Chapter 2

1140 Words
2 Nilagpasan na lang ni Jessa ang binata na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kanya, hindi pa siya nakakalayo at pahakbang na siya sa hagdan pababa ng magsalita ito. “Anong pangalan mo?” ilang segundo siyang nakatayo doon hanggang sa magpatuloy siyang maglakad, nagulat na lang siya at hindi maitago ang inis sa binata nang harangan siya nito sa daraanan. Ngumiti ito sa kanya uli, kakaiba ang ngiti ng binata sa kanya, hindi niya alam kong bakit pero parang kakaiba ang ngiti ng binata, iniisip niya dahil sa kakaibang kurti ng labi nito, animoy joker smile o madalas sabihin ng lahat na killer smile. “Ang suplada muna man, gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo, ako pala si Jhade.” Ito na nga ang sinasabi ni Jessa, binigyan niya ito ng masamang tingin katulad ng ginagawa niya sa mga hindi niya gustong tao, pero halos lahat ng gustong lumapit o kumausap sa kanya hindi niya gusto. “Ayokong makipagkaibigan,” parang bulong lang ang boses ni Jessa sa hina nito, animoy robot kong magsalita wala sa tono. Napataas ang kilay ang binata, “grabe ka naman, wala namang taong hindi gustong makipagkaibigan sa kahit kanino, magiging tao kana rin ba sa bahay na ‘to? Kong ga’nun ba madalas na tayong magkikita, sa attic ang silid ko, sana maging masaya ang pagtuloy mo dito, alam mo bang ako tuwang-tuwa dahil may kaseng edad akong makilala dito, malamang magkaseng edad tayo halata naman sa itsura mo, puros kasi bata nakatira dito---.” Hinarap ni Jessa ang kanan niyang palad para huminto ang binata sa pagsasalita, “wag mo akong kausapin, kahit na kailan hindi tayo magiging magkaibigan, kaya pwede ba lumayo layo ka sa akin, kanina pa ako hinihintay ng mama ko.” Nagpatuloy na lang sa paglalakad ang dalaga at nilagpasan ang binata, pero may sinabi pa ito bago siya tuluyang nakalayo. “Ayaw mo man o sa gusto, magkikita at magkikita tayo,” saad ng binata sa pagitan ng mahina nitong tawa. Hindi na lang ‘to pinansin ni Jessa at dumiretso sa dining area ng manor, nagkakasiyahan na ang mga tiyahin at ina sa harap ng mahabang lamesa, nahinto ang lahat at napasulyap sa kanya. “Magandang gabi po sa inyong lahat,” bati niya sa lahat at saka siya umupo sa tabi ng ina niya. Bahagyang lumapit ang ina niya sa kanya para bumulong, “bakit ngayon ka lang, kanina pa kita hinihintay ah.” “Sorry,” ‘yon na lang ang sinabi ni Jessa at nagpatuloy na lang ito sa pagkain, pinapakinggan lang niya ang ingay sa paligid niya, wala siyang balak sumali, pagmay magtatanong naman sa kanya, sasagot lang siya, pero kong hindi siya kausap hindi na siya nagsasalita, katulad ng sabi ng ina niya kanina sa kanya, kailangan niyang magpakita ng magandang asal kahit na parang ang lamig parin ang pakikitungo niya sa lahat. Natapos ang hapunan na nagtipon-tipon ang lahat sa sala, animoy may isang malaking reunion para sa kanila at sa mga kapatid ng ina niya, pinakilala sila sa mga nakatira doon na pawang kaibigan din pala ng pamilya nila dahil nga isa nang apartment ang manor, hinihintay niyang lumabas ang binatang nakilala niya kanina lang, si Jhade, pero hindi niya ito nakita kahit saglit, iniisip niyang tulog na ‘to o hindi rin mahilig makipag-usap sa maraming tao lalo na puro matatanda at masyadong bata ang doon, tama ang sinabi sa kanya ng binata, wala siyang makakasundo doon na kaseng edad niya. Nagpaalam agad siya sa kanyang ina na matutulog na siya kahit na hindi pa siya inaantok, nang payagan naman siya ay agad siyang umakyat sa itaas ng manor, agad niyang kinapa ang magkabilang bulsa ng jacket niyang suot, hindi niya mahagilap ang hinahanap niya ang headset niya, na hinto siya sa kalagitnaan ng hallway at kinapkap lahat ng bulsa niya pero hindi niya talaga ito makita, naalala pa niya na dala niya ‘yon bago siya lumabas ng silid. “Ito ba hinahanap mo?” nagtaasan ang lahat ng balahibo ni Jessa sa batok at nang lalaki ang mga mata nang may magsalita sa kanyang likuran, ngayon lang din niya naramdaman ang presensya na may tao pala sa likuran niya. Agad siyang humarap, si Jhade ang nakita niya habang winawagayway ang headset sa harapan niya. Kukunin na sana niya ito nang itaas ng binata ang headset niya, dahil matangkad ang binata at mahaba ang braso nito, alam ni Jessa na hindi niya ito maabot. “Akin na nga yan, saan mo ba yan nakita?” Hindi niya maiwasang mainis sa binata habang nakangiti pa ito sa kanya. “Makipagkaibigan kana muna sa akin, ibabalik ko sayo ‘to?” hamon ng binata kay Jessa. Siningkitan ni Jessa ang binata, “baliw ka? Mamamatay ka ba kong hindi ako makikipagkaibigan sayo?” Tumango-tango si Jhade habang nakangiti, napasinghal ang binata sa inis, “baliw ka na nga ata.” “Pumayag kana muna sa akin at ibabalik ko sayo ‘to,” sabi uli ni Jhade. “Kong ‘yon ang gusto mo, sige magkaibigan na tayo.” Sabi ng dalaga para maibalik ang headset niya pero labag sa loob niya nang sabihin niya ‘yon.” “Ok,” inabot naman ni Jhade ang headset ng dalaga na agad na kinuha ni Jessa. Walang sinabi ang dalaga at agad itong tumalikod, sumunod naman si Jhade. “Pwede ba akong pumasok sa silid mo?” Nahinto si Jessa at humarap sa binata, “baliw ka ba talaga? O baka nga baliw ka, hindi ka pwedeng pumasok sa silid ko, hindi ka ba nag-iisip?” Tumawa ang binata, “bakit porket ba babae ka at lalaki ako, may gagawin na akong masama sayo? Wala akong gagawin sayo kong ‘yon ang iniisip mo,” ngising saad ng binata. Namula naman ang pisngi ni Jessa, “ipapaintindi ko lang sayo, hindi ka pwedeng sumama sa akin sa loob, matutulog na rin ako, kong gusto mong makipag-usap bukas na lang o kaya sa ibang araw, basta gusto ko nang magpahinga.” Nagsinungaling na naman siya para makaiwas sa kakulitan ng binata. “Oo nga pala ‘no bagong dating ka pala dito, sige bukas na lang tayo mag-uusap, goodnight Jessa.” Unang naglakad at lumayo ang binata sa dalaga, pumasok na rin si Jessa sa loob ng silid niya. Napailing na lang siya sa kakulitan ng binata, hinuhubad niya ang jacket niya nang mahinto siya, ngayon lang niya napagtantong tinawag siya ng binata sa una niyang pangalan kahit na hindi naman siya nagpapakilala, na weirduhan man siya pero isinantabi na lang niya ang bagay na ‘yon, inisip na baka narinig nang tawagin siya ng ina niya kanina. Nagtataka din siya kong paano napunta kay Jhade ang headset, nagtataka siya kong nalaglag ba niya ito sa kong saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD