bc

Mad House

book_age16+
1.4K
FOLLOW
4.9K
READ
bxg
lighthearted
mystery
highschool
medieval
enimies to lovers
first love
seductive
crown prince
like
intro-logo
Blurb

"Serial killers are born, not made..."

Bahay ng mga baliw, hindi nakakapag-isip ng matino ang mga nakatira rito at bayolente sa mga nakapaligid sa kanila. Pero magigising na lang si Kaye sa isang silid sa loob ng pasilidad ng Tan Ching Asylum, kong saan napapalibutan siya ng mga pinangingilagan ng mga kapwa niya normal, mga baliw.

Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan, paano siya napunta roon, bakit kasama niya ang mga baliw? Isa pang bagay ang inaalala niya, wala siyang maalala kong paano siya nakapasok doon. Makakalabas pa kaya siya? Paano na lang kong may malalim na dahilan kong bakit siya nasa loob?

chap-preview
Free preview
Teaser
Teaser Takbo. Yan ang ginagawa nila Kaye at Gavin nang makalabas sila masukal na daanan ng gubat, mahigpit ang pagkakahawak nila sa kamay, nangunguna sa pagtakbo si Gavin. Parehong hingal na hingal, nakakaranas ng kaba, takot, pawisan at madungis dahil sa nangyari sa kanila, pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagtakbo para lang makatakas sa kalaban. Biglang huminto si Gavin kaya pati si Kaye ay napahinto, takang-takang tinignan ni Kaye si Gavin, ang kasintahan niya. “Halika na, baka mahabol pa nila tayo,” paghihila ni Kaye sa binata. Biglang bumitaw si Gavin na siyang pinagtaka niya, lalong lumakas ang kabog ng dalaga, “mauna ka na.” “Ano?! Hindi pwede, hindi kita pwedeng iwan dito, tatakas tayo pareho, hindi tayo magpapatalo sa kanila,” nag-uumpisa na naman maging emosyunal ang dalaga. Umiling-iling si Gavin at ngumiti, huling ngiti ni Gavin sa dalaga. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ng dalaga, “wag ka nang umiyak, susunod ako, umalis ka na, para hindi nila tayo makita, dapat hindi ka nila makita, dalian muna.” Iyak ng iyak ang dalaga, nagtataas-baba ang balikat niya, hindi siya makapagsalita dahil sa binata, iling lang siya ng iling, ang mumunting iyak niya ay naging hagulgol, nataranta ang binata kaya tinakpan nito ang bibig para walang makarinig ng ingay nila. “Please, mas mapapanatag ako kong mauuna ka, maghanap ka ng makakatulong sa atin, saka mo ako balikan, kong magkasama tayo, pareho tayong mapapahamak, kaya please mauna ka na,” bahagyang tinulak ng binata si Kaye. Napatakip si Kaye sa kanyang bibig lalo na nang tuluyang bumitaw sa kanya ang binata, muli itong tumingin sa kanya saka ito nagtatakbo sa ibang direksyon, hindi man niya gusto ang desisyun ng kasintahan, nagmadali na rin siyang tumakbo kahit na nangangatog na siya sa sobrang pagod at takot. Pero hindi niya inaasahan na malalim na bangin na pala ang dulo ng tinatakbuhan niya, dahil sa dilim ng paligid, hindi niya ito tuluyang nakita hanggang sa mahulog siya roon at magpagulong-gulong sa lupa…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook