bc

Against The Rules

book_age18+
666
FOLLOW
7.7K
READ
HE
arrogant
drama
bxg
bold
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Sa lahat ng ayaw na ayaw ni Brandon Hizon ay ang mga empleyado niyang sumusuway sa mga patakaran ng kumpanya. Mga taong gumagawa ng taliwas sa polisiya ng kumpanya. Pero pagkatapos niyang hindi sinasadyang makatalik ang OJT ng kumpanya niya na si Stellla Ale jandro nung gabi ng party ng Verizon Communications , hinanap-hanap at hindi na niya makalimutan ang trainee. Para mabakuran si Stella, sinamantala ni Brandon ang gipit na sitwasyon ng dalaga. Inalok niya ito na maging bedwarmer niya kapalit ng malaking halaga hanggang sa matapos ni Stella ang on-the-job training niya. Pikit-mata niya itong ginawa, kahit pa labag ito sa patakaran ng sarili niyang kumpanya. Wala lang dapat na makaalam ng lihim nila na ito ni Stella. Or else, ang lihim din na ito ang sisira sa kanya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ahh!" Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa walang kasing sakit na naramdaman ko. Habang ang katalik ko naman ay tila natigilan dahil sa paghinto niya sa paggalaw. Matik na tiningnan niya ang mukha ko, kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko dahil nahihiya ako sa kanya. "You're a virgin." Hindi ko alam kung panunumbat ba iyon o pagkagulat ang pagkakasabi niya. "Please continue. Please…" pakiusap ko,pa. Nang hindi siya gumalawi ay ako na ang nagkusang gumalaw, pero muli kong naramdaman ang sakit. "Don't move. Be still. Masasaktan ka lang. Hayaan mong ako ang gumalaw." Hindi pa rin ako dumilat. Ayaw kong salubungin ang titig niya. Lumunok ako nang malaki, at saka tumango. Parang nararamdaman ko na nakatitig pa rin siya sa mukha ko, sa kabila ng mariin kong pagkakapikit. "I will move now," sabi ng baritono niyang boses, na sinagot ko ng sunod-sunod na tango. Halos pigilin ko ang paghinga ko. Ina-anticipate ko na ang sakit na mararamdaman ko kapag gumalaw uli siya. Mahigpit akong napakapit sa braso niya nang magsimula na siyang gumalaw. Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko. Baka mamaya kasi ay bigla na lang siyang umayaw kapag nagreklamo ako. Hanggang sa unti-unti ay nawawala na ang sakit, at ibang sarap na ang nararamdaman ko. Halos panawan ako ng ulirat nang bumilis na ang paggalaw niya. Paulit-ulit kong nasabi ang pangalan niya. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyon na nararamdaman ko ngayon. Tila nasa kakaibang dimensyon ako, at nakalutang sa limbo. Ang alam ko lang ay tila pataas ako nang pataas sa kawalan. Habol-habol ko na ang hininga ko. Hindi ko mapigilan ang mapahiyaw nang kung anong salita. HIndi ko maintindihan na parang gusto kong maiyak sa kakaibang sarap na nararamdaman ko. Hanggang sa tila may namuo sa puson ko. Ang alam ko lang ay kailangan kong mailabas iyon, kung hindi ay sasabog ako. “Aaaahhhhhh!” PINAGMASDAN ko ang lalaki sa tabi ko. Nakatagilid siya paharap sa akin, pero tulog na tulog siya. Dahil siguro sa kalasingan. Pagkatapos ng nangyari sa amin kanina, tahimik lang siyang humiga sa tabi ko. Mabilis siyang nakatulog. Samantalang ako ay hindi alam kung paano babangon dito sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa pagitan ng mga hita ko. Sa halip na bumangon, tila nama-magnet ako ng mukha niya, at saka ko matiim na pinagmasdan iyon. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang ganito kalapit. Laging mula sa malayo ko lang siya palihim na tinatanaw. Napakakinis ng mukha niya. Halatang galing sa magandang lahi. Halos wala kang makikitang visible na pores sa mukha niya. Ang mga pilikmata niya ay parang pilikmata ng babae. Ang hahaba at malalantik. Ang kilay niya ay makapal pero tila alaga sa pagme-maintain dahil sa halos perpektong hubog nito. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko, at saka ko dinala ito sa ibabaw ng isang kilay niya. Magaan na magaan at buong ingat kong hinaplos ng isang daliri ko ang hubog ng kilay niya. Bahagya siyang gumalaw at umungol kaya inihinto ko bigla ang ginagawa ko. Pero sobrang antok siya para magising. Nagkasya na lang ako sa pagtitig uli sa mukha niya. Sumunod na napansin ko ang ilong niya. Ang perpekto ng hugis nito. Matangos na manipis. Napunta ang mga mata ko sa mga labi niya. Hindi man nahalikan ng mga labing iyon ang mga labi ko kanina, masaya na ako na naglandas ang mga labing iyon sa balat ko kanina. Kakaibang init ang dulot sa akin ng bawat pagdampi ng mga labi niya sa balat ko. Ilang babae na kaya ang nahalikan ng mga labing ito? Ano kaya ang pakiramdam nang mahalikan niya? Paano kaya kung nakawan ko siya ng halik sa labi niya ngayon? Magigising kaya siya? Pero bago pa ako nakapagdesisyon, narinig ko na parang may nagba-vibrate sa tabi ko. Sandali akong nag-isip. May warning device ba sa kuwartong ito? Paulit-ulit ang maingay na tunog ng vibrate. Nag-aalala ako na baka magising ang katabi ko. Bigla kong naalala iyong cellphone ko. Lumipad ang tingin ko sa katabi kong kabinet. Nakita ko ang sling bag ko na nakapatong doon. Inabot ko ang bag at saka kinuha ang telepono ko sa loob. Mahirap na at baka magising pa itong katabi ko. Namilog ang mga mata ko nang nakita ko ang screen ng telepono ko. 20 missed calls 37 unread messages Binuksan ko ang pinakahuling mensahe. From: Leslie Girl, I hope okay ka lang. Hindi ako pwedeng forever maghintay sa ‘yo dito sa venue. May pamilya din akong naghihintay sa akin. Text me asap kapag may panahon ka nang mag- text. Lagot na. Ano ang idadahilan ko rito sa mga kasama kong trainee kung bakit ako nawala sa party? Bahala na. Sa Lunes ko na lang poproblemahin ang dahilan ko. Tutal naman, Linggo bukas. May buong maghapon pa naman ako bukas para makapag-isip ng risonableng idadahilan ko sa kanila sa Lunes. Pero sa nangyari ngayon, may mukha pa ba akong ihaharap sa Lunes? Bahala na! Kakapalan ko na lang ang mukha ko. Kailangan kong matapos ang training ko. At eto lang kumpanyang ito ang magandang magpasahod ng mga on-the-job trainees. Ang kailangan kong gawin ngayon ay umalis na dito sa kuwartong ito. Baka mamaya, may dumating pa at mahuli akong nandirito. Lalo pang lumaki ang problema ko. Una kong iginalaw ang hita at binti ko para maingat na makababa ng kama. Halos mapasigaw ako nang naramdaman ko ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Sh*t! Hindi ko akalain na ibibigay ko ang sarii ko sa lalaking ito! Hindi kasama ito sa pagpasok ko dito sa kumpanyang ito. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng sahod habang nagtatrabaho bilang OJT sa kumpanyang ito. Ito na lang kasi ang kulang kong requirement para maka-graduate na ako. Bukod sa matapos ang OJT ko, ang gusto ko lang naman ay matanaw lagi ang guwapong CEO. Makita ko lang siya sa araw-araw ay masaya na ako. Iyon lang. Pero paano’ng nasama pati ang V ko? What the fork? Paano kung mabuntis ako ng lokong ‘to? Paano na ang mga kapatid ko na umaasa sa akin? Kung kaming tatlo nga lang, hirap na hirap ako kung paano pakakainin ang dalawang kapatid ko, tapos magkakaanak pa ako? Gumalaw ang lalaking katabi ko. Mula sa pagkakatagilid ay dumapa siya sa kama paharap sa kabilang panig ng kama. Palihim akong nagpasalamat. At least, mas madali kong magagawa ang pagtakas ko. Inot-inot akong bumaba ng kama, Dinampot ko ang bag ko, at saka nagpunta sa banyo nitong hotel room na ito. Kung marami lang akong oras, gusto ko pa sanang maglagi at magtingin-tingin sa disenyo ng banyo. Pero oras ang kalaban ko. Ayokong may makakita sa akin dito, o magising ang lalaking nakatalik ko. Mabilis na akong nagbihis, sa kabila ng pagsakit ng mga hita ko at ang nasa pagitan nito. Gusto ko sanang umihi, pero pinigilan ko na lang. Sa lobby na lang nitong hotel ako iihi. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Sinigurado kong maayos akong lalabas ng kuwartong ito. Nang matiyak ko na mukhang okay naman na ako, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip ang dako ng kama. Nakapaharap na ang mukha niya sa gawi ko, pero ganun pa rin ang posisyon niya, nakadapa. Mukhang himbing na himbing pa rin naman siya sa pagtulog niya. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang guwapo niyang mukha at baka ito na ang huling pagkakataon ko na makita at matitigan ang mukhang iyon. Napabuntonghininga na lang ako, bago maingat na akong lumabas ng banyo. Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko uli ang guwapong CEO. Buti na lang at carpeted ang sahig nitong kuwarto kaya nakalabas ako ng pintuan nang hindi tumutunog ang high heels kong sapatos. Pasimple akong sumilip sa labas ng pintuan para tingnan kung may tao ba sa labas. Alanganing oras na, kaya siguro tahimik na sa labas. Maingat akong lumabas. Nang makalabas ako ng pinto ay umakto ako nang normal. Alam kong may mga CCTV camera dito sa hallway. Ayokong paghinalaan ako nang dahil sa kilos ko. May poise na naglakad ako sa hallway patungo sa direksiyon ng elevator, kahit ang totoo ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang makapasok ako ng elevator saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pero hangga’t hindi ako nakakalabas ng building na ‘to, hindi ako sigurado na nakatakas na ako nang tuluyan. Ding! Nagmamadali akong lumabas ng elevator. Halos hindi na ako humihinga kaninang nasa loob ako nun. Panay-panay ang dasal ko na sana ay makalabas ako ng building na ito nang matiwasay. Iyong balak ko na umihi muna ako sa lobby ay hindi ko na itinuloy. PInigil ko na lang ang pag-ihi at hiniling ko na lang na sana ay makasakay ako agad ng taxi paglabas ko para sa bahay na lang namin iraos ang tawag ng kalikasan na ito. “Ingat, Mam!” nakangiting bati pa sa akin nung guard na naka-duty sa main entrance. Nginitian ko rin siya, pero hindi ko alam kung genuine na ngiti ba talaga ang nakapaskil sa mukha ko, kasi parang nag-alanganin ang tingfin niya bigla sa akin. Hayaan mo na nga siya! Tutal naman ay huli na niyang pagkakita ito sa akin at hindi na magtatagpo uli ang mga landas naming dalawa. Tamang-tama naman na may humintong taxi paglabas ko. Agad akong sumakay sa likod ng taxi pagkababa ng sakay niya. “Kuya, sa San Joaquin lang.” “Naku, mag-abang ka na lang ng ibang taxi. Gagarahe na ako,” sagot ng driver sa akin. Biglang nag-panic ang sistema ko. Hindi pwede! Paano kung magising na iyong tinatakasan ko? Baka mamaya itawag pa niya ako dito sa lobby at ipa-hold ako. “Naku, Kuya… ihatid mo na ako. Kanina pa ako tinatawagan ng mga kapatid ko. Nagugutom na raw sila… kawawa naman sila. Wala pa silang pagkain. Ako naman, wala akong choice kung hindi ang maghanap ng sideline para may maipakain ako sa mga kapatid ko.” Nagkunwari pa akong naiiyak na para makatotohanan. “Bakit ikaw ang nagtatrabaho sa inyo? Nasaan ba ang mga magulang mo?” “Ulila na po kami.” Bigla namang lumungkot ang mukha ng driver. Huminga ito nang malalim at sala umiling. “Oh sige na nga. Kung hindi lang ako naawa sa ‘yo. Tsk!” Yes! Wagi! Umabante na ang taxi, kaya kampante na akong naupo. Nang napansin ko ang guard sa lobby na parang hinahabol ang taxi na sinasakyan ko. Iyong taxi ba ang hinahabol niya talaga? O ako? ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook