Chapter 4

1649 Words
4 Unang araw ni Jessa sa St. Luke pero parang ayaw niyang pumasok, nakahinto ang kotse ng ina niya sa tapat ng gate ng paaralan, nakikita niya mula sa bintana ang labas at pasok sa gate, nakauniform ito ng above the knee na skirt na kulay maroon para sa babae, slack naman na maroon para sa mga lalaki, pare-pareho naman ang lalaki at babae na naka-coat na maroon habang may neck tie na maroon din, paghinubad ang coat, makikita ang short sleeve na kulay puti na pang-ilalim ng mga mag-aaral, ganun din ang suot ni Jessa habang yakap ang bag niya at nakaupo parin sa passenger seat. “Wala ka bang balak na lumabas ng kotse at pumasok sa bago mong school, may pasok pa ako Jess.” Napasulyap si Jessa sa ina niya at bumuntong hininga. “Papasok na ako,” hindi na hinintay pa ang sasabihin ng ina at agad na lumabas ng kotse, sinara niya ang pinto at saka naglakad palayo, hindi na siya lumingon pa. Pakiramdam niya parang katulad parin ng dati niyang buhay ang buhay niya ngayon, mag-aaral, hatid sunod ng ina niya, tapos uuwi siya, gagawa ng assignment, wala nang bago, pakiramdam niya hindi na magbabago ang lahat, walang pagbabagong magaganap, minsan gusto din niyang magkaroon ng oras ang ina niya sa kanya pero mas busy ito sa kanyang trabaho, tapos sasabihin sa kanya na para din sa kanya ang ginagawa ng ina, pero minsan gusto din niyang humiling ng oras para sa kanya, pero hindi niya masabi, hindi rin niya makukuha ang gusto niya. Nakalimutan na rin niya ang sinabi sa kanya ng ina niya tungkol sa bata at pagkatok sa pinto ng silid niya. Simula kahapon hindi na niya uli pa nakita si Jhade. Naglalakad siya sa hallway nang may bumunggo sa kanyang balikat, kaya bahagya siyang natabig at naglaglag ang bag na bitibit ng babaeng nabunggo niya. Narinig niyang minura siya nito at agad siyang napasulyap sa babaeng mas matangkad pa sa kanya, “bulag ka ba? Hindi ka natingin sa dinadaanan mo!” sigaw ng babaeng puros pink ang gamit sa katawan maliban sa kulay maroon dahil sa uniporme nito, may mga lalaki at babae itong kasama, sa tingin ni Jessa magbabarkada ito, marami ding nakapaligid sa kanila at napapasulyap sa nangyari. Sigurado siyang umilag siya sa paparating na babae, sadyang binunggo siya nito. Hindi na lang siya nagsalita, tatalikod na sana siya nang hatakin ang bag niya para mabitawan niya at bumagsak din sa sahig. “Ano bang problema mo?” tanong ni Jessa sa babae. “Ano bang problema mo?” inulit lang ng babaeng kaharap niya ang tanong niya sa kanya, animoy inaasar siya. “Wala akong oras sa mga katulad ninyo,” sabi ni Jessa, alam na niya ang mga ga’nung uri ng tao sa paaralan, mga bully students. “Hindi mo ata alam kong anong patakaran ng mga baguhan na estudyante dito sa St. Luke, transfer. Wag kang magmagaling na para bang mas matapang ka kesa sa akin, pakipulot naman ng bag ko na hinulog mo.” Mataray na sambit ng babaeng kaharap niya habang naka-cross arm. “Wala akong kasalanan kong nalaglag yan sa balikat mo, binunggo mo ako, ikaw ang may kasalanan kaya ikaw ang pumulot.” Kukunin na sana ni Jessa ang bag niyang hinulog ng babae doon nag sipain ito ng isa pa para hindi niya maabot, gusto niyang magsisigaw sa inis, pero pagganitong galit o na iinis siya, mismong sarili niya ang sinasaktan kesa ang sarili niya. Para matapos na ‘tong problema niya, kinuha niya ang pink bag ng mataray na babae at inabot doon, saka naman niya kinuha ang kanya. “Wala ka rin palang masabi, Loser.” Sabay L sign ng babae sa kanyang kamay at tumawa, ga’nun din ang ginagawa ng mga kasamahan nito, pakiramdam ni Jessa wala siyang lugar sa mundong ‘to, sa mundong kinatatayuan niya. KATULAD NG GUSTONG mangyari ng ina niya, susunduin siya at sabay silang uuwi ng manor para makatipid ng pera. Habang nasa biyahe siya, gusto niyang i-open ang tungkol sa unang klase niya sa St. Luke. “Mama ayoko sa St. Luke,” sabi niya habang hindi nakatingin sa mukha ng ina. “Bakit naman, maganda naman doon ah?” “Hindi naman maganda doon eh, ayaw nila sa akin doon, halata sa mga mukha nila, sa iba muna lang ako ipasok kahit malayo basta hindi private.” Seryosong saad ng dalaga. “Ilang beses na natin ‘to pinag-usapan, Jess. Sabi ko paglumipat tayo dito, mag-aaral kana sa private mas makakabuti ‘to sayo.” Napasulyap si Jessa sa ina niya na busy parin sa pagdrive, “hindi ninyo naman ako naintindihan eh, na bully ako sa school, na bully ako sa school na ‘yon, wala akong kasalanan pero bakit ga’nun kailangan pa nila akong ipahiya sa maraming tao” Singhal niya. “Jess, maging positive ka kasi sa buhay mo, kaya ka nila ginaganyan kasi nakikita din sa mukha mo na ayaw mo sa mga taong nakapaligid sayo, subukan mong makipagkaibigan hindi yan mangyayare sayo.” Sabi ng ina niya sa kanya. Inis na inis si Jessa, dahil kahit na minsan hindi siya pinapakinggan ng ina niya, hindi din niya alam kong tama ba o mali ang sinasabi sa kanya ng ina dahil ni isa walang pumapasok sa kukuti niya. Nang makarating sila sa manor, agad siyang bumaba ng kotse, umakyat ng hagdan, hindi niya pinansin ang mga taong na andoon, may tumawag sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Dahil walang banyo sa bawat silid, at nakabukod ang mga banyo, pumasok siya sa isang banyo sa dalawang palapag sa kaliwang pasilyo. Pagkapasok niya doon agad siyang lumapit sa lababo, nilabas ang blade sa bag niya. Nilabas niya ang kanan niyang pulso mula sa long sleeve niya, ang dami nang balat ng braso niya dahil ilang beses na niyang ginagawa ‘yon, hindi na mabilang. Gusto niyang umiyak sa nararamdaman niya pero walang lumalabas sa mata niya, naramdaman na lang niya ang pamilyar na hapdi sa kanyang balat, isa-isa pumapatak ang dugo mula sa kanyang pulso, ilang beses na niya ‘tong ginagawa pero wala paring nangyayaring kakaiba. Ang dami nang tumutulong dugo, manhid na siya sa ginagawa niya, nakagawa siya ng tatlong guhit sa pulso niya, nabitawan niya ang hawak na blade nang biglang bumukas ang pinto, nakalimutan niya atang i-lock. Si Jhade, lumapit ito sa kanya bago isara ang pinto ng banyo, kinuha ang nagsusugat niyang pulso, kitang-kita niya ang pag-aalala sa kanya ng binata o guni-guni lang niya ito. Hinila pa ni Jhade ang isa niyang pulso at inalis ang nakatakip doon, may mga palad din, halos magkabilaang pulso ni Jessa ay may balat dahil sa sugat sa paghiwa niya sa sarili. “Bakit mo sinusugatan ang sarili mo? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo, akala ko mas baliw ako, may mas baliw pa pala sa akin, ikaw.” Hindi nagsalita si Jessa, sa pagkakataon na ‘yon unti-unting tumulo ang luha niya, ngayon lang siya nakaramdam ng may nag-aalala sa kanya dahil kay Jhade. Dinala siya ng binata sa toilet bowl para maupo siya doon, nakita na lang niyang may kinukuha ang binata sa isang maliit na kabinet, muli itong bumalik sa kanya at nilinis ang sugat niya. “Ano ba kasing nangyayari sayo, bakit mo ba ‘to ginagawa, alam mo bang maraming gustong mabuhay habang buhay tapos ikaw gusto mong patayin ang sarili mo.” Dumungaw sa kanya ang binata, “may problema ka ba?” Umiling si Jessa, hindi siya makapagsalita dahil sa kanyang paghikbi, ang bigat ng pakiramdam niya. “Magkwento ka, makikinig ako, sige na, kong sikreto yan, itatago natin yan,” binitawan ni Jhade ang hawak niya at pinunasan ang luha sa pisngi ng dalaga. Parang gumaan ang pakiramdam ni Jessa, dahan-dahan lumabas ang mga salita sa bibig ng dalaga para makabuo siya ng kwento sa binata, lahat ng problema niya kong bakit sila na andoon sa manor, ano bang meron siyang pamilya at ang hindi nila pagkakaintindihan nila ng ina. Tahimik lang si Jhade na nakikinig habang nililinis ang sugat, kasabay ng pagkatapos lagyan ng binata ng benda ang sugat ng dalaga ang pagtatapos ng kwento ni Jessa, gumaan lalo ang pakiramdam niya, para siyang nabunutan ng tinik. “Salamat,” sabi ni Jessa. Pinatong ni Jhade ang kamay niya sa ulo ng dalaga, “wag muna uli gagawin ‘yon.” “Ang alin?” “Yong sasaktan mo yong sarili mo, hindi naman pagkakamatay ang solusyun sa lahat ng problema natin, alam mo ba pagmay problema ka, idasal mo lang, ikwento mo sa kanya lahat ng sakit na nararamdaman mo, pangako gagaan yan na pakiramdam mo.” Paliwanag ni Jhade. “Basta i-promise mo na hindi muna uli sasaktan ang sarili mo, hindi maganda yan.” Ngayon lang nakita ni Jessa ang malungkot na mukha ni Jhade, kahit na makulit ang binata mas gusto niyang makita ang ngiti nito sa labi, kahit na din na hindi pa sila ga’anong ga’nun magkakilala. “Oo, hindi ko na ‘yon gagawin.” Sabi ni Jessa, dahil doon ngumiti na si Jhade. Lumayo si Jhade para iligpit ang kalat sa banyo, kinuha nito ang bag ng dalaga, at walang sabi na kinarga na animoy bagong kasal si Jessa, nagulat ang dalaga. “Te---teka ibaba mo nga ako, kaya kong maglakad, kamay ko lang ang may sugat hindi yong paa ko.” Nakangiti lang ang binata, “wag ka nang mangilam sa gusto ko, ako nang bahala sayo, magaan ka naman ah.” Naamoy ni Jessa ang pang lalaking amoy ni Jhade, “bakit ka ba ganito sa akin?” “Kase magkaibigan tayo, dahil magkaibigan tayo, kailangan kitang bantayan at alagaan.” Agad na bumilis ang t***k ng puso ni Jessa sa sinabi ni Jhade.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD