bc

Beauty in Tragedy

book_age16+
3.8K
FOLLOW
13.6K
READ
body exchange
bxg
kicking
mystery
scary
another world
enimies to lovers
spiritual
novice
shy
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang masasabi pagnarinig mo ang pangalan na Jessa, TROUBLE TEENAGER. Masyado siyang depress lalo na ng maghiwalay ang magulang niya, dahil pinagtatalunan ng magulang niya kong saan siya mapupunta, kong sa ama ba niyang mangloloko o sa ina niyang isang abogada. Dahil nanalo ang ina niya, kailangan niyang sumama dito, pero hindi niya inaasahan natitira siya sa lumang Manor House ng lolo niya na ama ng ina niya. Doon niya nalaman na ginawa palang apartment ‘yon para pagkakitaan, marami nang nakatira, ang iba’y relatives niya at ang iba naman ay sadyang kaibigan lang ng pamilya.

Pero lalo pang lumala ang pagiging depress niya na masyadong busy ang ina niya, madalas siyang mabully sa bagong paaralan niya, dahil doon madalas siyang maglaslas para lang mawala ang inis niya, doon na tuklasan ni Jhade ang ginagawa niya, isang binatang anak ng nakatira sa manor na ‘yon at isang kamag-aral niya. Umpisa nang matuklasan ng binata ang ginagawa niya, madalas na siya nitong kausapin o kaya’y samahan. Hindi pa doon nagtatapos ang lahat sa paglipat, dahil maraming malalaman si Jessa sa bawat nakatira sa Manor, akala niya panaginip lang na nakakakita siya ng multo doon, pero higit pa doon ang inaakala niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
1 Nagising si Jessa sa yugyug ng kanyang ina sa kanya, agad siyang umupo kong saan nakapuwesto siya sa backseat ng kotse ng mama niya, “sumunod ka na lang sa akin sa loob,” pagpapaalala sa kanya ng ina niya sa kanya bago siya iwan, yamot niyang tinanggal ang headseat sa tenga niya, pagbaba niya ng kotse, agad na bumungad sa kanya ang isang malaking bahay, pero ang pagkakaalala ni Jessa isang Manor ang nasa harapan niya, bahay pa ng lolo niya na ama ng ina niya. Sa paligid ng buong Manor meron pang ibang katabing bahay, animoy isang village ang lugar, natanaw niya sa di kalayuan ang mga batang naglalaro sa paligid ng kanilang kanya-kanyang bahay, merong mga taga-doon na napapatingin sa kanya dahil siya ay bagong dating sa lugar na ‘yon, pero hindi na lang niya pinansin. Muli siyang napasulyap sa lumang Manor, masyadong malaki para sa kanila ng ina niya, pero ayon na rin sa kwento sa kanya ng ina niya, maraming nakatira doon na animoy isang apartment. Luma man ang itsura, napakatibay naman ng pagkakagawa nito na buong bato ang ginamit na materyalis para lang mapatagal ng ga’nun ang Manor. Kinuha niya ang bag niya sa loob at sinara ang pinto ng kotse bago siya tuluyang pumasok sa loob, nakita niyang nakikipag-usap ang ina niya sa tiyahin niya habang siya naman ay nililibot ang paningin sa loob ng Manor, may mga makalumang gamit doon, pero napakalinis at napakaluwag, may iilang na andoon na hindi naman niya ka kilala, siguro isa sa mga umuupa, sa isip-isip ni Jessa. Binitawan niya ang bag sa sahig saka nilagay ang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang jacket, bakit ka nga pala siya na doon? Biglang naalala ni Jessa na madalas mag-away ang magulang niya dahil kinakaliwa ng ama niya ang kanyang ina, simula nang malaman niyang maghihiwalay ang magulang niya, madalas na siyang umiyak sa gabi, hindi makatulog dahil sa sigawan sa dati nilang bahay, para maibsan ang galit at lungkot niya, madalas niyang hiwain ang pulso niya, sinasaktan niya ang kanyang sarili, para hindi ‘yon makita ng ina niya, madalas na din siyang magsuot ng longsleeve na damit. Pati ang pag-aaway ng magulang niya ay napunta sa korti, lalo na sa kosdudiya niya, kong sino ba talaga sa kanya ang magpapaaral, dahil mas gusto ng ina niya na lumaki siya dito, mas nanalo ito lalo na’t isa itong abogada, wala na rin siyang pake alam sa ama niya. Para sa pagsisimula ng bagong buhay kailangan niyang sumama sa ina sa Manor na kinatatayuan niya ngayon, para sa bagong buhay, natatawa na lang siya sa tuwing naalala niya ang bagong buhay. Si Jessa ay may maputlang kulay, katamtaman na tangkad at pangangatawan, may mahabang buhok na lagpas hanggang balikat niya, madalas siyang magsuot ng sombrero. Para sa kanya wala naman kailangang baguhin, pakiramdam niya mag-isa lang siya sa mundo, kailangan niyang lumayo sa mga kaibigan niya, kailangan niyang lumipat ng bagong paaralan para sa grade 12, kailangan na naman niyang makibagay, pero hindi na sa ngayon, marami nang nagbago sa kanya simula ng malaman niyang maghihiwalay ang magulang niya, lahat ng pananaw niya sa buhay nagbago, pati ang pagiging masayahin niya ay nagbago. Napasulyap siya sa kanan na hagdan nasa harapan niya kong saan may binatang pababa doon, may binabasa ito sa cellphone kaya hindi siya napapansin, pero nang itago ng binata ang cellphone sa bulsa, napasulyap din ito sa kanya. Ngumiti ang binata nang mapasulyap ito sa kanya, pero hindi niya ito binigyan pansin. Merong kulot at bagsak na buhok ang binata, maputi, bahagyang malaki ang pangangatawan ng binata at sa tingin ng dalaga na mas matangkad ito sa kanya, may malalim itong mata at joker smile dahil sa mahabang hiwa nito sa magkabilaang dulo ng labi na siyang nagpapadagdag ng sex appeal ng binata. Kumaway ito sa kanya, ‘kaibigan?’ tanong ni Jessa sa kanyang isipan, ‘hindi ko gustong makipagkaibigan sa kahit kanino,’ sabi niya uli. Saka siya tumalikod at lumapit sa ina niya, hindi niya pinansin ang tiyahin, isa sa pagbabago niya ang kanyang ugali at pakikitungo sa mga malapit sa kanya o makilala pa lang. “Mama na saan na yong magiging kwarto ko?” “Halika na, para makasabay tayo sa hapunan kila tita Tessie mo.” Aniya ng ina niya sa kanya, hindi na siya sumagot at kinuha na lang ang gamit, pagkatapos n’un ay sumunod sa kanyang ina. Nang maihatid naman siya ng ina niya sa kanyang silid sa pangalawang palapag sa pinakadulo ng kaliwang pasilyo ng bahay, agad siyang pumasok sa silid, kong saan lang niya pinatong ang bagahe niya at nahiga sa kama. “Tawagin ninyo na lang ako kong kakain na tayo, gusto ko lang magpahinga, gusto kong matulog.” Sabi ni Jessa habang inaayos ang headset para ikabit muli sa tenga. “Tulog kana buong biyahe, matutulog ka na naman,” nagkukunwaring hindi niya naririnig ang sinasabi ng ina niya sa kanya kahit hindi pa naman nag-play ang musika sa cellphone niya, huminga ng malalim ang ina niyang mukhang pagod din sa biyahe na walang balak makipagtalo sa kanya. “Sige gigisingin na lang kita, pero sa totoo lang hindi ko gusto yong pinakita mo kay tita Tessie mo, sana hindi ko yan makikita mamayang gabi habang na andoon tayong lahat sa dining table, sige na babalikan na lang kita.” Nakita na lamang ni Jessa ang pagsara ng pintuan at ang pag-alis ng ina niya sa silid, wala naman kaso sa kanya kong ang liit ng silid niya ngayon, hindi na lang niya pinansin ang lahat, pinindot niya ang ‘play’ sa cellphone niya at agad na nagpatulog sa kanya ang musikang naririnig niya ngayon habang nakahiga. NAKARAMDAM SI JESSA na animoy may nakamasid sa kanya habang natutulog siya, dinilat niya ang mga mata, may naaninag siyang nakatayo sa dulo ng kama niya, nakakatitig sa kanya, nang laki ang mata niya at agad na napabalikwas pero nang tuluyan niyang idilat ang mga mata wala namang tao kong di siya lang, hingal na hingal siya, ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba, ‘guni-guni ko lang ‘yon,’ sabi niya sa kanyang isipan at kinukumbinsi na alimpungatan lang siya. Hinilamos na lamang niya ang mga palad sa mukha, bago siya tuluyang tumayo na sakto naman na may kumatok sa kanyang silid, “Jess baba na dyan, maghahapunan na tayo.” Boses ng ina niya sa labas ng silid niya hanggang sa tumahimik na naman ang buong silid. Naisipan niyang lumabas na, una niyang nakita ang binatang nakita niya rin kaninang hapon na pagdating nila sa Manor, kumaway ito sa kanya at ngumiti, hindi niya na lang pinansin, dahil para kay Jessa wala siyang oras sa mga ga’nung bagay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
504.9K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.2K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.8K
bc

YOU'RE MINE

read
894.5K
bc

His Cheating Heart

read
41.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook