Mad 1

1157 Words
Mad 1 (Kaye) Dinilat ko ang mga mata ko, una kong nakita ang puting kisame, ramdam ko ang malambot na higaan ngunit ngangangalay na ang likod ko, pakiramdam ko matagal na akong nakahiga, nililibot ang paningin ko, parang may mali, hindi ito ang silid ko. Agad akong napabangon, natanggal ang kumot sa ibabaw ng katawan ko, nagpalinga-linga ako, naguguluhan ako sa ayos ng silid kong na saan ako, may puting higaan, lababo, salamin, may pintuan sa katapat ng higaan ko, lamesa’t upuan at silda na puros puti. Tinaggal kong tuluyan, doon ko nakita na may gasa ang kanan kong binti, kaya pala ang bigat sa pakiramdam, ang sakit ng likod ko, sa totoo niyan buong katawan ko, bigla ako nakaramdam ng kaba, anong ginagawa ko rito? Pinikit ko ang mga mata ko, pilit na inaalala kong paano ako napunta sa lugar na ‘yon, na saan na ang pamilya ko? Si Gavin--- Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng kirot, kakaibang sakit na ngayon ko lang naramdaman, parang binibiyak na hindi ko maintindihan, napapaluha na ako sa sobrang sakit, “tu-tulonggg!” Buong lakas kong sigaw kahit na hindi ko na makayanan, “tulongggg! Tulungan ninyo ako! Kong sino man ang na andyan tulungan ninyo ako!” Unti-unti akong nanghihina, napasulyap ako sa pagbukas ng silda nang may pumasok, mga nakaputing damit, siguro nurse, hindi ko masyadong maaninag hanggang sa mangdilim ang paningin ko, pero ramdam ko pa rin ang sakit. --- Parang pagod na pagod ang katawan ko, dinilat ko ang aking mga mata, walang pagbabago, na andito pa rin ako sa puting silid kong na saan ako. Pero hindi katulad kanina wala na akong nararamdaman na kirot sa aking ulo at sakit sa katawan, pagod lang. Dahan-dahan akong umupo sa kama. Nasulyapan ko ang isang binata, hindi ko ma-recognize kong ilang taon na siya pero may bata siyang mukha hindi naman ga’anong kabata at hindi naman ga’anong katanda, may malaki at tama siyang pangangatawan at may katangkaran. Nakasuot siya ng unipormeng puti mula sa polo niya, pantalon at sapatos na gamit niya, para siyang isang nurse, maingat niyang inaayos ang mga aparato niya sa lamesa. “Sino ka? Na saan ako, anong ginagawa ko rito?” Dahil sa akin agad siyang napasulyap. Doon ko nakita ng malinaw ang mukha niya, masasabi kong para siyang model ng isang Korean magazine at hindi nurse, para siyang koreanong napapanood ko sa mga koreanovela, nakaramdam ako ng ilang mula sa kanya. Binitawan niya ang aparatong inaayos at lumapit siya sa akin. “Buti naman at gising ka na, ayos na ba ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka bang iba, may masakit pa ba?” Parang nag-aalala ang boses niya, siguro dahil trabaho niya ang magpagaling at mag-alaga ng pasyente. Pasyente ba ako, ni hindi ko nga alam kong na saan ako, kong ospital ba ito, muli akong napasulyap sa silda, may ospital bang gawa sa silda ang silid, wala naman diba? Muli akong tumingin sa kanya. “Kanina masakit ang ulo ko, pero wala na siya, para lang akong pagod.” Wika ko. Tumango-tango naman siya at muling bumalik sa ginagawa niya, pinapanood ko lang siya, akmang lalabas na siya nang maalala kong hindi pa pala niya sinasagot ang mga katanungan ko. “Teka lang, pwedeng pake sabi kong na saan ako, nasa ospital ba ako?” Muli siyang humarap sa akin habang hawak niya ang tray, wala akong nakikitang may dapat akong ikatakot pero hindi ko mapigilan. “Wala ka bang naalala?” Tanong niya sa akin. “Magtatanong ba ako sayo kong may alam ako,” sarkastiko kong tugon, hindi ko maiwasan. Ngumiti lang siya sa akin, “hindi ako ang dapat sumagot sa tanong mo, nagtatrabaho lang ako rito, si director ang sasagot sa mga tanong mo pagnakaharap muna siya. Hindi ka na nakasabay sa mga ibang pasyente para sa inyong almusal, maghintay ka na lang ng ilang minuto dahil magtatanghalian na rin, nasa safe zone ka, hindi ka dapat matakot, babalikan ka namin.” Paliwanag niya saka niya binuksan ang silda. Muli niya itong sinara at nilagyan ng padlock. Naningkit ang mga mata ko, pasyente? Ibig sabihin ba nito nasa ospital talaga ako, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip, hanggang sa tuluyan na niya akong iwan. --- Sabi nong nurse kaninang lalaki, anumang oras may babalik sakin para sa tanghalian, wala na ako sa kama ko at nililibot ko ang mumunti kong silid, ang pintuan ay papunta pala sa isang banyo, ang katapat ng silda ko ay isa ring silda, sinisilip ko roon ang babaeng nakaupo sa kama ngunit nakatalikod siya sa direksyon ko, kaya hindi ko makita ang mukha niya. Ilang beses ko rin sinilip ang magkabilang hallway, wala akong masyadong makita kong di mga silda na katulad sa akin, hanggang doon na lang, nakasuot din ako ng puting bistida na nakikita ko sa ospital, hindi naman ako pilay pero may gasa ako, mabigat pa siya sa paa. Sa kisame mula sa labas, sa itaas na bahagi may mga cctv camera. Gusto kong lumabas, sa totoo niyan masakit sa mata na puro puting kulay ang nakikita ko sa paligid, alam kong nakakagaan siya ng pakiramdam pero iba ito sa lahat. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid nang marinig ko ang kakaibang ingay, hindi ko alam kong saan ito nang gagaling, maya-maya lang nakita ko ang mga babae at lalaking may mga puting kasuotan, ang mga taong madalas kong makita sa ospital, mga nurse. Isa-isa nilang binuksan ang silda at pinalabas na ang mga pasyente. May lalaking lumapit din sa silda ko kaya bahagya akong napaatras, nakangiti sa akin na para bang sinasabing wala akong tapat ikatakot. “Tanghalian na ninyo, kailangan munang pumunta sa dining area.” Wika niya sa akin, saka niya ako inalalayan, “masakit pa ba ang pilay mo?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makasagot sa aking nakita nang makalabas ako, gulat na gulat ako, alam kong pasyente ako at ang ibang katulad kong suot ay mga pasyente rin, pero ayon sa mga kilos, itsura nila, hindi sila simpleng pasyente, mga baliw sila. Ito ‘yong mga taong iniiwasan ng mga normal, may nakita akong kinakagat at dulo ng buhok niya habang inaalalayan pa ng isang nurse na babae. Hindi ko maintindihan ang kinikilos nila, mga kilos ng mga hindi matinong tao, mga wala sa sarili, may iba namang tulala. Natigilan ako sa paglalakad, “ayos ka lang?” Narinig kong tanong niya sa akin. “Na saan ako?” “Huh?” Para siyang nagtataka sa tanong ko. “Na saan ako?” Napasulyap na ako sa nurse na umaalalay sa akin. Para siyang nag-aalangan na sumagot sa tanong ko, “nasa Tan Ching Asylum ka.” “Asylum, parang mental ospital?” Hindi ko alam pero bigla akong tinamaan ng kaba. Lalo na nang magsalita siya, lalo ko itong kinagulat, “oo, asylum o mental ospital, bahay ng mga baliw.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD