Chapter 3

1275 Words
3 Napadilat agad si Jessa nang maramdaman niyang may humahawak sa pisngi niya, agad siyang napabalikwas at pinagmasdan ang buong paligid niya kong may tao doon kasama niya pero wala naman, sumulyap siya sa bintana, pumapasok na ang sinag ng araw sa loob ng silid niya mula sa bukas na kurtina. Napansin din niya ang iilang kahon na nakalapag sa tabi ng kama niya, napaisip siya kong ito na ba yong lahat ng gamit niya at inaakyat na ng mama niya habang tulog siya, kinumbunsi na lang niya ang sarili na baka ina din niya ang humawak sa pisngi niya, ramdam niya kanina ang lamig ng kamay na humawak sa kanya kaya siya nagising. Nag-unat-unat muna siya bago siya tuluyang umalis sa kama niya, niligpit na muna niya ito bago niya tinali ang buhok na bun style. Saka siya lumapit sa mga kahon para ilabas ang mga gamit niya, ang radio niya, mga dvd, laptop at kong ano-ano pang gamit. Nakalimutan na rin siyang mag-almusal, basta ang gusto niya maayos niya agad ang silid niya bago siya maligo, kalagitnaan siya ng pag-aayos ng kalat niya nang makarinig siya ng katok, hininto niya ang ginagawa at lumapit sa pintuan para buksan ito, pero wala siyang nakitang tao doon. Napabuntong hininga na lamang si Jessa at bumalik sa ginagawa niya, isa-isa niyang pinapatong ang dvd at cd niya sa isang stall ng kabinet nang may kumatok na naman kaya muli siyang bumalik sa pinto kong sino ‘yon, pero katulad ng na una wala siyang nakita, naningkit ang mata niya at sumilip sa hallway, sarado ang lahat ng pinto ng bawat silid, walang katao-tao sa hallway ng dalawang palapag, wala ring ingay na maririnig, pero nagsiguro parin siya. “Mama!” tawag niya sa pasilyo, lumabas siya ng silid at dumungaw sa railings, pero wala namang tao sa baba, muli siyang bumalik sa loob. Pagsara niya ng pinto nakarinig na naman siya ng katok, hindi niya binuksan at binaba niya ang mukha sa sahig, sinilip niya ang paa sa maliit na awang ng pinto kong sino ba ‘yon, pero isang pares ng maliit na sapatos ang nakita niya, rubber shoes na kulay pink, animoy sa bata. Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto, pero wala na naman siyang nakita, napalunok siya na animoy biglang kinabahan sa nangyayari. “Kong sino ka mang bata ka, wag mong bwisitin ang araw ko!” Sigaw niya sa pasilyo pero wala naman sumagot, bumalik siya sa loob pero sa pagkakataon na ito hindi niya sinara ang silid para mahuli niya kong sino ang nang trip sa kanya. Dahil sa ginawa niya wala ng nang istorbo sa kanyang ginagawa, halos matatapos na siya nang may humawak sa kanyang balikat, dahil sa pagkabigla nabitawan niya ang mga stuff toys na hawak niya at mabilis na humarap sa humawak sa kanya. Nang lalaki pa ang mata niya nang humarap kay Jhade, nang makabalik siya sa dati sinamaan niya ng tingin ang binata. “Ano bang ginagawa mo? Papatayan mo ako sa gulat, grabe ka!” Pero imbes na magsorry sa kanya ang binata, tinawanan lang siya nito kaya lalo siyang na inis. “Lumayas ka nga dito, istorbo ka alam mo ba ‘yon!” “Hindi ko naman na matatakutin ka pala, sorry Jess, ang ingay mo kasi eh, rinig hanggang attic yong boses mo kaya pinuntahan kita dito.” Aniya ng binata habang kinukuha ang mga stuff toys na nalaglag niya, pinag masdan na lang ni Jessa ang ginagawa ni Jhade at inabot naman sa kanya nang makuha ang lahat. “Salamat.” “Ano ba kasing iniingay mo kanina?” tanong ng binata. “May bata kasing nang ttrip sa akin, kakatukin ako tapos mamaya wala naman pala, nakakainis kasi dapat kanina pa ako tapos pero istorbo yong bata kaya ngayon pa lang ako matatapos.” Kwento ni Jessa. Tumango tango naman si Jhade, “tutulungan sana kita kaso mukhang tapos kana ata.” “Tapos na talaga kaya salamat na lang, bakit ka pala na andito?” pagtataka ni Jessa habang nilalapag sa ibabaw ng kabinet yong mga stuff toys. “Tulungan na lang kitang linisin yong kalat mo,” suwestyun ni Jhade. “Ikaw bahala.” Sabi ni Jessa habang kinukuha isa-isa ang mga kalat na papel sa sahig. Habang naglilinis sila ng mga plastic at karton sa silid ni Jessa, hindi naman maiwasan ni Jhade na magtanong sa dalaga. “Dito na ba kayo titira o magbabakasyon lang kayo dito?” “Dito na kami titira ni mama, mahabang kwento wag muna itanong kong bakit ako na andito.” Sabi ni Jessa, ayaw niyang mabuksan uli yong issue tungkol sa pamilya niya, pakiramdam niya siya lang ang may pamilyang ga’nun, baka pagtawanan lang siya ng binata. “Ah ga’nun ba, kami last year lang kami dito lumipat ng parents ko, doon ako sa St. Luke Academy nag-aaral, grade 12 na ako, ikaw saan ka ba nag-aaral?” tanong ng binata habang pinapasok ang mga plastic sa karton na hawak at paminsan-minsan ay sumusulyap sa mukha ni Jessa. “Grade 12 na rin ako, baka itransfer lang ako sa malapit dito, tapos ang mama ko naman magttrabaho ata sa munisipyo.” “Pareho lang pala tayo na grade 12, St. Luke lang naman ang malapit dito kaya baka doon din ang punta mo, magiging magka-schoolmate tayo, masaya diba?” ngiting saad ng binata. “Ewan ko lang, sana nga.” “Oo masaya doon, marami kang makikilalang tao doon na pwede mong kaibinganin, parang dito lang, alam mo bang ito ang pinakatahimik na lugar sa mundo, kaya alam kong matutuwa ka dito.” Sabi ng binata, hindi maiwasan ni Jessa na hindi mapasulyap kay Jhade lalo na sa kakaiba nitong ngiti, ‘yon ang madalas niyang mapansin sa binata. “Hindi naman pare-pareho ang mga tao, pakiramdam ko nga ang boring dito.” “JESSAAAA!” Napasulyap ang dalawa sa pintuan at muling napasulyap sa isa’t isa. Ngumiti ang binata, “mukhang hinahanap ka na ng mama mo, sige mamaya na lang uli, may gagawin din kasi ako.” Tumayo na ang binata at hindi na lang nagsalita si Jessa, nang makalabas si Jhade saka din na isipan ni Jessa na lumabas at bumaba para kitaan ang ina niya. Nakita niyang nasa sala ang mama niya habang may hawak na papel, “ano po ‘yon?” Sumulyap naman sa kanya ang ina, “ito na pala yong document mo sa St. Luke, bukas na bukas ihahatid kita doon para pumasok na sa first day mo, isa pa hindi ka pa ba nag-aalmusal, tanghali na ah.” Pansin ng ina niya dahil sa kanyang damit na hindi pa napapalitan, “mukhang hindi ka pa nag-aalmusal.” “Inayos ko lang yong mga gamit ko sa taas kaya hindi pa ako nakapagpalit, tapos may batang makulit kaya hindi ko matapos yong ginagawa ko.” Aniya ni Jessa sa ina niya habang binabasa ang papel na binigay sa kanya ng ina kaya hindi niya makita ang pagkagulat sa mukha nito. Pero nang sumulyap siya sa mukha ng ina, nakatitig lang ito sa kanya habang gulat na gulat kaya nagtataka siya. “May problema ba mama?” “Anong sabi mong bata, anong ginawa niya?” Kiniwento naman ni Jessa ang paulit-ulit na pagkatok nito sa kanya. Pero mas kinagulat niya ang sinabi ng ina niya sa kanya nang matapos niyang magkwento, “Jess walang bata ngayon sa bahay na ito dahil lahat ng pamangkin mo nasa paaralan,” nahinto si Jessa sa narinig niya at nagtataka kong sino yong batang kumakatok sa silid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD