Story By CJ1016
author-avatar

CJ1016

ABOUTquote
Born as a hopeless romantic. In love with LOVE. I believe that age is not a hindrance to writing love stories. I write what is in my heart, what is from my heart. ?My VIP stories? HUNK SERIES #1 In Love With A Witch #2 Haunted #3 Oo Nga Pala, Walang Tayo #4 You're Mine MINE SERIES #1 'Till I Met You #2 Jazerine's Proposal #3 WANTED: Perfect Husband for The Heiress NEXT GEN HUNK SERIES #1 One Night Stand #2 MISSION: Make Him Fall In Love #3 Five Reasons To Forget You #4 Labs Kita, Peks Man #5 Engaged With The Lady.Boss FORBIDDEN LOVE SERIES #1 Against The Rules #2 The Love We Shouldn't Keep (SOON) FREE for now (SLOW UPDATE) - Going Back to 1945 (Romance Historical) - The Secret Admirer (NEXT GEN Hunk Series #6) - Akin Ka Na Lang, Please (NEXT GEN Hunk Series #7) - 'Till Our Last Breath (COUGAR Series)
bc
Against The Rules
Updated at Mar 28, 2024, 20:14
Sa lahat ng ayaw na ayaw ni Brandon Hizon ay ang mga empleyado niyang sumusuway sa mga patakaran ng kumpanya. Mga taong gumagawa ng taliwas sa polisiya ng kumpanya. Pero pagkatapos niyang hindi sinasadyang makatalik ang OJT ng kumpanya niya na si Stellla Ale jandro nung gabi ng party ng Verizon Communications , hinanap-hanap at hindi na niya makalimutan ang trainee. Para mabakuran si Stella, sinamantala ni Brandon ang gipit na sitwasyon ng dalaga. Inalok niya ito na maging bedwarmer niya kapalit ng malaking halaga hanggang sa matapos ni Stella ang on-the-job training niya. Pikit-mata niya itong ginawa, kahit pa labag ito sa patakaran ng sarili niyang kumpanya. Wala lang dapat na makaalam ng lihim nila na ito ni Stella. Or else, ang lihim din na ito ang sisira sa kanya.
like
bc
The Love We Shouldn't Keep
Updated at Feb 10, 2024, 06:32
Magkababata sila Trixie Imperial at Dexter Salvacion. High School pa lang ay may nararamdaman na silang espesyal na pagtingin sa isa't isa. Pero dahil galing sila sa magkalabang mga pamilya, hindi nila magawang maging magkalapit man lang. Ang ama ni Trixie, bilang isang kilala at matapang na mamamahayag sa kanilang bayan ay ang numero unong tagapuna ng mga maling gawain ng ama ni Iker, na siya namang nanunungkulang gobernador sa parehong bayan. Kaya nung lumuwas sila Iker at Trixie sa Maynila para magkolehiyo, doon lang nila nabigyang laya ang mga tagong damdamin nila sa isat isa. Walang alam ang mga magulang nila na may lihim silang relasyon. Nakaya nilang itago ang relasyon nila hanggang sa unang taon nila sa pag-aabogasya. Pero naputol ang masaya nilang relasyon nang may trahedyang nangyari sa ama ni Trixie at napilitan siyang umuwi sa bayan nila. Mula noon, naputol na ang komunikasyon ni Trixie sa binata. Namalayan na lang niya isang araw na nasa bayan na rin nila si Iker para tumakbong gobernador, kapalit ng ama nito. Paano pa madudugtungan ang pag-iibigan nilang dalawa ni Iker kung nasa lugar silang dalawa kung saan bawal na bawal silang magmahalan?
like
bc
Engaged with the Lady Boss
Updated at Nov 3, 2023, 05:02
Akala ni Jett Madrigal ay wala siyang magiging problema sa lovelife niya, hindi katulad ng sa kakambal niyang si Josh. Pero dumating ang pagsubok sa relasyon nila ni Athena Velasquez, at kinailangan niyang makipaghiwalay dito. Ngayon, gusto na niyang makipagbalikan kay Athena. Pero paano ba niya palalambutin ang matigas na nitong puso? *** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.
like
bc
Jazerine's Proposal
Updated at Jul 16, 2023, 05:41
Si Gabriel 'Dos' Pierro na yata ang pinaka-hate na hate na lalaki ni Jazz Villafuerte. Wala itong ginawa nung college days nila kung hindi ang ipahiya siya at insultuhin siya. Ito na yata ang pinakamayabang, at walang modong lalaki na nakilala niya sa buonng buhay niya. Kaya hindi niya akalain na mai-inlove siya sa lalaki after ng break-up niya sa naunang fiance niya. Pero dumating sa punto na kailangan na niyang makipaghiwalay kay Dos, labag man sa kagustuhan niya. Pero nang makikipaghiwalay na siya kay Dos, bigla naman itong nag-propose sa kanya. Pero buo na sa loob niyang tanggihan ang binatang minamahal.
like
bc
Going Back to 1945 ( A Romance Historical Fiction)
Updated at Apr 10, 2023, 04:08
Roxanne Sta. Maria. Ordinaryong office girl at mabait na ate sa dalawa niyang kapatid na Alexa at Lucas. Sa totoo lang, hindi pa sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend sa ngayon. "Makakapaghintay ang love-love na yan!" Pangangatwiran niya. Pero paano kung isang araw, bigla na lang may lalapit sa kanyang lalaki at magpakilalang boyfriend niya? And worst, isang sundalong Amerikano noong panahon ng pananakop ng Hapon. Paniniwalaan ba niya ito?
like
bc
WANTED: Perfect Husband for the Heiress
Updated at Feb 22, 2023, 07:00
Atasha Ardiente. Ang nag-iisang tagapagmana ng angkan ng Ardiente. Kasama nito, kailangan niyang mamili sa tatlong lalaking galing sa buena pamilya, na inirereto ng ama at ng Lolo niya para maging asawa niya. Sino ba ang pipiliin niya? Si Keeno na bestfriend niya at palagay na ang loob niya? Si Levi na mentor niya at CEO ng Ardiente Group of Companies? O isang hindi niya kilalang lalaki, na si Karl James, isang internet sensation dahil sa pagkakabilang niya nang mabilis sa Young Millionaires' Club. O mas pipiliin niya si Redentor Ramos, na isang ordinaryong lalaki lang at walang yaman?
like
bc
The Secret Admirer
Updated at Aug 13, 2022, 17:55
Bukod sa galing sa isang mayamang pamilya, sikat na print & ramp model din si Zaekah Marie Samaniego. Hanggang sa may naging stalker siya na tagahanga, at wala siyang nagawa nang ikuha siya ng personal na bodyguard ng ama na si Chad Samaniego. Pero sa dinami- dami naman ng tao sa mundo, si Phoenix Villanueva pa ang napili ng ama. Si Phoenix na secret ultimate crush niya noong High School, pero parang hangin lang siya dito. Nakita niya ang pagkakataon na ito para mapa-ibig niya si Phoenix, kesehodang nanganganib ang buhay niya. Ang importante ay mapapalapit na siya sa lalaki. Pero paano ba niya titibagin ang parang yelo na puso nito? *** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.
like
bc
Labs Kita, Peks Man
Updated at Jul 29, 2022, 05:00
Buong buhay niya ay naniwala si Josh Cedric Madrigal na fetus pa lang si Hyacinth Blaire Zuniga ay engaged na ito sa kanya. Pero bakit tuwing lumalapit siya kay Hyacinth ay lalo naman itong napapalayo sa kanya. Sa halip na nagiging close sila lalo, tila naman umiilap pa ito sa kanya. Bata pa lang ay isinumpa na niya sa sariling si Hyacinth lang ang magiging nag-iisang girlfriend at magiging asawa niya. Pero paano niya gagawin iyon kung pakiramdam niya ay ang layo na ni Hyacinth? Wala na ba silang pag-asa ni Hyacinth? Puppy love lang ba ang meron sa kanila? Pero alam niyang hindi lang 'yun ang nararamdaman niya sa kababata. Kung kailangan niyang makipagkasundo sa Ninong Adam niya, na ama ni Hyacinth, gagawin niya. Maging kanya lang ang kababata. *** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.
like
bc
Akin Ka Na Lang, Please
Updated at May 21, 2022, 07:53
Girl best friend. Iyan ang turing ni Ace Miguel Zuniga kay Arianne Haresco. Taga-bugaw ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Substitute date sa mga company events ng pamilya niya. Pretend girlfriend din paminsan-minsan. Pero habang tumatagal, hindi na lang girl best friend ang nararamdaman ni Ace para kay Arriane. Kahit pilit niyang ipinaparamdam iyon kay Arianne, tila naman naglalagay ng pader ang dalaga para hindi niya ituloy ang balak niya. Pero paano kung malaman niya ang lihim na matagal nang itinatago ng dalaga sa kanya? Mamahalin pa rin kaya niya ito? *** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.
like
bc
In Love With A Witch
Updated at May 12, 2022, 00:49
Si Judd Madrigal, isang certified playboy, ayaw sa commitment. Tapos malalaman niya na ipinagkasundo siyang ipakasal ng Papa niya sa anak ng kalaban nilang mortal sa negosyo. Okay lang sana. Pikit-mata na lang siyang susunod. Pero of all woman, kay Clover Araullo pa talaga? Yung payatot, na malaki ang mata at laging may eye bags na kaklase niya nung High School? No way! *** Kuwento ng apat na magkaka-ibigan na sina Klarence Montenegro, Chad Samaniego, Judd Madrigal at Adam Zuniga. High School pa lang ay sikat na sila sa mga babae. Wala kang itulak-kabigin. Pulos guwapo at mayaman. Sundan ang mga kuwento ng kanilang mga pag-ibig dito sa HUNK SERIES..
like
bc
Five Reasons To Forget You
Updated at Apr 30, 2022, 05:00
Nang makilala ni Yoseph Montenegro si Xyrene Perez, alam niya sa sarili na si Xyrene na ang babaeng gusto niyang makasama sa buhay. Pero nakita niya ang totoong ugali ng dalaga kaya ang pagmamahal niya dito ay napalitan ng galit at pagkamuhi. Pagkatapos ng ilang taon, muli siyang umibig. Pero nakakapagtakang kahit halata namang mahal din siya nito, tila may pumipigil sa dalaga na mahalin siya nang buong-buo. *** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.
like
bc
MISSION: MAKE HIM FALL IN LOVE
Updated at Oct 3, 2021, 03:36
Ysabelle Camila Montenegro. Prinsesa ng mga Montenegro. Iyon ang tawag sa kanya. What Ysa wants, Ysa gets. At gagawin niya ang lahat ng pwedeng gawin para lang maibalik niya ang nawalang atensiyon sa kanya ng kababatang si Zyrus Samaniego. Whatever it takes. Kesehodang siya ang manligaw kay Zyrus. *** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.
like
bc
'TILL OUR LAST BREATH (COUGAR SERIES #58)
Updated at Sep 15, 2021, 05:43
Isang 35-years old na dalagang ina ang nagkagusto sa stepbrother niyang 10 taon ang tanda niya. Pero alam naman niyang malabo siyang mapansin ni Toffee. Bukod sa parang Ate lang ang tingin sa kaniya nito, marami pang kadalagahan ang nagkakandarapa dito. Pero paano kung malaman niya na may gusto rin pala si Toffee sa kanya? Sasabihin din ba ni Lukchie ang nararamdaman niya sa batang stepbrother niya? Paano naman ang sasabihin ng pamilya nila at ng mga tao sa paligid nila? WARNING!!! THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT AND EXPLICIT S*X SCENES. NOT SUITABLE FOR MINORS AND YOUNG READERS.
like
bc
YOU'RE MINE
Updated at Aug 29, 2021, 05:00
Chad Samaniego, pinakamaloko sa apat na magkakaibigan na Adam, Judd at Klarence. Happy-go-lucky, walang siniseryosong babae. F*ck and go - iyan ang motto niya. Bilang solong anak, may plano rin naman siyang mag-asawa balang araw. Alam niyang kailangang magkaroon ng tagapagmana ang negosyo ng mga Samaniego. Pero malamang isang marriage by convenience lamang iyon. Pero hindi niya akalaing yung minsang kalokohan niya sa ikakasal nang si Klarence ay sa kanya babalik. Karma is real dahil umibig siya sa isang babae. Idagdag pa sa problema ang Mama niya na mukhang nakapili na ng gusto nitong mapangasawa niya. "Mukhang it's time to be serious this time, Chad..." sabi niya sa sarili. Pero sino ang pipiliin niya - ang babaeng isang beses pa lang niyang nakilala at nagpanggap na ibang tao o ang kababata niyang si Reese, na manok ng Mama niya? *** Ang pang-apat at huling kuwento sa HUNK SERIES ng apat na magkaka-ibigan na sina Klarence Montenegro, Chad Samaniego, Judd Madrigal at Adam Zuniga. High School pa lang ay sikat na sila sa mga babae. Wala kang itulak-kabigin. Pulos guwapo at mayaman. Sundan ang mga kuwento ng kanilang mga pag-ibig dito sa HUNK SERIES.
like
bc
Oo Nga Pala, Walang Tayo
Updated at Jul 29, 2021, 05:00
Adam Zuniga. Sampung taon lang siya nang maghiwalay ang mga magulang niya. Tanging ang lola lang niya ang nagpalaki sa kanya. Habang nagkaka-isip, isinumpa niya sa sarili na hindi siya tutulad sa mga magulang niya, kaya bubuo siya ng "ideal family". Isang perpektong pamilya. Iyong may Nanay, may Tatay, at mga anak na hindi mararanasan ang magkaroon ng broken family. Niligawan niya ang kaklaseng si Gracie Suarez dahil tingin niya ay magiging isa itong "ideal wife". Beauty and brains. Trophy girlfriend, kumbaga. Sinagot naman siya nito hanggang sa matupad nito ang pangarap niyang maging beauty queen/ramp model. Pero bakit si Hannah Alcantara, na isang titibo-tibong babae, ang hinahanap-hanap niya at laging gustong kasama. Komportable siya dito at pakiramdam niya, mas nakikita niya ang sariling kasama si Hannah sa pagtanda niya. Kakalimutan na ba niya ang gusto niyang "ideal family", makasama lang niya si Hannah habambuhay? *** Ang pangatlong kuwento sa HUNK SERIES ng apat na magkaka-ibigan na sina Klarence Montenegro, Chad Samaniego, Judd Madrigal at Adam Zuniga. High School pa lang ay sikat na sila sa mga babae. Wala kang itulak-kabigin. Pulos guwapo at mayaman. Sundan ang mga kuwento ng kanilang mga pag-ibig dito sa HUNK SERIES.
like
bc
HAUNTED
Updated at Jun 29, 2021, 04:20
Klarence Montenegro, sole heir ng Montenegro's chain of gasoline stations, and AMCO Petroleum. Hardworking. Perfectionist pagdating sa trabaho. Cruel boss. Iyan ang bansag sa kanya ng mga empleyado ng AMCO. Ang motto in life niya ay - work, work, work. Walang panahon sa pag-ibig. Pero nagbago ang pananaw niya at ang buhay niya nang dahil sa isang car accident. Umibig siya kay Annika Sandoval, ang babaeng tumira sa bahay niya. Pero paano magkakaroon ng katuparan ang pag-ibig na iyon kung isa na lang siyang kaluluwa? May pag-asa pa kayang magkaroon ng kaganapan ang pag-ibig niya kay Annika? Aasa pa ba siya? O magiging alaala na lang siya kay Annika? *** Ang pangalawang kuwento sa HUNK SERIES ng apat na magkaka-ibigan na sina Klarence Montenegro, Chad Samaniego, Judd Madrigal at Adam Zuniga. High School pa lang ay sikat na sila sa mga babae. Wala kang itulak-kabigin. Pulos guwapo at mayaman. Sundan ang mga kuwento ng kanilang mga pag-ibig dito sa HUNK SERIES.
like
bc
'TILL I MET YOU (SPG R-18)
Updated at Mar 1, 2021, 03:16
Si Cloud Montecillo. Hindi kailanman naniwala sa commitment, kaya No Girlfriend Since Birth. Pero nang nakilala niya si Janina Miranda, nagbago bigla ang paniniwala niya. Ayaw man niyang gawin. Pero paulit-ulit niyang nasasaktan ang babaeng mahal niya si Janina. Ano nga bang alam sa pagmamahal ng isang taong simula't sapul ay kinontrol ang sarili niya na magmahal?
like
bc
One Night Stand
Updated at Feb 28, 2021, 02:06
Isang gabi ng pagkakamali. Tumakas si Cassandra Madrigal sa kanila para sumama sa mga kaibigan niya sa bar. Pero nagising na lang siya kinabukasan na may katabing isang estrangherong lalaki. *** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.
like