Story By KhioneNyx08
author-avatar

KhioneNyx08

ABOUTquote
Hi everyone, welcome to my profile and thank you reading my works. You can send me friend request @Cynna Esguerra on Facebook to get to know me.
bc
Elite Series Book 1: Sinful Duty
Updated at Feb 18, 2022, 21:18
(Rated18+) Tatlong taong ginugol ni Saddie Villegas ang kanyang sarili sa pagiging assistant slash secretary ng isang Director Maven Ildefonso sa IWS Company, na isang sikat na winery company sa buong Pilipinas, sa tatlong taon na iyon kabisado na niya ang binata lalo na ang nangyayari sa pamilya at ilang eskandalong kinabibilangan. Wala namang balak na makisawsaw si Saddie sa kahit na anong gulo sa pamilya nito ngunit biglang nagbago ang lahat nang maaksidente ang binata sa gabi kung kailan nakapag-proposed ito bilang fiancé sa matagal ng kasintahan, sa aksidenteng iyon namatay ang kasintahan ng binata at nabulag si Maven. Dahil hindi kinaya ng ina ng binata ang nangyari at ayaw niyang magising ito sa masamang balita, binigyan si Saddie ng komplikadong alok na magpanggap bilang kasintahan kapalit ng perang pangpagamot sa inang may sakit. Kukunin niya kaya ang alok para mapabuti ang buhay nilang mag-ina? Hanggang pagpapangap lang ba ang maibibigay niya sa binata? Kaya niya kayang ibigay ang sarili sa ngalan ng pag-ibig?
like
bc
Young Hearts B1: C to F
Updated at Nov 11, 2021, 05:49
Dati lang naman akong nerd, walang masyadong kaibigan o sabihin nating wala talaga akong kaibigan dahil sabi ng mga mean girl noong high school ako, nakakahawa ang pagiging nerd ko, pati na rin ang kapangetan ko (nakakahiya diba, saang utak nila nakuha 'yon napaka-logic naman), nadagdagan pa ang kamalasan ko nang dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman talaga sinasadya, napagtripan ako ng mga mean girl at lalo na ng isang badboy na si Fraynard. Ang pinakaiinisan kong tao sa buong mundo, dahil lang naman sa kanya hindi maganda ang naging takbo ng huling buhay ko sa high school, dahil sa kanya hindi na ako nilalapitan ni crush at naging disaster ang senior prom ko. Dahil din sa kanya pinilit kong magbago para hindi na mauulit pa ang mga pangyayaring hindi ko makakalimutan. Dahil nga maliit ang mundo at ang katangahan ng tadhanang pinagtagpo uli kami, dahil sa gasgas nang aksidente nagkalapit na naman ang mga buhay namin, pero mukhang maswerte ako sa pagkakataon na ito at siya naman ang bagong kong pet, ito na ang panahon ng paghihiganti ko (evil laugh*cough)
like
bc
Young Hearts B2: Dating Ms. Tomboy
Updated at Nov 11, 2021, 05:03
Iniwan ni Elven ang pagiging Casanova niya nang makilala niya si Ara ang nagpabago ng katauhan niya, akala niyang minahal na babae eh mahal din siya ay isa palang malaking AKALA, nagsisi siya na seneryoso niya ito lalo na nang makipag-break ito sa kanya, ang malala pa roon ginamit lang pala siya ng dalaga. Gusto niyang maghiganti sa ginawa nito sa kanya ni Ara, gagawin niya ang lahat para lang mapabagsak niya ito, makukuha lang niya ‘yon kong may isang siyang ipangtatapat, si Max. Ang tomboy-next-door na lalaki pa kong pumorma sa kanya, pero sa loob ng cargo pants na palagi nitong suot, loose shirts at messy bun hair, may aking gandang ito na hindi inaakala ng lahat.
like
bc
Wolves
Updated at Sep 27, 2021, 18:02
Kinamumuhian ang mga taong-lobo at pinaniniwalaan niyang mga halimaw ito, dahil sa trahedyang pilit niyang tinatakasan ngunit pakiramdam niya para siyang pinaglalaruan ng tadhana nang malaman niyang nakatakda siyang ikasal sa kinamumuhian niyang nilalang sa lahat. Matatakasan kaya niya ang propesiya? Kaya niya kayang hindi magmahal ng katulad nito?
like
bc
Gray House
Updated at Jul 2, 2021, 16:48
Nagising si Jude na naliligo sa dugo ng kasintahan sa loob ng bagong bahay niya, pero sa paggising niya ay wala siyang maalala na kahit na ano, hanggang sa maging siya ang suspek sa pagkamatay ng kasintahan, naging iwas sa kanya ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya, bigla ring naisara ang kaso, dahil walang ebidensya sa nangyari at dahil doon nagpakalayo-layo si Jude. Pero sa pagbabalik niya sa Gray House, magbabalik ang mga tanong niya sa panahong namatay ang kasintahan niya, at sa pagbabalik niya marami ring naging interisado, lalo na sa kanya? Ano ba talaga ang tunay na nangyari sa Gray House?
like
bc
Avery in Avalon
Updated at May 30, 2021, 18:01
Lumaki si Avery Lestrange sa mundo ng sindikato, wala siyang kinatatakutan, naging bahay ang kalsada, naging laruan ang kutsilyo at nakipagpantintero sa mga pulis para makatakas. Nagpalipat-lipat ng lugar para lang matakasan ang batas at nagpalit-palit ng anyo sa mga nakakasalamuha niya kong paano siya makikibagay sa mga ito. Namatay siya nong gabing iligtas niya ang kanyang boss ngunit nagising siya isang umaga sa kakahuyan na may bagong buhay at nalaman niyang hindi pala siya normal na dalaga lang.
like
bc
The Otis
Updated at Jan 31, 2021, 21:41
Ang inosenteng halimaw na gustong makawala sa masama niyang panaginip. Sino ba ang pwedeng pagkatiwalaan, ang halimaw na tinatakbuhan mo o ang mga taong nakapaligid sa 'yo? Ang halimaw na gustong maging normal ang buhay o normal ang buhay na gustong maging halimaw. 'Can love change everything?' 'The final ending has began and revail the unfold stories.'
like
bc
KLWKN
Updated at Sep 30, 2020, 01:36
(Completed) November is like a porcelain vase na hindi pwedeng mabasag. Bata pa lang siya nong ma-diagnosed na may rare terminal disease siya na tinatawag na Haemophilia. Normal college student and any time soon pwede siyang mawala kong hind siya mag-iingat. Palagi siyang na-attend ng support group isa sa mga ginagawa niya. Araw-araw din siyang gumagawa ng eulogy para sa sarili dahil gusto niyang makagawa ng perpektong eulogy para sa kanya ngunit wala naman pumapasa pang lasa niya. She told herself hindi pa siya pwedeng mamamatay kong sakaling hindi pa siya nakakagawa ng magandang eulogy dahil first wala siyang friends na gagawa no'n sa kanya and second ayaw ng ina niya pag-usapan ang bagay na iyon. Normal na araw lang naman na muli siyang babalik sa support group ngunit nakaharap niya doon ang viral suicidal guy campus nila, and trouble maker and the SSG president. Ang tatlong tao na magapabago ng tahimik niyang buhay.
like
bc
Bride of the Magistrate
Updated at Jul 23, 2020, 18:03
Dahil sa isang aksidenteng mangyayari kay Suyen magigising siya sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya, magugulat na lamang siyang nakasuot ng mahaba at makapal na bistida. Ang mas lalong magpapagulat sa kanya na isang estrangherong mahestrado ang magpapakilalang kasintahan niya at ikakasal na sila sa susunod na buwan.
like
bc
The Acts of Murderer (TFOM Book 2)
Updated at Jun 30, 2020, 21:00
‘Paano nga ba kumilos ang isang killer? Paano siya makisalimuhi sa mga taong nakapaligid sa kanya? Madali ba siyang mabasa, makikita ba sa kanyang mga mata na isa siya sa hindi mo pwedeng pagkatiwalaan? Isa ba siya sa mga taong kilalang-kilala muna ng lubusan?’ Isang bakasyon ang muling magbubuklod kila Agatha, Alex, Dante at Jane. Ang akala nilang isang bakasyon ang magbibigay sa kanila ng katahimikan mula sa mga krimen na nangyari sa isang paaralan, pero mismong tadhana ang naglalapit sa kanila sa malagim na pangyayari sa Claret kong saan lumaki si Dante. Matutuklasan nila ang samu’t saring pagkawala ng mga bata, mga babae at mga ilang nahahanap na bangkay kong saan-saan. Mapipilitan silang magtrabaho sa kanilang masayang bakasyon lalo na’t isa sa kanilang apat ang magiging biktima.
like
bc
About Gray
Updated at Jun 27, 2020, 23:00
Wag kang maniniwala sa mga ngiti at sa maamo niyang mukha. Dahil kong sino pa ang walang kapintasan at may perpektong katauhan ang madalas na magdadala sa 'yo sa kapahamakan. Mag-iingat ka sa kanya o sa kanila?
like
bc
Lost in the Dark (LIB Book 3)
Updated at Jun 26, 2020, 21:00
Nang matuklasan ni Dylan na buhay pa si Eunice ay agad siyang gumawa ng aksyon para mahanap ang dalaga, pero nang malaman din niyang wala itong maalala kahit isa, pipilitin niyang maging ayus ang lahat, gagawin niya ang lahat para lang maalala siya ng dalaga at muling magkabalikan. May panibago na namang gyera sa pagitan ng dalawang pamilya dahil sa bagong buhay na mag-uugnay sa kanila, possible bang maging tulay sa pag-aayus nang dalawang pamilya ang magiging anak nila o lalo lamang gugulo ang lahat?
like
bc
The Faces of Murderer (Book 1)
Updated at Jun 1, 2020, 19:58
Sa ballet show… Nakita ang isang patay na binatang lalaki bago pa man mag-umpisa ang ballet show na inihanda ng mga theatre arts students para sa kanilang proyekto. Akala nila aksidente ang lahat hanggang sa may isang binata na naman ang nakita nilang duguang patay sa boys locker room. Isang police investigator… Ang mag-aasikaso ng kaso, pero isang katakang-takang pangyayare na halos ng theater arts students sa tuwing tatanungin sila, sinasabi nilang sila ang pumatay, tanging isang babaeng misteryoso lang ang nagsabing hindi siya ang pumatay, maraming tanong ang pumasok sa kanyang isipan hanggang sa maisara ang kaso dahil animoy pinaglalaruan lang sila ng mga estudyante at ginagawang biro ang kaso ng kamag-aral nila, pero dahil naniniwalang aksidente lang ang lahat, nagkunwaring guro ang baguhang police officer sa paaralan na ‘yon para mag-matyak. Ang misteryosong babae… Ang nagsasabing hindi raw siya ang pumatay, pero alam niya kong sino ang salarin sa pamamagitan ng pagiging clairvoyants niya pero hindi naniniwala sa kanya ang police officer, dahil sa kanyang kakayahan pati siya’y mapapahamak ng hindi niya inaasahan, sunod isa na din siya sa magiging biktima ng mamamatay tao sa campus nila.
like
bc
Lost in the City (LIB Book 2)
Updated at Jun 1, 2020, 19:23
Mag tatapos na sa senior high si Eunice at kailangan na niyang humakbang sa sunod na lebel ng edukasyon niya sa kolehiyo. Maraming nag bago sa kanya simula nang maging katulad na niya si Dylan, sa pagkain, pangatawan at pamumuhay. Hindi na normal katulad ng dati pero pinipilit pa din niyang katulad ng mga normal na tao. Pero sa pag tungtung niya bagong taon sa kolehiyo at doon niya matuklasan na marami pa lang katulad niya na tahimik lang sa paligid. Nang malaman naman ng ibang masamang aswang na kasintahan niya si Dylan, ang bagong lider ng mga aswang, ay siya namang hahabulin para mapatay siya at mabawi ang pamuno ng binata. Akala niya kabisado na niya ang siyudad na kina lakihan niya. Akala niya kaunti lang sila at akala niya palaging nasa tabi ang binata. Mag umpisa naman ang bagong kwento sa pagitan ng pag mamahalan, sakripisyo, prinsipyo, dignidad at kapangyarehan. Akala din ni Eunice kilala na niya ang sarili lalo na’t malaman niya ang tunay na siya.
like
bc
The Mirror (English Version)
Updated at May 11, 2020, 20:21
Nikki learned how to be independent and stand on her own feet when her parents gone, and she need to live with her aunts and two brat cousins. She thought everything will be okay but when her relatives start to live at her own house, everything in her live is ruined. She look like maid in her own home and being slave, she wanted to leave and find a job in her young age. But theirs one person who help her to get in college and study. She promises to herself to make a new friend and to join some college party. She thought her live will be one of those fairy tales, but she doesn’t have a prince or fairy godmother. Her life changes when she entered college. She thought she will be happy but in a magic and eccentric mirror that hides a year ago in abandoned room at university changes her life.
like
bc
Lost in Bicol (English Version)
Updated at Jul 13, 2019, 02:29
The grade 11 students joined in a field trip that happened in a secluded area of Bicol. A happy and memorable trip changed into bloody lifeless body of students, when they discovered the modern monster hiding on that eccentric forest. But one student survived at the bloody massacre, who is she?
like
bc
Dangersome
Updated at Apr 3, 2019, 18:55
Parehong mahirap ang trabahong pagiging pulis at reporter dahil pareho nilang kailangan sumabak sa trabahong buhay nila ang naka salalay at parehong nag sisilbi para sa tao. Ang pagkakaiba nila kailangan humarap ng isang reporter sa camera at kailangan ng mic para marinig ang kanilang mga boses. Samantalang ang mga pulis hawak nila ang baril para ipag tanggol ang sarili at ang ibang tao. Mag ka ibang trabaho pero kailangan mag sama sa iisang hangarin na mapa tumba ang pinaka malaking sindikato sa Pilipinas.
like
bc
Beauty in Tragedy
Updated at Apr 2, 2019, 21:26
Isa lang ang masasabi pagnarinig mo ang pangalan na Jessa, TROUBLE TEENAGER. Masyado siyang depress lalo na ng maghiwalay ang magulang niya, dahil pinagtatalunan ng magulang niya kong saan siya mapupunta, kong sa ama ba niyang mangloloko o sa ina niyang isang abogada. Dahil nanalo ang ina niya, kailangan niyang sumama dito, pero hindi niya inaasahan natitira siya sa lumang Manor House ng lolo niya na ama ng ina niya. Doon niya nalaman na ginawa palang apartment ‘yon para pagkakitaan, marami nang nakatira, ang iba’y relatives niya at ang iba naman ay sadyang kaibigan lang ng pamilya. Pero lalo pang lumala ang pagiging depress niya na masyadong busy ang ina niya, madalas siyang mabully sa bagong paaralan niya, dahil doon madalas siyang maglaslas para lang mawala ang inis niya, doon na tuklasan ni Jhade ang ginagawa niya, isang binatang anak ng nakatira sa manor na ‘yon at isang kamag-aral niya. Umpisa nang matuklasan ng binata ang ginagawa niya, madalas na siya nitong kausapin o kaya’y samahan. Hindi pa doon nagtatapos ang lahat sa paglipat, dahil maraming malalaman si Jessa sa bawat nakatira sa Manor, akala niya panaginip lang na nakakakita siya ng multo doon, pero higit pa doon ang inaakala niya.
like
bc
The Midnight Princess
Updated at Apr 2, 2019, 20:44
The Midnight Princess Isang sumpa ang nagpabago kay Darcy nang tumungtung siya sa edad na labing walong taon, isang sumpa na magkakaroon siya ng isang asawa na halimaw at para hindi madamay ang kanyang pamilya kailangan niyang lumayo. Sa paglayo niya nag-umpisa ang kakaiba niyang panaginip, isang panaginip na nakikipagtalik siya sa hindi niya kilala, unti-unti nagbago ang lahat hanggang sa makilala niya ito at dalhin siya sa kakaibang lugar na akala niya ay madalas lang makikita sa mga pantaseryeng libro.
like
bc
Dead Air
Updated at Apr 2, 2019, 20:12
Isang gabing aksidente ang magpapabago sa buhay ni Rinzen, isang aksidenteng kahahantungan ng lahat ng mga barkada niya sa isang party ang pinuntahan nila, mabubulag siya at nalunod. Hindi akalain ng lahat na mabubuhay pa siya pagkatapos niyang ma-coma, pero isang boses ang narinig niya ang siyang nagpagising sa kanya at halos hindi niya maalala ang lahat ng nangyari ng gabing na aksidente silang lahat, magigising na lamang siya at malalaman na nawawala na pala ang lahat ng estudyanteng umattend sa party maliban sa kanya na siyang pinagtataka ng lahat. Si Than ang tutulong sa kanya para maalala ang lahat na isang detective, para masagot ang lahat ng katanungan at matapos na ang haka-haka na si Rinzen ang may kasalanan. Pero habang sinasagawa ang imbestigasyun, marami pa silang malalaman sa nangyari sa gabing ‘yon at mauulit ng ilang beses, hanggang sa mapagtanto ni Rinzen kong bakit siya pa ang nabuhay at bakit nangyari ang aksidente ng gabing ‘yon.
like
bc
Rhapsody
Updated at Apr 2, 2019, 19:19
Tuloy ka sa State Haven… Isang newly graduate si Rica bilang psychologist at isang professional nurse, dahil gusto niyang makapagatrabaho agad, kinuha niya ang opportunidad na makapagtrabaho sa State Haven, bahay ng mga baliw, mag-aalaga siya ng mga baliw na pasyente, marami siyang matutuklasan na ang State Haven ay hindi basta mental hospital, dahil usap-usapan sa buong bayan na maraming nawawalang nurse at pasyente sa loob at hindi nila alam kong saan ito napupunta, ang iba naman ay bigla na lang namamatay, balita din na may mga hindi naman baliw na bigla na lang na pupunta sa nasabeng mental hospital. Kahit ga’nun pa man, tinanggap parin niya at pinagpatuloy ang trabaho kahit na may takot sa kanyang puso. Pero sa unang pagtungtong pa lang niya sa State Haven, iba’t ibang karanasan na ang nakuha niya, pakiramdam niya isa din siya sa magiging pasyente ng State Haven, minsan magigising na lang siya sa hating-gabi, nanaginip siya ng kakaiba, isang nakakatakot na panaginip na gugustuhin na niyang tumakbo at bumalik sa dati niyang buhay. Hanggang ang lahat ng panaginip at kinatatakutan niya ay magkakatotoo, lalo na ang sikreto ng State Haven kong bakit ito tinayo.
like
bc
Rewrite
Updated at Apr 2, 2019, 18:12
Ano nga ba ang tunay na nangyare sa Chris’s Apartment Building noon at kong bakit ito nasunog noong labing limang taon ang nakakalipas? Sabi nga nila “history repeat itself.” Pero paano sa pagbabalik ng nakaraan, hindi mo ito nais malaman pa?
like
bc
Mad House
Updated at Mar 28, 2019, 23:39
"Serial killers are born, not made..." Bahay ng mga baliw, hindi nakakapag-isip ng matino ang mga nakatira rito at bayolente sa mga nakapaligid sa kanila. Pero magigising na lang si Kaye sa isang silid sa loob ng pasilidad ng Tan Ching Asylum, kong saan napapalibutan siya ng mga pinangingilagan ng mga kapwa niya normal, mga baliw. Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan, paano siya napunta roon, bakit kasama niya ang mga baliw? Isa pang bagay ang inaalala niya, wala siyang maalala kong paano siya nakapasok doon. Makakalabas pa kaya siya? Paano na lang kong may malalim na dahilan kong bakit siya nasa loob?
like