bc

Rewrite

book_age16+
556
FOLLOW
1.5K
READ
playboy
tragedy
bxg
humorous
heavy
lighthearted
magical world
rebirth/reborn
lords
civilian
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba ang tunay na nangyare sa Chris’s Apartment Building noon at kong bakit ito nasunog noong labing limang taon ang nakakalipas? Sabi nga nila “history repeat itself.” Pero paano sa pagbabalik ng nakaraan, hindi mo ito nais malaman pa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kabanata 1 Iyakan at sigawan ng mga tao ang maririnig sa labas ng nasusunog na gusali, dahil wala na silang maisasalbang gamit, meron man ay hindi pa rin mawawala ang mga lungkot sa kanilang mga mukha na ang ibang pinag-ipunan nilang gamit ay nawala dahil sa sunod, meron naman nag-iiyakan dahil wala pa ang ilang miyembro ng pamilya nila at na iwan pa sa loob. “Tulungan ninyo ako ‘yong anak ko nasa loob pa!” Sigaw ng isang ginang. “Tubig pa! Tubig pa!” Sigaw naman ng mga lalaking nakikipatulungan sa mga bumbero na mamamatay ang apoy, pero sa laki ng yumayakap na apoy sa buong gusali, mahihirapan silang mapula ang apo at mahihirapan silang mailigtas ang ilang na iwan pa sa loob. “Tulong!” “Magnanakaw, ninakaw ang gamit namin, hayop ka bumalik ka dito!” Mga hinaing na maririnig sa palibot ng mga taong nagkukumpulan sa labas ng nasusunog na gusali, pero wala rin naman silang na gawa kong di ang mag-iiyak ang mga babae at mga batang nahiwalay na sa mga kasamang pamilya dahil sa dami ng tao, isang pangyayareng hindi inaasahan ng mga nakatira sa Chris’s Apartment Building. ~*~ 9 years later… Hingal na hingal si Ellory sa pagbalik-balik sa baba at muling aakyat sa bago niyang apartment para lang maiakyat ang mga gamit niya, gusto niya sanang sa unang palapag siya titira pero puno na doon at mas lalo naman sa ikalawang palapag kaya wala siyang magagawa kong di ang pumayag na ang silid niya ay nasa ikatlong palapag ng apartment na may limang palapag, kakalapit lang niya ngayon araw sa Chris’s Apartment Building dahil ito ang apartment na pinakamalapit sa pinagtatrabahuhan niyang fast food chain. Dati kasi ay napakalayo at hindi niya kinakaya ang biyahe, minsan ay na-late pa siya, madalas pa naman siyang pang gabi dahil 24 hours ang fast food chain na ‘yon, laking tulong na ito na makita niya ito, hindi rin niya kailangan sumakay dahil lalakarin lang niya, dahil sa likod ng apartment building ang nasabeng fast food kong saan siya nagtrabaho. Mag-isa lang siya sa buhay dahil may kanya-kanya nang buhay ang mga kapatid niya na mas mataas pa ang trabaho sa kanya, wala na rin ang mga magulang niya dahil pareho na itong patay, nasa edad bente anyos na siya, nakatapos lang siya sa isang vocational school ng food and beverages, kong saan pwede siyang makapagtrabaho sa mga resto o fast food chain, dalawang taon na rin siya sa trabaho niya. Paglabas niya ng bago niyang silid nakasalubong niya ang land lady ng apartment, bahagyang may katandaan ito pero may kasuotan na animoy nagpapanggap na bata, pero sinasa-isip na lamang ng dalaga ang pagtawa niya sa kasuotan ng matanda. “May kailangan po ba kayo?” Inayos niya ang suot niyang bilog na salamin dahil may kalabuan ang paningin niya. Pinagmasdan na muna siya ng matanda dahil sa gusot niyang damit at animoy hindi nakapasuklay na buhok dahil sa pagbubuhat niya ng mga kahon, “minsan iha mag-ayos-ayos ka rin ah, nagmumukha kang manang.” Natigilan si Ellory sa biro ng matanda, ‘kong ako mukhang manang ikaw naman mukhang bayaring babae at walang kukuha sayo dahil matanda ka nga, na nagpapanggap na bata,’ sa isip-isip ni Ellory, pero binigyan lang niya ng ngiti si Aleng Mariza o madalas tawaging Mariz sa lugar. “Ga’nun po ba, hindi na po kailangan,” mahina niyang saad. “Na saan na pala ‘yong pa una mong bayad?” Sabay lahad ng kamay ni Mariz na para bang may hinihingi sa kanya. ‘Pagdating talaga sa pera ang bilis-bilis,’ muli na naman niyang bulong sa isipan, pero hindi na siya nagsalita at inabot ang 1500 para sa paunang bayad niya sa buwan na ‘yon. “Mas maganda yan iha, gumaganda ka sa paningin ko,” sabi nito sa kanya. Babalik na sana si Ellory sa kanyang ginagawa dahil may isa pa siyang kahon na naiwan nang magbukas ang pintuan ng katabi niyang apartment unit, isang binata ang lumabas at tumingin din sa kanilang dalawa. May kulot itong buhok sa gitna o tinatawag na mushroom style ng mga kabataan ngayon para sa mga lalaki, naka-boxer shorts lang ito at walang pang itaas. Pumupungaw pa ang mga mata nito at nagkakamot sa ulo, “bakit ang ingay?” Tanong nito kay Mariz. “May bago ka nang kabit-bahay dito Leo kaya bumalik ka na sa pagtulog mo,” wika ni Mariz. Pero nang sumulyap si Leo kay Ellory tila’y nawala ang antok ng binata at napatitig sa dalaga, saka lang nito na pansin na naka-boxer siya dahil sa hiya ay agad itong bumalik sa loob. Nagtaka naman si Ellory at Mariz nang magkatinginan, “anong nangyare doon?” Tanong ni Ellory. “Ewan ko, si Leo Tolentino ‘yon, isa siya sa magiging kabit-bahay mo dito, katulad mo madalas na gabi ang trabaho n’un, isa kasi siyang call center agent, siguro wala naman kayong magiging problema sa isa’t isa, dahil madalas kayong wala, ‘yon nga lang magkakaroon ka ng ilang problema sa katabi mo, masasanay ka na lang,” paliwanag ni Mariz, “sige aalis na ako may gagawin pa akong importante.” “Ok,” sabi ni Ellory, siya naman ay muling bumalik sa baba, nang makuha niya ang nag-iisang kahon, may isang bata siyang nakitang naglalaro sa hagdan patungong pangatlong palapag kaya tumigil si Ellory dahil nakaharang ito sa daraanan niya. Binaba na muna niya ang kahon, na pansin niyang nagkukulay pala ito ng coloring book, “bata,” tawag niya sa batang lalaking may edad siyam na taon. Lumingon naman ito sa kanya, “ano po ‘yon ate?” Inosente nitong tanong sa dalaga. Tipid siyang ngumiti sa bata, “alam mo bata dapat sa bahay ka ninyo ginagawa yan at hindi dito, baka kasi mamaya maaksidente ka o kaya may makaaksidente ka, delikado dito, hindi ka ba natatakot na baka malaglag ka?” Umiling ito sa kanya, “hindi naman po, at saka alam ko tutulungan ako ng kaibigan ko, ayoko rin po sa bahay namin, maingay palagi na lang nag-aaway ang mama at papa ko, hindi naman ako makakagawa ng maayos doon.” Nakaramdam siya ng awa sa bata, “ga’nun ba, pero pwede ka naman maglaro kahit saan basta wag lang dito, dadaan din kasi ako.” “Ay sorry po kasi sabi ng kaibigan ko dito raw kami maglaro,” nagtataka si Ellory sa madalas na pagbanggit nitong kaibigan kahit wala naman itong kasama pero hindi na lang ito pinansin ng dalaga, pinatuloy naman siya ng bata, hinayaan na lamang niya ito kahit hindi pa umaalis sa hagdan, narinig pa niya bago siya umalis na animoy may binubulungan ito. Pagkarating niya sa apartment unit niya ay agad niyang nilapag ang kahon at sinara ang silid, nag-umpisa na siyang mag-ayos ng gamit niya bago siya mag-ayos para sa kanya namang pagpunta sa trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.5K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

A Night With My Professor

read
496.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook