Chapter 1
Chapter 1
NAGMAMADALING LUMABAS si Suyen sa Cloven University of Arts kasabay ng ilang estudyante na kumuha ng exam ng araw na ‘yon para makapasok sa prestige art schools at isa si Suyen sa gustong makapasok sa unibersidad.
Para bang nabunutan siya ng tinik sa puso ng matapos niya ang exam ngunit halos gabi na ng matapos ang exam nila kaya nagmamadali siyang naglakad patungong bus stop, siksikan sila at halos makulimlim din na may nagbabadyang malakas na ulan kasabay nito ang napakalamig na klima sa gabing ‘yon.
Nasa pangalawang baitang na siya sa kolehiyo sa isang unibersidad sa kanilang lugar ngunit mas gusto niyang kumuha ng gusto niyang kurso sa CUA at ipagpatuloy ang pangarap niyang maging sikat na pintor.
Nagkalat sa tabi ang mga kasama niya sa exam na hindi naman niya kilala, kanya-kanya silang usap tungkol sa naging pagsusulit nila. Ngunit natigil ang ingay ng may dumating na bus at huminto sa bus stop.
Unti-unti nang nagsiakyatan ang lahat at halos mapuno na ang bus, wala siyang pagpipilian kong di ang tumayo sa buong biyahe at ang iba pa niyang kasabayan.
Sa pag-andar ng bus, kasabay nito ang malakas na pagbagsak ng ulan.
“Naku naman, wala akong payong,” bulong niya sa kanyang sarili.
Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinignan kong anong oras na, “7:03 pm,” basa niya.
May ilang text din galing sa kaibigan niya na siyang nagpangiti sa kanya.
Meriam: Galingan mo
Yuhan: Goodluck XD
Jack: Go, go, go Suyentot
Mas lalo siyang napangiti ng mabasa niya ang mensahe ng kasintahan niyang si Harold.
Harold
Harold
Harold
Harold
Mag-reply sana siya ng biglang bumilis ang andar ng bus, halos lahat ay napaatras at nabitawan niya ang cellphone na hawak, pasalamat na lamang siya at nakahawak siya sa upuan na malapit sa kanya, ngunit natapakan na ng isang pasaherong nakatayo rin ang cellphone niya.
Nanggagalaiti sa galit ang lahat ng pasahero sa gulat dahil sa nangyari at hindi natigil ang ingay lalo na ng lalong bumilis ang andar nito at animoy pagewang-gewang na ang bus, yuyuko sana siya para kunin ang cellphone at maingat din siyang hindi bumibitaw sa hawak.
“Anu ba yan Kuya!?” Sigaw ng isang pasahero.
“Mag-ingat naman kayo may kasama kaming bata!” Sabi naman ng isang ale malapit sa likod niya.
Pinagpapawisan na ng malamig ang driver sa unahan lalo na’t hindi na niya makontrol ang manebilang hawak niya at dahil na rin sa dulas ng kalsada.
Hanggang sa isang kotse ang bigla na lang nag-overtake sa papasalubong sa isa ring bus, sa gusto niyang maiwasan na mabangga ang kotse agad siyang prumino ngunit huli na ang lahat, sumalpok na rin sa kanya ang kotse.
Hanggang sa lahat ng pasahero kasama si Suyen ay napadapa na sa loob ng bus, tumama ang ulo niya sa bakal na poste ng bus at agad na nawalan ng malay, isa pang bus ang kasunudan nila ang hindi nakapagpreno dahil sa nangyari ang sumalpok sa kanilang sinasakyan na bus hanggang huminto ito.
MARIRINIG SA loob ng bus na naaksidenta ang iyakan ng mga babaeng nakaliktas sa trahedya, duguan ang lahat, may hindi makagalaw dahil sa sobrang sakit ng kanilang pagkakaipit, maingay ang ambulansyang kakarating lang at ilang nakikinood sa nangyari.
Nagising si Suyen na nakahiga sa isang pasaherong wala ng malay, umiikot ang paningin niya, hindi niya maramdaman ang katawan o maigalaw man lang ang kamay, nakakaramdam siya ng sobrang pagkahilo lalo na’t patuloy na nagdurugo ang ulo niyang tumama.
Pinipilit niyang manatiling gising ngunit nanghihina na siya.
‘Hindi pa ako pwedeng mamamatay, hindi pwede,’ paulit ulit niyang sabi sa kanyang isip. Ngunit unit-unti nang nandilim ang paningin niya at huminto ang pagtibok ng puso niya.
DAHAN-DAHAN niyang dinilat ang mga mata, natanaw niya ang napakagandang chandelier sa mataas na kisame, naningkit siya sa napakagandang imaheng nakaguhit sa kisame na animoy ngayon lang niya nakita ang ga’nung disenyo.
Hanggang sa manlaki ang mga mata nang maalala niya kong ano ang nangyari kanina, nasa isang aksidente siya, malinaw na malinaw ang lahat, agad siyang tumayo ngunit wala siyang nararamdaman na kahit na anumang sakit sa katawan, kinapa niya ang ulo niya.
Tinignan niya ang kamay ngunit wala siyang nakitang bakas ng dugo na galing do’n, doon niya napansin na nakahiga sa malamig na sahig, sa pagtayo niya do’n niya nakita ang ayos niya, lalo siyang nanlaki ang mga mata sa gulat.
Labas ang balikat at buong braso niya sa suot niyang mahabang bistidang pula na abot hanggang sahig, do’n niya rin naramdaman ang higpit ng kursit na suot niya, may ribbon itong pula sa pinakataas na siyang tali ng kursit niya na para bang desinyu ng kanyang bistidang suot, may maliliit itong raffles sa paligid nito , “anong nangyayari?” Histerikal niyang tanong sa sarili.
Nilibot niya ang tingin, animoy nasa loob siya ng napakaluma ngunit napakagandang tahimik na mansyon, nakita niya ang isang malaking salamin sa isang sala kaya agad siyang lumapit do’n. Tuluyan niyang nakita ang kanyang sarili, ang laki ng pinagbago niya at hindi niya maintindihan ang sariling ayos.
Para siyang taga-Europa sa ayos niya at suot, ang dati niyang itim na buhok na hanggang balikat, naging mahaba na abot hanggang bewang at naging kulay puti ito na siya pang nagpadagdag sa pagiging maputla niya at bahagya itong kulot sa dulo, nakasuot siya ng pulang headband sa ulo, may bahagyang pulang lipstick sa labi at pulang eye shadow.
Napatakip siya sa dibdib niya dahil sa suot niya, napakalamig din ng temperatura ng paligid. Tinaas niya ang palda ng bistida, nakasuot siya ng boots na kulay brown na hanggang tuhod ang taas.
Hindi niya maintindihan kong paano siya napunta ro’n at bakit siya nakasuot ng ga’nun.
Sunod-sunod na malakas na kalabog ang narinig niya mula sa pintuan na siyang nakakuha ng atensyon niya, lalo siyang kinakabahan sa nangyayari, gulong-gulo ang isip niya.
Nanatili siyang nakatayo ro’n habang patuloy pa rin ang pagkalabog ng pintuan, hanggang sa tuluyan itong bumukas at nagpadagdag ng lamig sa loob ng mansyon, natanaw niya ang labas, do’n siya unang nakakita ng umuulan ng nyebe at nagtataasang puno na hindi niya alam ang tawag, may anim na lalaking may hawak ng malalaking kahoy.
Isang binata ang galit na galit na nakatingin habang papalapit sa kanya, matangkad ito sa kanya, may tamang pangangatawan, habang papalapit ito sa kanya lalong nagiging malinaw sa kanya ang itsura ng binata, maputi ito, may makapal na kilay, itim na itim na mata, matangos na ilong, manipis at mamula-mulang labi, nakaayos ang buhok nito sa tamang gupit na panglalaki.
Kakaiba rin ang suot nito na para bang isang lalaking sa makalumang panahon ng Europa.
Tuluyan itong nakalapit sa kanya na bigla siyang hilahin nito sa braso ng sobrang higpit na siyang kinagulat niya.
“Sinasabi ko na nga ba at makikita kita rito, hindi ka nagbago Beatrice, niloko mo.” Wika nito.
Gulat na gulat siya at hindi maintindihan ang binata.
“Halika na’t uuwi na tayo.”
Do’n siya na alarma dahil hindi niya kilala ang binata, “teka lang saan mo ko dadalhin, hindi nga kita kilala! Anong Beatrice? Hindi ako si Beatrice, ako si Suyen at saka sino ka ba!?” Pilit niyang binabawi ang braso sa binata ngunit hindi siya binibitawan nito.
“Ano na naman ba ‘to, bago mong pakulo? Hindi mo na ako maloloko, uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo? Magtino ka naman, susunod na buwan magiging mag-asawa na tayo, hindi ka na dalaga.” Dagdag ng binata.
“Ano?!!!” Nag-echo ang boses ni Suyen sa buong mansyon.
Ang daming tanong na umikot sa isip niya sa mga oras na ‘yon. Paano siya napunta sa lugar na ‘yon? At sino ang lalaking kaharap niya ngayon? Hindi niya maintindihan kong anong nangyayari sa kanya ngayon.