Chapter 2

1285 Words
NAKAILANG buntong-hininga na ni Saddie habang naghihintay sa kanyang boss na matapos ang meeting nito, last week of the month kaya crucial part ito para sa kompanya, rito nila tinitignan ang sales ng mga products at stocks nila sa market kung kaya ba nilang taasan ang kalabang kompanya o mananatili sila sa posisyon nila sa top 2. Dahil sa kaba hindi namamalayan ni Saddie na tinatap ng mga daliri niya ang lamesa hanggang sa mapasulyap siya sa kanang gawi niya. Nakita niyang papalapit sa direksyon niya ang kanyang boss, agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Nang mapansin ang seryoso nitong mukha agad na napayuko ang dalaga. ‘Lagot na!’ sigaw ni Saddie sa kanyang isipan. Hindi niya tinitignan sa mukha ang boss lalo na nong huminto ito sa lamesa niya. “Go to my office now,” ma-awtoridad nitong utos saka pumasok sa loob ng opisina. Kinuha ni Saddie ang planner at ball pen saka nagmadaling sumunod sa boss kahit pa nabangga ang tuhod niya sa lamesa niya. Hindi na muna niya ito ininda kahit pa gusto niyang sumigaw sa sakit at iika-ikang pumasok sa loob. Saktong kakaupo lamang ng boss niya, hindi katulad sa matataas na posisyon sa kompanya simple lamang ang ayos ng silid ni Maven, nag-dominant ang kulay itim at grey sa buong silid mula sa furniture display nito. Nakabukas ang kurtina sa likod ni Maven na nagsisilbing takip sa malawak na salamin na tanaw ang buong siyudad at ilang nagtataasang gusali. May mga patong na mga papeles sa lamesa at bukas na desktop na nakaharap sa binata. Dahan-dahan pang lumapit ang dalaga hanggang sa humarap siya sa binata. Sandaling may tinitigan si Maven sa laptop niya bago siya sumulyap kay Saddie, tinitigan ng dalaga ang seryosong mukha nito, ang natural na mukha ng binata sa lahat, hindi ito galit dahil kaya nang basahin ni Saddie ang emosyon ng binata sa tatlong taong paninilbihan niya rito, kaya ibig sabihin na walang negative na nakuha ang binata sa meeting. Kulutan ang buhok ng binata at bagong gupit. Maaliwalas pa rin ang mukha nito kahit pa seryoso, lumalabas lalo ang kagwapuhan at pagiging mestizo ng binata dahil sa pamumula ng pisngi at labi, may ilang pikas na maliliit sa mukha kung tititigan saka mo lang mapapansin. Hindi mahilig magpabango ang binata kaya ngayon lang napansin ni Saddie ang matapang na amoy pang lalaking pabango nito. Nakasabit ang grey nitong coat habang suot na lamang nito ang cream white long sleeve na nakatupi hanggang siko, niluwagan nito ang pagkakatali ng neck tie at inalis ang isang butones ng vest nitong suot. Bumuntong-hininga ang binata saka sumandal sa shrivel chair. “I was just thankful that the is presentation ended good, kahit pa na-late ka sa pagpasa ng presentation na kailangan ko, late ka pa, I know minsan ka lang ma-late pero hindi ko inaasahan na ma-late ka sa importanteng araw na ito.” “Sorry, sir, hindi na po mauulit,” iyon na lamang ang tanging nasabi ni Saddie dahil wala naman kahahantungan ang paliwanag niya para sa binata. “Okay na, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?” tanong muli ng binata sa kanya. “Yes, sir, nakakapagpa-reserved na po ako sa five star restaurant sa loob ng isang hotel. Seafood and steak buffet po sila this night katulad po ng request ninyo, all set na po, sir. Lahat ng kailangan ninyo mamayang gabi. I will send the reminders at kung saan po yung lugar paglabas ko,” paliwanag ni Saddie. “Good, maraming salamat, and I’m sorry medyo pressured lang ako ngayong araw.” “Po?” nabigla si Saddie sa narinig niya kay Maven for the first time narinig niyang nag-sorry si Maven sa kanya, hindi naitago ng dalaga ang pamimilog ng mata niya nang makitang ngumiti sa kanya si Maven ngunit agad din niyang binawi. “Wala po iyon, sir.” “Sige na, my snacks sa kabilang office you should them, mukhang hindi ka pa nag-aalmusal and ipapatawag na lang kita kung sakaling may kailangan ako,” wika ni Maven saka nilabas ang isang maliit na black ring box. Hindi na umimik pa si Saddie at lumabas na siya, bigla na lang naging good mood si Maven dahil magpo-propose na ito mamayang gabi sa long term girlfriend na si Carmina Altamirano. Nong makapasok si Saddie sa IWS hindi niya akalain na ang girlfriend ng boss niyang si Maven ang nag-iisang anak ng makakalaban ng kompanya nila, ang Altamirano Wine State na siyang top 1 sa buong bansa at buong mundo. Biglaan ang lahat at tutol ang magkaribal na pamilya lalo na sa business world ngunit mapaglaro nga ang tadhana dahil walang nagawa ang pamilya kundi ang suportahan ang dalawa dahil talagang pinaglaban ni Maven ang pagmamahal nito kay Carmina. Na kay Carmina lamang ang atensyon ng binata at doon lamang ito nagiging malambing, si Carmina lang din ang kayang magpaamo sa binata. Lahat ata ng drama at ilang pag-aaway ng dalawa sa opisina nasaksihan ni Saddie, pati ang ilang pribadong bagay, hindi ata makakalimutan ni Saddie nong makita niyang halos mag-siping ang dalawa sa sofa ng opisina nang aksidente siyang pumasok para lang maghatid ng reports, simula nu’n hindi na siya basta pumapasok sa opisina ng binata pag na andyan ang kasintahan nito. Naging mabait din si Carmina sa kanya kahit pa minsan lang niya ito kausapin sa hiya, minsan ay dinadalhan pa siya ng pasalubong pagbibisita kay Maven. Bago pa man bumalik sa lamesa niya, napasulyap siya sa paparating na kaibigang si Mia, nakangiti ito na para bang mapupunit kaya napakunot-noo siya, nang makalapit ito sa kanya saka naman siya hinatak nito paalis doon. “Girl, ang daming food sa area namin kain tayo, andoon yung favorite mong palabok, ang sarap,” masaya nitong balita. “Good mood si sir, ano?” “Sabi niya it turns out daw na okay naman yung presentation pero pinagsabihan pa rin niya ako,” wika ni Saddie habang nagpapatangay sa kaibigan si Mia. “Okay lang yarn, girl, at least pag hindi na ubos yun dalhan mo pasalubong mama mo, doon ka na lang bumawi,” saka naman tumawa si Mia pati rin siya’y natawa. Agad namang bumitaw si Mia sa kanya nang makitang makakasalubong nila ang COO ng kompanya, si McKenzie, ang panganay na kapatid ni Maven sa ama, sobrang laki ng pagkakaiba ng dalawa dahil si McKenzie malapit sa tao at palangiti. Agad na bumati ang dalawa bilang pagbibigay galang sa isang boss pa ng kompanya, napansin niyang dumiretso ito sa opisina ni Maven kaya napaisip si Saddie sandali dahil kahit kailan hindi nagkasundo ang dalawa at ayaw makipag-usap si Maven sa panganay nitong kapatid. Hindi rin maikakailang magkapatid sila lalo na’t para silang pinagbiyak na bunga galing sa ama nito. Mas matangkad lamang si McKenzie ng kaunti kesa kay Maven, ngunit mas malaki ng bahagya ang pangangatawan ni Maven kesa kanyang kuya na tama lang ang pangangatawan Masyadong komplikado ang pamilya Ildefonso sa likod ng marangya at mayaman nitong pamumuhay. May isang legal at may isang hindi, galing sa pangalawang pamilya si Maven dahil nang mamamatay ang unang asawa ni Mister Markie Ildefonso na nagmamay-ari ng kompanya, na ina ni McKenzie saka naman dumating sila Maven ngunit malaki na siya nang makilala niya ang tunay niyang ama na siyang kinagulat ng lahat, iniisip ng lahat na nangaliwa ang ama ni McKenzie noong nabubuhay pa lamang ang ina niya dahil halos isang taon lamang ang agwat nila sa isa’t isa. Hindi gusto ng mga Ildefonso ang ina Maven kaya hindi siya kinikilalang kabilang sa pamilya kahit pa dala niya ang apelyido ng ama at kaya ganun’n na lamang ang pag-iiwas niya sa mga Ildefonso lalo na sa kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD