Chapter 2

1250 Words
Chapter 2 Nakita ko na lang ang sariling nakatayo sa tabi ng bangkay kong katawan. Nakatitig ako sa sarili kong bangkay at hindi pa rin makapaniwala nangyari sa ‘kin. Maputla ang mukha, nakapikit ang mga mata at naliligo sa sariling dugo ang aking katawan. May butas sa mismong dibdib ko at kaya napahawak ako sa dibdib ko ngunit wala akong nararamdaman na kahit na ano. Napasulyap ako sa kanan nong may mapansin akong kakaiba ro’n at naningkit ang mga mata ko, lalo na nong makita ko ang isang binatang papalapit sa direksyon nang katawan kong nakahiga sa putikang lupa. May kakaiba siyang kasuotan at para bang makaluma. Itim na coat na may pahaba sa likod nito na kulay itim pati ang suot nitong trouser. Tuluyan kong nakita ang buo niyang mukha ng halos magkaharap na kami ngunit hindi niya ako napapansin at para bang hindi niya ako nakikita. Maputla ang kanyang balat lalo na sa mukha, bilugan at malalim na pares ng mga mata, makapal na itim na kilay, may matangos na ilong at kulay kayumangging buhok. Yumuko siya sa at dimungaw sa mukha ko bago siya tumayong muli. Mas lalo akong nabigla nong makita kong may hinugot siya sa kanang mangas niya. Hanggang sa tuluyan niyang nailabas ang mahabang baston, na mas mahaba sa braso niya at nanlaki ang mga mata ko sa pagtataka kung paano niya naitago. “Ito na ang oras mo, amo,” bulong nito sa hangin. Hindi ko siya kilala at ngayon lang siya nakita. Kaya takang-taka akong bakit siya narito, kalaban ba siya? Isa pa siya sa mga kakampi sa pumatay sa ‘king sindikato? Mas lalo akong nabigla nong tatlong beses niyang hinampas ang dulo ng baston niyang hawak sa lupa malapit sa bangkay ko, sa bawat paghampas nito nakakagawa ng kakaibang ingay hanggang sa magkaroon ng bilog na ilaw sa lupa at naroon sa gitna ang katawan ko. May mga kakaibang simbolo at mga lengguwahe na kakaiba ngunit nagtataka ako, kung bakit ko ito naiintindihan? Yumanig ang lupa at dahan-dahan bumukas ito hanggang sa matira ang lupang kinahihigaan ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa isa pang lupang lumulutang sa eri papaaangat galing sa tabi ng katawan ko. Katulad ng dumating na binata, may kakaiba itong kasuotan ngunit balot na balot ito nong natuyong lupa mula sa ilalim at napapalibutan ng mga ugat ang braso nito papunta sa kamay. Bumubulong sa hangin ang binatang may hawak ng baston hanggang para bang may sumabog mula sa katawan nong binatang nakalutang sa eri, napapikit at tinakip ko ang isa kong braso dahil sa nakakasilaw nitong liwanag. Dahan-dahan nawala ang liwanag at nang alisin ko ang braso ko. Tinitigan ko ang binata sa eri hanggang sa dahan-dahan itong kosang bumaba sa lupa at takang-taka ako nong makitang muling bumalik sa dati ang lupa. “Paano nangyari ‘yon?” Hindi ko maiwasang matanong ang aking sarili. Mas lalo akong nagulat sa mga sumunod na nangyari, gumalaw ang mga kamay nito at dahan-dahan na tumayo. Yumuko naman ang binatang may hawak na baston at para bang nagbibigay galang sa binatang kakagising. “Maligayang pagbati, mahal na amo,” wika nito habang inalalahad ang baston nitong hawak. Dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa puwesto nila dahil nakatalikod ang binata sa ‘kin. Una kong nakita ay ang kulot nitong itim na itim na buhok, hanggang sa masilayan ko ang nakakamangha nitong kagwapuhan, napakatangos ng ilong nito, walang emosyon ang asul niyang pares ng mga mata, mapupulang labi, kasing putla niya ang binata at may matipuno itong pangangatawan. May kakaiba rin itong kasuotan, ngunit nakakamangha nong makita kong malinis na ang damit niya. Inabot niya ang baston mula sa nakayukong binata. Dahan-dahan naman tumayo ang binatang kaharap niya. “Anong nangyari?” Kasing lamig ng mga mata nito ang boses. “Siya po ang naging susi,” sagot at sabay turo sa nakahigang bangkay ko sa lupa. Napasulyap siya sa nahihimlay kong katawan, lumapit siya ro’n ng walang pag-aalinlangan, titig na titig ako sa kanya at kung ano man ang gagawin niya. Parang mahika na bigla siyang nagkaroon ng punyal sa kanan niyang kamay at kinuha ito. Walang ano’y sinugatan niya ang sariling palad. Nilapit niya ang kamay niya sa labing nakaawang at pinatak do’n ang dugo galing sa kanyang sugat. Yumuko ito at hindi makapaniwala nong halikan niya ang labi ko. Dahil do’n sa ginawa niya naramdaman kong bumilis ang tibok nang puso ko. Nakatitig lang ako sa kanya, hanggang sa may makita akong liwanag sa harapan ko. NAPASINGHAP ako at parang isda na inalis sa kanyang tubig. Napabangon ako at hingal na hingal na akala mo katatapos ko lang sa pagtakbo kahit hindi naman. Tinignan ko ang aking paligid at naroon pa rin ako sa gitna ng kakahuyan. May tumatamang sinag na araw na tumatagos sa mga sangga ng puno. “Anong nangyari sa ‘kin?” Tanong ko sa ‘king sarili. Ang tangi ko lang naalala ang nangyari sa gulo sa sindikatong nakalaban namin, “teka, ano bang nangyari?” May iniisip ako ngunit hindi ko maalala at para bang may nawala sa parte nang aking alaala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kinapa ko ang dibdib ko at tanging butas lamang ang naramdaman ko sa damit ko ngunit wala naman sugat o butas na naroon, kahit na puno ng natuyong dugo ang damit ko. Dahan-dahan akong tumayo, ramdam ko ang dumi at alikabok sa ‘king katawan. Hindi ako sanay sa naglalagkit kong katawan. Swiss…swiss…swiss… Natigilan ako ng makarinig ako ng kakaibang tunog sa ‘king paligid at agad ‘yon na hinanap. Lalong lumalakas at papalapit sa ‘king direksyon ang tunog na ‘yon hanggang sa mapatitig ako sa paanan ko ng may mapansin akong gumagalaw do’n. Nong makita ko ng malapitan at malaman kong ano ‘yon. Kinilabutan ako ng makakita ‘ko ng mga maliliit na tao, na animoy mga duwende. “Ahhh!” Napasigaw ako sa gulat lalo na nong ngumisi sila sa ‘kin. Parami sila ng parami kaya napaatras dahil lumalapit din sila sa ‘kin. Bago pa man sila makalapit sa ‘kin agad akong tumakbo palayo. Diretso palabas ng kakahuyan at mas lalo akong nasilaw nong saktong tumama sa mukha ko ang mainit na sinag ng araw. Dahil sa ilag ko sa sinag ng araw, ilang beses din akong nakabungo ng mga naglalakad do’n at ilang beses din nila akong sinagawan sa inis. Ang lakas nang kalabog ng dibdib ko sa kaba dahil sa mga nangyayari. Nong maidilat ko ang mga mata ko, sumalubong ang napakaingay at busy na kalsada. Ang daming tao at napansin kong pinagtitinginan din nila ako dahil sa itsura ng ayos ko. Dahil sa hiya ako sa kanila ako na mismo ang umiwas paalis sa gitna ng maraming tao. Habang naglalakad ako unang pumasok sa isip ko’y bumalik sa mansyon at sabihin kila ama na nasa mabuti akong kalagayan. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-aalala sa bagay na hindi ko alam ang dahilan. Pinipilit kong alalahanin ang lahat ngunit lalong sumasakit ang ulo ko. Sa sobrang sakit ng ulo ko, kailangan ko munang huminto sa sidewalk. “Ayos ka lang ba, binibini?” Napatingala ako sa direksyon ng boses at nakita ko ang matandang babaeng nakahinto sa harapan ko. Napaatras ako sa itsura niya, nanlaki ang mga mata ko at nagtaasan ang balahibo sa batok ko lalo na nong makita ko ang mahahaba at marurumi niyang ngipin habang nakangisi siya sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD