NATAPOS ang trabaho ni Saddie nong maghapon na iyon, nang ma-checked niya ang lahat na maayos, niligpit na niya ang gamit lalo na’t gusto niyang siya mismo ang magsundo sa kanyang ina sa ospital dahil maari na itong lumabas. Saktong kalalabas lamang ni Maven sa opisina nito nang huminto ito sa puwesto niya.
“Ingat po kayo, sir,” paalala nito sa kanyang boss.
Nagtaka siya nang pinanggitan siya ng binatang amo. “What?”
“Ba-bakit po, sir?” muling tanong ni Saddie.
“You will come with me, I need you there, and what if it turns out bad? At least you can suggest another strategies para lang mapa-oo ko siya sa alok na kasal…” sandaling tumigil ang binata. “Do I look nervous?”
Tinitigan ng dalaga ang binata, mukha naman itong confident sa ayos nito at wala rin mali sa ayos ng boss niya.
“Okay naman po kayo, sir, sure po ba kayo na gusto ninyo akong bantayan ko kayo?” pero gustong-gustong tumutol ni Saddie dahil nga may importante pa siyang pupuntahan ngunit mukhang magbabago na naman ang plano niya.
“Yes! You should, let’s go,” saka unang naglakad ang amo niyang si Maven.
Gusto niyang bagalan ang kilos ngunit wala rin siyang nagawa nang naghihintay sa harapan ng elevator ang binata kaya nilagay na lamang niya lahat sa bag ang mga gamot saka humabol sa loob ng elevator, ang dami niyang na imagine na kunwari tinulak niya ang kanyang boss o kaya’y hinampas niya ng bag sa likod sa inis ngunit hindi naman niya magawa.
Pinakalma lamang niya ang kanyang sarili at saka kinuha ang phone para padalhan ng mensahe ang kaibigan nilang kapit-bahay na si aling Puring.
To: Aleng Puring
Hindi po agad makakauwi, kung pwede po umuwi na kayo ni mama at susunod na lang ako dahil may importante lang po akong kailangan asikasuhin sa opisina, salamat po.
Nang ma-sent niya ito napalingon siya sa repleksyon niya sa salamin saka napansing nakatingin pala sa kanya ang boss niya kaya bahagya siyang nahiya.
“May date ka ba?”
Namilog ang mata ni Saddie sa tanong ni Maven kaya muli itong napalingon sa repleksyon ng binata sa salamin ng elevator, abot hanggang dibdib lang siya sa tangkad nito.
“Po?”
“Baka may date ka kamo? Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Masyado kang busy sa trabaho mag-unwind ka rin minsan, hindi pa kita nakikitang absent, late oo na,” saka tumango-tango si Maven.
‘Paano naman ako a-absent eh palagi mo kong hinahanap? Pati leave ko kailangan kong pumasok dahil wala kang tiwala sa ilang tao rito dahil gusto mo sa akin iasa!’ sa isip-isip ni Saddie ngunit hindi niya yon maaring sabihin kung gusto pa niyang magkatrabaho.
“Wala po akong nobyo, sir, nagpaalam lang ako sa bahay na baka hindi ako makakauwi ng maaga,” yon na lamang ang sinagot ng dalaga.
Nagkipit-balikat ang binata. “Ang tagal na ah, nong pumasok ka rito three years ago nene ka pa, hanggang ngayon nene ka pa rin,” sabay ngisi ng binata.
Hindi man lang nagawang tumawa sa biro ng binata, hindi maintindihan ni Saddie kung compliment ba iyon o pang-aasar. Naging seryoso uli ang binata nang mapansing hindi siya ngumiti. Pagkabukas ng elevator bumungad sa kanila ang parking lot sa ground floor, agad na nakita nila ang nakaparadang itim na BMW ng binata, unang sumakay si Maven saka naman naupo si Saddie sa front seat katabi ng kanyang amo.
Habang nagmamaneho si Maven tahimik lang si Saddie habang nakatanaw sa ilang sasakyan sa labas ng bintana.
“Pray for me, Saddie.”
Napalingon siya sa kanyang amo, sa unang pagkakataon ngayon lang niya nakitang ganito si Maven, hindi man aminin ng binata kabado ito sa gabing iyon.
“Good luck, sir, kaya ninyo po iyan,” ngiting sabi ni Saddie, naisip niyang baka kailangan din ng ganu’n ng amo niya. Hindi porket perpekto sa lahat ng bagay eh hindi na ito nakakaramdam ng kaba.
“Salamat, Saddie,” kahit na hindi nakatingin sa kanya si Maven nagawa nitong ngumiti para sa kanyang habang nakatuon ang sarili sa pagmamaneho.
PAGDATING nila ng Sol Hotel kung saan mag-ayang magpakasal ni Maven kay Carmina, agad na kumuha ng puwesto si Saddie ng lamesang malapit kila Maven para madaling puntahan kung sakaling magkaroon ng problema. Natatanaw niyang naghihintay pa rin ito kaya kumuha na muna siya ng makakakain.
Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya habang maingat na hawak ang plato, lahat ng pagkain doon ay nakakatakam, kaya kumuha na lang siya ng tig-iisang portion ng mga pagkain gusto niyang matikman katulad ng beef steak, crabs at ilang buttered garlic shrimp.
Kumuha rin siya ng iced tea na maiinom nang makabalik siya sa lamesa niya roon lang niya napansin na nakarating na pala si Carmina, ang kasintahan ni Maven. Kahit din siya’y namamangha sa kagandahan nito habang suot ng daisies white dress buff sleeve at may habang hanggang tuhod ang skirt. Ash brown hair suit in her white pinkish face, kung lumakad ito parang palaging rarampa sa fashion show ngunit simpleng business woman din ang dalaga sa kompanya ng mga Altamirano.
Nang makita niyang nasa ayos ang lahat nagsimula na rin siyang kumain hanggang sa ituon ang sarili roon, nakarinig siya ng palakpakan at iilang hiyawan sa tuwa kaya muli siyang napasulyap kila Maven at doon lang niya nakitang nakaluhod na pala ito sa harapan ni Carmina na nakaupo pa rin.
Gulat na gulat ang dalagang si Carmina at naluluha pa ito habang nakatingin sa nobyo.
Tumango na lamang ito at hindi makapagsalita.
Malugod namang kinuha ni Maven ang kamay niya saka sinuot ang engagement ring kay Carmina na may maliliit na small diamond sa paligid nito, sa tuwa ni Carmina binaba niya ang mukha sa binata saka ito hinalikan sa tuwa, sinagot naman ito ng binata, roon naman nag-umpisang magtugtog ng sweet song ang mga violist para mas lalo pang madagdagan ang ambiance ng lugar.
“I guess ito na ang exit ko,” bulong ni Saddie sa kanyang sarili.
HALOS dalawang oras ang biniyahe niya pauwi sa kanila sakay sa bus, doon lang niya naramdaman ang pagod habang naglalakad siya papasok sa kanilang lugar, may ilang naglalaro pa sa paligid na mga bata, kahit gabi para bang buhay na buhay ang baranggay na iyon, may ilang nagtitinda pa ng ihaw sa sidewalk at manginginom sa tabi nito.
Huminto siya sa luma at hindi gaanong kalakihan na bahay ngunit gawa sa simento, sa tatlong pagtatrabaho at pag-iipon nabili rin niya ang lupa ng bahay kaya wala na siyang gaanong inaalala kundi ang kanyang ina.
Natigilan si Saddie nang makatanggap siya ng tawag habang nakahinto sa gate ng bahay, kinuha niya ito na hindi man lang tinitignan kung sino nang itapat niya sa kanyang kaliwang tenga.
“Saddie!”
Nabigla siya sa pagtawag ni Mia sa kabilang linya nang makilala niya kung sino ito.
“Bakit may problema ba?” habang nakakunot-noo siya’y bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso niya.
“Si sir Maven sinugod sa hospital kasama ang girlfriend niya, nasa kritikal daw na kondisyon…”
“Ano nagbibiro ka ba? Hindi---”
Hindi siya pinatapos ng kanyang kaibigan.
"Duh! Saddie, hindi ako magbibiro ng ganito kahit pa nakakainis ang boss natin, kalat sa buong news one hour ago ang aksidente sa isang intersection, na saan ka ba? Nakauwi ka na ba?”
Natigilan si Saddie sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan niya, nanginginig at hindi makapaniwala sa masamang balita.