol at sugatan ang nakikita niya. May isa pang batang babae ang hawak-hawak ang kanan niyang mata na nag durugo at hagulgol sa kanyang ama. "Kuya, doon po oh." Tinuro niya ang higaan na ginamit niya kanina. "Maraming salamat po," sabe ng ama nung batang babae. Hindi na pinansin ni Ginell ang mag ama. Kinuha naman niya ang cell phone niya sa bulsa na bahagyang basag ang screen dahil na daganan niya kanina nang matumba siya. Kailangan paren niyang asikuhin ang trabaho niya, kaya kumuha siya ng video at ilang litrato sa hospital na yun kong anu bang nangyare sa mga nadamay. "Jusko po," sabay hawak sa kanyang ulo dahil hanggang sa mga oras na yun ay hindi paren makapaniwala at nanginginig buong katawan. Dumating ang mga kasamahan niya sa pagiging field reporter. Agad siyang yumakap kay Jonna na matandang nag guide sa kanya sa trabaho nung nag uumpisa pa siya. Naramdaman naman ni Jonna ang panginginig ng katawan ni Ginell, "ayus ka lang ba? Inasikaso ka ba nila?" Tumango na lamang si Ginell at hindi muna nag salita. Dumating naman si Chris na kasamahan din nila sa trabaho na isa ding field reporter, "nasa room number 202 si Darren at nagpapahinga na. Pero sabe nung doktor ayus na siya pero sa tingin ko hindi muna siya makapag trabaho." Napa takip si Ginell sa kanyang narinig at agad silang nagpunta sa silid kong na saan si Darren na isa mga camera man nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
274.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
974.9K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
320.1K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

Reckless Hearts

read
258.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
187.7K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook