bc

Avery in Avalon

book_age18+
670
FOLLOW
2.1K
READ
dark
possessive
dare to love and hate
weredragon
drama
bxg
goblin
moon goddness
magical world
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Avery Lestrange sa mundo ng sindikato, wala siyang kinatatakutan, naging bahay ang kalsada, naging laruan ang kutsilyo at nakipagpantintero sa mga pulis para makatakas. Nagpalipat-lipat ng lugar para lang matakasan ang batas at nagpalit-palit ng anyo sa mga nakakasalamuha niya kong paano siya makikibagay sa mga ito. Namatay siya nong gabing iligtas niya ang kanyang boss ngunit nagising siya isang umaga sa kakahuyan na may bagong buhay at nalaman niyang hindi pala siya normal na dalaga lang.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 NAPAKALAMIG nang simoy nang hangin ngayon sa loob ng kakahuyan, nagtataasang puno, bahagyang madilim kung na saan kami nakapuwesto ngayon ngunit sino nga bang makakapagsabi na delikado ang lugar na ito sa amin lalo na’t ito ang madalas na tagpuan ng mga nagtatago sa batas, tanging paghampas ng dahon sa kanilang sanga ang maririnig dahil sa malakas na hangin at mga ilang kuliglig dahil sa nakakabinging katahimikan. “Kompleto na ba ‘yan?” Tanong ng boss namin na si Mr. Lestrange, ang ama at founder ng grupo ng sindikatong kinabibilangan ko. “Oo,” sagot nito saka inilahad nong lalaking kaharap niya ang mga kahon na puno ng mga smuggle na baril galing pang ibang bansa. Kung sa isang normal na dalagang katulad ko o kahit sino pa man ang makakakita ng ganu’n kadaming mga baril, sa malamang baka natakot na sila pero kami hindi. Nasanay na kami, sinanay kami ni Mr. Lestrange na umampon at nagpalaki sa amin sa mga ganitong bagay. Simula ng kunin niya kami sa bahay ampunan para isali sa sindikato ito na ang naging mundo namin, nagpalipat-lipat ng mga lugar, nagtatago sa batas lalo na’t sikat na sindikato ang kinabibilangan ko. Tinatawag kaming blackjack. Siya mismo ang nagbigay ng pangalan ko, Avery Lestrange. Hindi ako lumaki sa tahimik na mundo, naging tahanan ko ang kalsada, nakikipagpatintero kami sa mga kalaban at pulis, naging laruan ko ang bigay niyang patalim at kumakain kami ng alikabok sa kalsada. Lahat ata ng pamamaraan ng pagnanakaw nagawa ko na sa turo nila. Ngayon kaharap namin ang isa pang sindikato para bumili ng mga smuggled na baril. Milyon-milyon sa iba pang sindikato sa oras na ibenta namin ito ng doble sa kanila dahil mura lang namin itong nabibili sa iba ring grupo. Pinapanood ko lang sila sa kanilang ginagawa at nagpapakiramdaman dahil kailangan pa rin naming mag-ingat. Isa-isa kong tinitignan ang mga mukha ng miyembro ng kabilang grupo at wala kang makikitang ano mang emosyon sa mga mukha nila. Tuso ang mundo ng sindikato. Tuluyan kinuha nong kabilang grupo ang dalawang brief case na naglalaman ng perang pambayad namin sa kanila. Sumenyas si Mr. Lestrange sa mga kasamahan kong malapit sa likod niya, “kunin na ninyo ang mga kahon,” utos nito. Para bang bumagal nong mga oras na ‘yon nang biglang maglabas ng baril ‘yong nasa likuran nong boss sa kabilang grupo. Napakunot-noo ako sa pagtataka at nabigla na lang kaming lahat nong paputukan niya ng baril ang isa naming kasamahan. Nanlalaki ang mga mata ko lalo na’t makitang duguan at nakadapa ang katawan nito sa mga tuyong dahon sa lupa. Sa isang iglap nagkagulo kami sa kakahuyan. Agad na namaril ang mga kasama namin sa mga kalaban. Hinila ng mga kalaban ang mga kahon na dapat ay sa amin at pati ang perang binayad namin. “Kunin ninyo ang pera!” Sigaw ni Mr. Lestrange ngunit hindi na siya halos napapansin. Kinuha siya nong mga kasama ko at tumakbo palayo para mailigtas siya. Parang sa chess piece kailangan mong iligtas ang hari ano man ang mangyari. Yumuko ako, kinuha ang baril na nakasuksok sa tagiliran ng pantalon ko at agad din silang pinaputukan. May natamaan ako sa kalaban sa binti o di kaya’y mga braso nila. Maririnig ang putukan ng mga baril na nag-echo sa buong kakahuyan at balahaw ng ilan ‘pag natatamaan sila ng bala. Puntirya nilang ubusin kami at ang ilang kalaban ay humahabol na ngayon sa grupo nila Mr. Lestrange na papatakas. Agad akong humabol at mailigtas ang amain namin. Hindi pa ako nakakaabot sa mga kakampi ko nong may humila sa paa ko, nadulas at tumama ang braso ko sa malaking ugat ng puno kaya napasinghal ako sa sakit. Nabitawan ko ang baril na hawak ko. Sinipa ko agad sa ulo at kamay ‘yong lalaking kapit na kapit sa mga paa ko. Gumapang ako para maabot ang baril na hindi naman gaanong malayo sa ‘kin at nong maabot ko ito agad kong binaril ang lalaki sa balikat para bitawan niya ako. “Huwag ninyong patatakasin ang grupo nila!” “Dali! Bilisan ninyo malapit na silang makatakas!” Mga palitang sigaw na naririnig ko habang humahabol ako sa mga kakampi ko, nakita ko na lang na pati ang boss ng kabilang grupo’y nakikihabol na rin at inihanda niya ang kanyang baril habang humahabol. Hingal na hingal akong huminto sa katabing puno at pinikit ang isa kong mata. Nag-focus ako, tinutok ko sa direksyon ng tumatakbong boss ng kalaban at agad ko siyang binaril sa likod. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Napaluhod siya dahil sa ginawa ko at napahinto ang mga kasamahan niya dahil sa nangyari. Hindi na ako nagdalawang isip na barilin siya sa ulo na tuluyang tumapos sa buhay niya. Hindi sila makapaniwala at do’n lang ako natauhan nong marinig ko ang mga boses nilang tinatawag ang pangalan ko. “Avery! Halika na!” Napasulyap ako sa direksyon ng mga kakampi kong papalabas na ng kakahuyan at kung saan mismo nakaparada ang kotse namin. Tumakbo ako ng sobrang bilis para makahabol ako ngunit hindi pa ro’n natatapos nong sunod-sunod na putok ng baril papunta sa direksyon ko. Nagtago ako sa pinakamalapit na puno para hindi matamaan ng bala. Hindi pa rin sila tumitigil, bahagya akong lumabas ng pinagtataguan ko at pinagbabaril sila. Wala na akong pakialam kung may matamaan man ako o wala. Isang bala ang dumaplis sa kamay ko kaya nabitawan ko ang baril ko. Muli akong nagtago at napakagat-labi dahil sa tama ko sa kamay. Hindi ko maabot ang baril na aking nabitawan at patuloy pa rin sila sa pagpapaulan ng bala sa direksyon ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at inilagtas ko ang sarili ko mula sa mga kalaban dahil wala na rin ang mga kakampi ko para tumulong sa ‘kin. Malapit na ako sa bukana ng kakahuyan, malapit na akong makalabas at natatanaw ko na ang kotse namin. Kaunti na lang ngunit napamura ako ng makaramdam ako ng masakit sa kanang binti ko nong matamaan ako ng bala galing sa kalaban at napadapa ako sa lupa. Pinilit kong gumapang kahit na mas nangingibabaw ang sakit ng binti at mas lalo pa itong sumasakit ‘pag sumasayad sa lupa. Hindi ako makapaniwala na tuluyan ng umalis ang grupo na nakasakay kotse papalayo sa kakahuyan. Ang daming tanong na pumasok sa isip ko, bakit nila ako iniwan at pinabayaan? Sa loob ng sampung taon na paninilbihan ko sa kanya, hahayaan lang niya akong mamamatay pagkatapos ko siyang iligtas? Halos ituring na niya akong anak, baka mas importante pa ang buhay nila kesa sa ‘kin? Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos ng pangyayaring ito. Naramdaman ko na lang na may humila sa ‘kin at pinatihaya ako. Napasinghal ako sa sobrang sakit nong marahas na tapakan ng lalaki ang sugat ko sa binti. Tatlong lalaki ang nakadungaw sa ‘kin at nakangisi. Naalala kong tuso nga pala ang mundo ng sindikato at sa tingin ko hanggang dito na lang ang buhay ko. Hindi na sila nagsalita at itinutok nong lalaki ang baril sa ‘kin. Tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang nangibabaw na ingay sa buong kakahuyan bago muling natahimik ang lugar. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko, nakatulala ako sa mga bituin sa kalangitan at hinayaang tumulo ang luha at ipinikit ang aking mga mata. Sa unang pagkakataon natakot akong mag-isa sa kadiliman, malamig at tahimik na lugar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.1K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

NINONG III

read
362.3K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
284.8K
bc

His Property

read
945.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook