Chapter 1
Chapter 1
‘Hi everything! Gusto ko lang sabihin na---’
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang binubura ang nakasulat sa paperl gamit ang ball pen ko, pinunit ko ang pirasong papel na galing sa notebook ko at saka nilukot na parang bola. Napabuntong-hininga na lamang ako sa sarili ko at napatingala sa taas ng puno.
May ilang liwanag na pumapasok sa mga butas ng sanga at dahon na tumatama sa mata ko kaya pinangtakip ko ang kamay ko palayo para hindi matamaan ang mata ko. Nakaupo ako ngayon bench sa ilalim ng puno at may lamesa harapan. Muli akong binalik ang tingin sa bakanteng pahina na wala pang sulat.
Wala akong maisip na isusulat para sa eulogy ko. Pinaglaruan ko ang ball pen ko sa daliri, pinaikot-ikot habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad sa harapan at sa mga soccer player na naglalaro sa field.
Minsan napapasulyap sa mga magkakasamang barkada at ilang magkakaibigan. Wala kasi akong gano’n at hindi rin naman ako naiingit kaya nga gagawan ko na lang ang sarili ko ng isang perpektong eulogy. Positibo ako sa lahat ng bagay lalo na’t alam kong anumang oras pwede na akong mawala, tanggap ko naman dahil sa sakit kong Haemophilia, isang rare terminal illness tungkol sa dugo, bawal akong masugatan kasi baka lumala ang kondisyon ko at isa pa kailangan kong ingatan ang sarili ko.
‘Pag may terminal illness ka everyday end of the day kasi hindi mo alam kong hanggang kailangan ka mabubuhay, nabubuhay ka nga pero hindi mo naman alam kong kailan ka mamaalam kaya sinabi ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng mawala kong sakaling hindi ko nagagawan ng sarili ko ng isang perpektong eulogy.
Thankful sila mama nakaabot pa ako ng college, hindi ko nga alam kong ano ang kursong kukunin ko kaya pinili ko na lang ang education lalo na’t suggested ni tito Mark ang step-father slash teacher ko sa CCC noong fourth year high school. Nagkakilala sila dahil sa ‘kin, hiwalay na rin si mama kay papa at naghanap ng sariling pamilya dahil din sa ‘kin hindi raw niya matanggap na may anak siyang may sakit.
Masakit ‘yon ah, biruin mo tatay mo hindi ka mahal dahil sakit mo---ka kaya ayon naghiwalay sila ni mama.
Simula ng maghiwalay sila ni mama nakita ko paghihirap niya na matustusan ang pangangailangan ko bilang isang secretary sa law firm at magtindi ng merienda sa firm nila minsan.
Do’n naman pumasok sa kwento si sir Mark dahil adviser ko rin siya noon, kalat sa buong campus na may sakit ako siya ang madalas na nagbabantay sa ‘kin at minsan naghahatid. Hanggang sa magkamabutihan sila at nagkaroon ng isang anak, si June, ang baby boy namin.
Napansin ko nong nagkakilala sila naging masigla si mama syempre love nila isa’t isa eh pero minsan nahuhuli kong iniiyakan niya si sir Mark ‘pag gabi tungkol sa kondisyon ko. Hindi ko rin maiwasang hindi malungkot at magalit. Minsan napapatanong din ako na bakit ba ako may ganitong kondisyon?
Dahil kalat sa buong campus na may sakit ako at sa kondisyon they called me vase na hindi pwedeng mabasag dahil baka mahirap nang ibalik. Kaya mag-isa akong madalas tumambay sa ilalim ng punong talisay ‘pag vacant time. Sabihin nating may nakakausap ako pero wala naman tumuturing na kaibigan sa ‘kin. Naalala ko nong high school ako na pinag-tsimisan nila ako at pinagtatawanan ang kondisyon ko kaya never na akong nagtiwala sa ibang taong nakapaligid maliban sa pamilya ko kasi alam kong love na love nila ako.
Nagmumuni ako sa ilalim ng puno ng talisay ng makita ko si sir Mark na papalapit sa puwesto ko kaya umupo ako ng maayos. Matangkad siya na halos hanggang balikat lang si mama at ako. Nasa late 30’s, may suot na specs, firm ang pangangatawan, may mga sumisilay na wrinkles sa mukha dahil siguro stress sa pagtuturo at pagsasaway sa mga bata, makapal na kilay, malalim na mga mata na parang istrikto pero mabait siya lalo na sa amin at may matangos na mata. Maayos ang pagkakasuklay ng medyo brown niyang buhok.
“Good morning sir,” bati ko sa kanya ng makalapit siya.
Ngumisi siya at nilapag ang dala niyang paper bag sa lamesang gawa sa bato.
“Pinapadala ng mama mo nakalimutan mo raw kanina.”
Tumango-tango ako nang maabot ko ang paper bag at sinilip ang laman. Another ham and chess sandwich na sinamahan ng banana yugort.
“Thank you sir.”
Narinig ko ang mahinang tawa mula sa kanya, binibiro ko siya madalas na tinatawag ko siyang sir ditto at tito naman ‘pag nasa bahay kami.
“Wednesday ngayon, susunduin na lang kita mamaya sa church or i-text mo ko.”
Tinaas ko naman ang kamay ko at sumaludo sa kanya, “sir yes sir.”
“Wag mong kakalimutan mo ang mga gamot mo ah, alis na ako at may klase pa.” Bumuntong-hininga siya, “ang layo talaga ng deparment mo sa high school deparment,” sabay tawa at umalis na siya.
Ano nga ba ang buhay bilang isang may terminal illness?
Medication, check-up and support group. Recommended ng doctor dahil nong nalaman kong anytime pwede akong mawala nagkaroon ako ng anxiety attacked and depress na nakasama sa medication ko.
Hindi mo alam kong anong iisipin mo ‘pag may ganito kang kondisyon, ang hirap.
Support group help me a lot at dalawang taon na akong sumasama sa kanila. Do’n nagbago ang pananaw ko and I guess maraming nagbago sa ‘kin kaya nga napilitan ko pang maipagpatuloy pag-aaral ko eh.
PAGKATAPOS ng dalawang subject ko sa hapon agad akong dumiretso sa St. Jude Chapel na malapit lang sa village namin. Alas-siko na ng hapon nong makarating ako at halos pa umpisa na ang activity namin.
Dati lilima lang kaming teenager ang pumupunta rito pero kada-linggo at buwan lalo kaming nadadagdagan. Mga depress na kabataan, halos lahat problema sa pamilya at karamihan may mga sakit na hanggang ngayon katulad ko lumalaban.
May banyo malapit sa pintuan papasok na sana ako ng makita kong kakalabas ang isang pamilyar na binata galing sa hallway patungong banyo, natigilan ako at gano’n din siya ng magkaharap kami. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti, nakilala ko lang naman siya dahil sa ginawa niya last year na kumalat sa school.
Maamo ang mukha niya, matangos ang ilong, singkit na mga mata at bahagyang kulot na magulo. May kapayatan ang pangangatawan niya at moreno ang datingan.
Namilog pa ang mga mata niya at bahagyang gulo-gulo ang buhok. Kaya mabilis niyang inayos bago siya pumasok sa loob.
Teka lang anong ginagawa ng isang ‘yon ditto?
“Si Kelly ‘yon ah,” bulong ko sa sarili ko saka napaisip. Lumapit ako sa kulay brown na pintuan at tinulak ito para makapasok ako.
May ilang ngumiti at kinawayan ako nong makapasok ako. Gano’n din ang ginawa ko at nang mapasulyap ako sa katabi ni Kelly, si Kent.
Lalo akong nagtaka at napakunot-noo.
Anong ginagawa nila rito?
May kinakausap si brother Mike sa harapan kasama ang ilang ka-support group ko malapit sa may podium at nasa likuran nila ang krus na nakasabit sa puting pader. Lumapit ako sa bakanteng upuan at naka-circle ang labing limang upuan para makita namin ang isa’t isa. Hindi pa rin mawala ang tingin ko sa dalawang magkatabi na nakaupo sa magkasunod na dalawang upuan sa may kanan malapit sa mga lamesa kong saan ginagawa ang ilang activities namin.
Ang angas talaga ni Kent kahit saan siya magpunta bigla ba naman akong pinandilatan. Nakabukas pa ang polo niyang buhok para siyang kabaliktaran ni Kelly na mahiyain. Mas matangkad siya kay Kelly, palaging nakangisi ang mapupulang labi, palaging nakataas ang buhok gamit ang gel, naka-eyeliner, hindi ko nga alam kong pwede ba ‘yon sa school at college na siya. Maliit ang mata niya pero madalas siyang mandilat kahit hindi niya kilala.
Aha! Kamuntik ko ng maalala apo pala siya ng vice president ng school.
Napasulyap muli ako kay brother Mike na sinenyasan ang mga kasama kong kausap na bumalik na sa mga puwesto nila. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at mas laking gulat ko na pumasok si Adamson sa silid kong na saan kami.