bc

The Love We Shouldn't Keep

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
bxg
city
surrender
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Magkababata sila Trixie Imperial at Dexter Salvacion. High School pa lang ay may nararamdaman na silang espesyal na pagtingin sa isa't isa. Pero dahil galing sila sa magkalabang mga pamilya, hindi nila magawang maging magkalapit man lang. Ang ama ni Trixie, bilang isang kilala at matapang na mamamahayag sa kanilang bayan ay ang numero unong tagapuna ng mga maling gawain ng ama ni Iker, na siya namang nanunungkulang gobernador sa parehong bayan. Kaya nung lumuwas sila Iker at Trixie sa Maynila para magkolehiyo, doon lang nila nabigyang laya ang mga tagong damdamin nila sa isat isa. Walang alam ang mga magulang nila na may lihim silang relasyon. Nakaya nilang itago ang relasyon nila hanggang sa unang taon nila sa pag-aabogasya. Pero naputol ang masaya nilang relasyon nang may trahedyang nangyari sa ama ni Trixie at napilitan siyang umuwi sa bayan nila. Mula noon, naputol na ang komunikasyon ni Trixie sa binata. Namalayan na lang niya isang araw na nasa bayan na rin nila si Iker para tumakbong gobernador, kapalit ng ama nito. Paano pa madudugtungan ang pag-iibigan nilang dalawa ni Iker kung nasa lugar silang dalawa kung saan bawal na bawal silang magmahalan?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Binuksan ni Trixie ang pintuan ng tinutuluyang apartment, at saka napapagod na pumasok sa loob. Kakatapos lang ng mock exam nlla at talaga namang napiga nang husto ang utak niya sa pagsusulit nila. Hindi na niya binuksan ang ilaw at aircon sa sala. Dumerecho na siya ng upo sa leather-upholstered niyang sofa. Isinandal niya ang likod at ulo at saka pumikit. Alam niyang mayamaya lang ay makakaramdam na siya ng alinsangan dahil sa hindi pagbubukas ng aircon. Sinadya niya talaga iyon. Baka kapag nakaranas ng lamig ang katawan niya, matukso siyang matulog na. Hindi nagtagal ay napansin na ni Trixie na unti-unti na siyang ginigitawan ng pawis sa kanyang noo at sa kanyang kilikili. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa sofa at nagpunta sa kuwarto niya. Inilabas niya mula sa bag na dala ang telepono at susi ng kotse niya at saka ipinatong sa study table slash vanity table malapit sa pinto. Tapos ay inihagis niya na lang ang bag sa ibabaw ng kama niya at naglakad papunta sa CR dito sa loob ng kuwarto niya. Pagkapasok sa loob ng CR, agad niyang hinubad ang suot na damit. Wala siyang itinirang anumang saplot sa katawan niya. Lahat ng hinubad niyang damit ay maayos niyang tiniklop at inilagay sa laundry hamper na nandoon sa gilid. Napansin niyang medyo marami-rami na rin ang labahin niya. Kailangan na niyang maglaba bukas para maplano at maplantsa na rin niya ang lahat ng isusuot niyang mga damit para sa susunod na linggo. Ayaw niyang nag-uulit ng suot sa magkasunod na linggo. Kaya pinaplano niyang maigi ang mga isusuot niya for the week. Hindi na baleng mag-ulit siya ng damit sa sumunod na isa pang linggo, basta huwag lang ang magkasunod na linggo, Tinimpla niya muna ang temperatura ng tubig bago sumalang sa ilalim ng shower. Hindi napigilang mapangiti ni Trixie nang sumayad na sa katawan niya ang tamang timpla ng temperatura na gusto niya. Hindi masyadong malamig, hindi rin naman mainit. Tama lang. Sabi nila patay ang lamig. Gustong-gusto niya ang ganung temperatura sa katawan sa paliligo. Pakiramdam ni Trixie, natutulungan siya nun na ma-relax ang katawan at isip niya, lalo na kapag ganitong kakatapos lang niyang mag-exam. Pinabula na niya ang buhok ng shampoo na gamit niya mula pa noong High School siya. Hiyang na hiyang ang buhok niya sa na sabing shampooo at hindi pa siya nakaranas ng paglalagas ng buhok kahit noon pa. May katerno rin itong conditioner na talaga namang napakalambot sa buhok. Nang matapos na si Trixie sa pagsa-shampoo at pagbabanlaw ng conditioner sa buhok niya na hanggang balikat ang haba, sininop niiya ito pataas at saka inipitan ng hair clamp para hindi dumidikit at sumasayad sa balikat niya Inabot ni Trixie ang nylon scrub na nasa harapan niya lang, para patakan ng body wash. Pero may kamay na biglang umagaw nito mula sa mga kamay niya. Namilog ang mga mata ni Triixie kasabay ng paglipad ng tingin niya sa taong nandito na ngayon sa tabi niya at siyang may hawak sa nylon scrub niya. "Matigas talaga ang ulo mo,” seryosong sabi ng lalaki sa kanya, “What did I told you before? Ang mga kamay ko lang ang may karapatang humawak sa katawan mo,” ngumisi pa ito ng nakakaloko. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. “At ano’ng ginagawa mo dito sa loob ng CR ko?” mataray na tanong ni Trixie. Napansin niyang katulad niya ay wala na ring suot na anumang saplot sa katawan ito. Bahagya pa niyang nahiigit ang hininga niya nang mapadako ang mga mata niya sa maselang bahagi ng katawan ng lalaki na nasa pagitan ng mga hita nito. Inisang hakbang nung lalaki ang pagitan nila ni Trixie. Nakabukas ang shower kaya nabasa na rin ang ibabang katawan nung lalaki. Pero mukha namang hindi nila alintana ‘yun dahil sa init na nagmumula sa mga katawan nila. “Eyes up here, woman!” maigting pero halos pabulong na sabi ng lalaki kay Trixie, sabay hawak sa baba niya para patinginin si Trixie sa mukha niya, ”kaya ka laging may kuliti, lagi mo akong sinisilipan” ngayon ay nakangiti nang sabi ng lalaki. Agad na itinaas ni Trixie ang isang kamay niya at saka kinurot nang pino ang tagiliran ng katawan ni Iker. “For your info, hindi ako naninilip sa ‘yo. Ikaw itong laging nakabalandra sa harapan ko ‘yang ano mo,” seryosong sabi ni Trixie habang mas lalong idinidiiin ang mga daliri sa balat ni Iker. “Aray! Aray, babe…” tumatawang sabi ni Iker at saka hinuli ang kamay ni Trixie na nakahawak sa tagiliran niya. Dinala niya ito sa tapat ng dibdib niya habang hawak pa rin niya iyon. Tapos ay umakto si Iker na tila nag-iisip. “Laging nakabalandra? Parang hindi naman…” Hindi napigilan ni Trixie ang mapangiti. “So ano itong ngayon? Ano’ng ginagawa mo sa loob ng CR ko nang hubo’t hubad?” “Ahh… makikiligo lang.” Pilit pinipigilan ni Trixie ang mapangiti pero hindi niya magawang kontrolin. Aliw na aliw siya sa mga kalokohan ni Iker. “At dito ka pa makikiligo? Bakit? Wala bang tubig sa inyo?” nakangiting tanong ni Trixie. “You see… Nalimutan kong schedule nga pala ng NAWASA ngayon sa amin para sa rotational shut down ng water supply.” Habang sinasabi iyon ni Iker ay masuyo niyang hinahaplos ang itaas na hita ni Trixie ng isa niyang malayang kamay. Ang isang kamay niya ay nasa tapat pa rin ng dibdib niya at hawak pa rin ang isang kamay ng dalaga na ipinangkurot kanina sa tagiliran niya. Gusto sanang magtaray ni Trixie sa sagot ni Iker. Obvious namang gumagawa na naman ng kuwento ang binata. Lagi siyang nakatutok sa mga balita sa TV at updated siya sa lahat ng balita, pero wala siyang narinig na magkakaroon ng rotational na pagpatay ng supply ng tubig. Isa pa, wala namang ibinalita na magkakaroon ng La Nina ngayong taon. “Hay naku, Ker! Puro ka kalokohan! Puro ka biro. Minsan napapaisip na ako kung totoo ba ang relasyon natin na ‘to. Baka mamaya dyino-joke mo lang pala ako, sumakay naman ako,” may halong inis na sabi ni Trixie. Parang bigla namang nag-panic ang mukha ni Iker. “Of course, I’m serious!” sabi niya, “ang tagal kong nagtiis na maging akin ka. Alam mo ‘yan, Trix. High School pa lang tayo, gusto na kita. And besides, hindi mo ba nararamdaman ang tibok nitong puso ko?” Idiniin pa ni Iker ang hawak niyang kamay ni Trixie na nasa tapat ng dibdib niya. Matiim niyang tinitigan sa mga mata ang dalaga. “It only beats like that kapag ikaw ang nasa tabi ko,” sabi pa niya. Agad na nag-iwas ng tingin si Trixie. Paano ay hindi na niya makayang tagalan ang nakakatunaw na tingin ni Iker sa kanya. Isa pa ay nalulunod din siya sa mabilis na pagtibok ng puso niya. Pero hindi hinayaan ni Iker na sa iba nakatingin si Trixie. Ibinalik ng binata ang mukha ni Trixie sa pagkakatingin sa mukha niya. “Babe, I love you. Mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko kayang i-describe. Pero pakiramdam ko, may kung anong meron sa ating dalawa at iyon ang nag-uugnay sa atin lagi. Hindi ko kayang mag-isip na wala ka sa tabi ko. Parang ang bilis-bilis kong makaisip ng solusyon basta nasa tabi kita at alam kong kaisa kita sa mga naiisip ko. Maisip lang kita, pakiramdam ko ang lakas-lakas ko. Marinig ko lang ang tawa mo, parang sumasaya na ang paligid ko kahit sa totoo ay hindi naman. Pakiramdam ko nga, karugtong ka na ng buhay ko. Ayaw mang seryosohin ni Trixie ang mga sinabi ni Iker, hindi naman niya maalis na hindi matuwa. Pakiramdam niya ay ang laki-laki ng puso niya ngayon. Bigla lang naglaho ang sayang nararamdaman niya nang may maalala siya. “Ker… pero–” “Shhh… no buts, Trix. Ayoko muna. Sa oras na ‘to, ikaw lang at ako ang nasa mundong ito. Just you… and me…” Habang sinasabi ni Iker ang ,mga salitang iyon ay unti-unti rin ang ginagawa niyang paglapit ng mukha niya sa mukha ng nobya. Hanggang sa wakas ay nagtagpo ang mga labi nila. Pinilit ni Iker na makalimutan ni Trixie ang bumabagabag sa isip nito sa pamamagitan ng mga halik niya. Gusto niyang walang ibang iisipin ang kasintahan kapag ganitong magkasama sila. Pilit niyang ikinukulong ang dalaga sa mundong silang dalawa lang ang naroroon. Isang mundong silang dalawa ang bida, at walang kontrabida. Pinaglayo ni Iker ang mga hita ni Trixie sa pamamagitan ng paglalagay ng isang tuhod sa pagitan ng mga tuhod ng dalaga. Nang may sapat nang espayp sa pagitan ng dalawang hita ng dalaga, ang isang kamay ni Iker ay namasyal sa pagitan ng mga hita ng nobya. Agad na napaungol ang dalagang minamahal sa loob ng bibig ni Iker nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng daliri ni Iker sa pinakaiingatan niyang kayamanan. Tama lang ang timpla ng tubig na nanggagaling mula sa dutsa ng shower. Pero tinalo ng mga init ng mga katawan nila ang temperatura nun. Kung nung una ay ang lagaslas ng tubig mula sa shower lang ang maririnig, pagkalipas ng ilang minuto, mas nananaig na ang ingay ng mga katawan nilang nagbabanggaan, kasabay ng mga panaghoy nilang tila sila ay nasa ika-pitong langit na. Napakagat si Trixie sa ibabang labi niya habang nakatitig sa mga mata ni Iker na nasa repleksiyon ng salamin sa harapan nila. Nasa likod niya si Iker habang umuulos mula sa likuran niya. Sapul na sapul ng nobyo ang tila maselang parte sa loob ng kaangkinan niya kapag ganito ang posisyon nila sa pagtatalik. Konting-konti na lang at pakiramdam ni Trixie ay sasabog na siya. Kung alin-aling parte ng katawan na ni Iker ang hinahawakan niya para kumuha ng lakas. Hindi niya malaman kung hahawak ba siya sa kamay ni Iker, o sa braso nito, o sa pigi ng lalaki. “Iker…” Pakiramdam ni Trixie ay bibigay na ang kanyang mga tuhod. Pero ayaw din naman niyang huminto si Iker. Sarap na sarap pa siya sa ginagawa nila ni Iker kahit pa nangangalay na ang kanyang mga hita. Bumilis ang paggalaw ni Iker. Hindi inaasahan iyon ni Trixie, pero gusto na rin niyang maranasan uli ang makarating sa sukdulan. Napapikit si Trixie, kasabay ng pagkapit ng isang kamay niya sa gilid ng lababo, habang ang isang kamay naman niya ay mahigpit na hinawakan ni Iker habang magkasalikop ang mga daliri nila. “Iker..please…” tunog pakiusap na usal ni Trixie habang magkahinang ang mga mata nila sa harap ng salamin. Sukat doon ay mas lalo pang bumilis ang paggalaw ni Iker na tila may humahabol sa kanya, kasabay ng tila pagbibigay ng pangako kay Trixie. “I’m coming, babe… I’m coming…” Tila isang mabangis na hayop si Iker habang gumagalaw sa likuran ni Trixie at umuungol ng hindi maintindihang tunog. Mas lalo pang bumilis ang galaw ni Iker na halos hindi mapaniwalaan ni Trixie na kayang gawin ng binata. Naramdaman niya ang paghawak ng isang kamay ni Iker sa bewang niya. Pumisil iyon nang mahigpit sa balat niya doon at saka ubod lakas na umulos nang tatlong beses at saka huminto habang nakadiin pa rin sa katawan niya. Dinig na dinig ni Trixie ang malakas na paghingal ni Iker mula sa likuran niya. Ramdam din niya ang pagkabasa ng mga katawan nila ni Iker dahil sa pawis na ngayon ay inilalabas ng mga katawan nilang pagod. Tiningnan niya ang mukha ni Iker sa salamin. Nakapikit pa rin ito at tila ninanamnam pa ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nakadikit ang ilang hibla ng buhok niya sa noo niya dahil basa kasi ng pawis. Pero ganunpaman, napakaguwapo pa rin ang mukha ng nobyo. Minsan nga ay gusto niyang magduda kung talaga bang nobyo niya ang lalaking ito. Para kasing too good to be true na magustuhan siya at ligawan ng isang Iker Salvador. Nagulat pa si Trixie nang biglang dumilat si Iker at magtama ang mga mata nila. Biglang ngumiti ang binata. “Ikaw babe, ha…. guwapong-guwapo ka na naman sa akin…” panunukso ni Iker. “Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na may relasyon tayo. Totoo ba talaga ‘to?” tanong ni Trixie habang nakatingin sa binata sa salamin. Hindi inaasahan ang sumunod na ginawa ni Iker. Bahagya itong yumuko at saka kinagat ang balikat ni Trixie. “Iker!!” inis na saway ni Trixie sa lalaki, “masakit, ha…” “Naniniwala ka nang totoo ito? Na hindi ka nananaginip lang. Babe, four years na kitang girlfriend... ” ”Oo na. Sige na. Alisin mo na ‘yang alaga mo at magluluto na ako ng hapunan natin.” “Oops… alam kong gagawin mo ‘yan, babe. Kaya naman nag-take out na ako ng food natin bago ako nagpunta dito sa apartment mo,” ngiting tagumpay na anunsiyo ni Iker. “Ang sabihin mo, hindi mo lang type ang luto ko kaya ka bumili..” “Babe?” “Totoo naman…” “Hindi totoo ’yan. Nakikita mo naman… lahat ng niluluto mo, kinakain ko. In fact, kahit nga hilaw at hinugasan mo lang, kinakain ko. Hindi kaya ako maselan.“ Napakunot ang noo ni Tixie habang nakatingin sa mukha ni Iker sa salamin. Iniisip niya kung ano ba iyong sinasabi ng binata. Nang malokong tumawa si Iker ay literal na napaawang ang mga labi ni Trixie nang maisip niya kung ano ba iyong tinutukoy ni Iker. Nang tingnan niya ang binata ay pigil-pigil na nito ang pagtawa niya. “Ewaan!!” Pabiro siyang inirapan ni Trixie habang sinusupil ng dalaga ang ngiti sa mga labi niya. Para kasing bigla siyang nakiliti nang maglaro sa isip niya iyong biro ni Iker. Nang biglang tumunog ang ringing tone ng telepono ni Trixie. “Ker, si Mama ‘yun. Ringing tone niya sa phone ko ‘yun,” natatarantang sabi ni Trixie. Agad na hinugot ni Iker ang sarili niya mula sa dalaga. Agad namang tumakbo ang dalaga sa may shower at mabilis na nilinis ang ibabang bahagi ng katawan niya. “Dadalawin ka ba nila ngayon?” kalmadong tanong ni Iker pero halatang naging alerto bigla ang kilos niya. Habang tinaanong niya iyon kay Trixie ay naglakad siya sa isang bahagi ng CR at kumuha ng isang malinis na tuwalya at isang bathrobe, at saka naglakad papunta kay Trixie. “Hindi, galing na sila dito kahapon.” lnabot ni Iker kay Trixie ang kinuha niyang tuwalya. Mabilisang ipinunas ni Trixie ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Samantalang ang bathrobe na hawak ni Iker ay iniladlad niya at isinuot sa nagmamadaling si Trixie. Halos takbuhin ni Trixie ang paglabas mula sa loob ng CR. Parang bigla niyang nakaiimutan ang pagod at panlalambot mula sa pakikipagtalik kay Iker. Sumunod sa kanya si Iker pero hanggang sa may pintuan ng CR lang siya tumayo. “H-Hello, Ma?” [“Trixie, nasaan ka ba? Ang tagal mong sagutin ang telepono mo! Pinag-alala mo ako!”] Napatingin si Trixie kung saan nakatayo si Iker. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang batang pinapagalitan ng Mama niya at naghahanap siya ng kakampi. Bahagyang tumango si Iker sa kanya, balewala kung nakabuyangyang sa dalaga ang hubad na katawan niya. Tumalikod na uli si Trixie kay Iker. Nasa kabilang linya ang Mama niya at hindi siya makakapag-concentrate sa pakikipag-usap sa Mama niya kung ang nakikita niya ay ang nakakatakam na katawan ni Iker. “N-Naliligo kasi ako, ‘Ma.” [“Tamang-tama. Umuwi ka na ngayon din.”] “D-Diyan sa San Clemente, ’Ma?” may pagtataka na tanong ni Trixie. [“Ipapasundo na lang kita.’] “Ay, hindi na, ‘Ma.” Muling napatingin si Trixie kay Iker. Naisip niya na kung uuwi siya sa San Clemente ngayon, gusto niyang makasama muna ang nobyo, kahit ilang minuto lang. “Kaya ko na po.” Muling napasulyap si Trixie kay Iker. Pero sa pagkakataong ito, may iba siyang pakiramdam. ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
239.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
36.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
91.5K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
47.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook