(Rated18+) Tatlong taong ginugol ni Saddie Villegas ang kanyang sarili sa pagiging assistant slash secretary ng isang Director Maven Ildefonso sa IWS Company, na isang sikat na winery company sa buong Pilipinas, sa tatlong taon na iyon kabisado na niya ang binata lalo na ang nangyayari sa pamilya at ilang eskandalong kinabibilangan.
Wala namang balak na makisawsaw si Saddie sa kahit na anong gulo sa pamilya nito ngunit biglang nagbago ang lahat nang maaksidente ang binata sa gabi kung kailan nakapag-proposed ito bilang fiancé sa matagal ng kasintahan, sa aksidenteng iyon namatay ang kasintahan ng binata at nabulag si Maven.
Dahil hindi kinaya ng ina ng binata ang nangyari at ayaw niyang magising ito sa masamang balita, binigyan si Saddie ng komplikadong alok na magpanggap bilang kasintahan kapalit ng perang pangpagamot sa inang may sakit. Kukunin niya kaya ang alok para mapabuti ang buhay nilang mag-ina? Hanggang pagpapangap lang ba ang maibibigay niya sa binata? Kaya niya kayang ibigay ang sarili sa ngalan ng pag-ibig?