bc

Oo Nga Pala, Walang Tayo

book_age16+
23.7K
FOLLOW
121.2K
READ
love-triangle
friends to lovers
sweet
bxg
humorous
lighthearted
small town
childhood crush
mpreg
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Adam Zuniga. Sampung taon lang siya nang maghiwalay ang mga magulang niya. Tanging ang lola lang niya ang nagpalaki sa kanya. Habang nagkaka-isip, isinumpa niya sa sarili na hindi siya tutulad sa mga magulang niya, kaya bubuo siya ng "ideal family". Isang perpektong pamilya. Iyong may Nanay, may Tatay, at mga anak na hindi mararanasan ang magkaroon ng broken family. Niligawan niya ang kaklaseng si Gracie Suarez dahil tingin niya ay magiging isa itong "ideal wife". Beauty and brains. Trophy girlfriend, kumbaga. Sinagot naman siya nito hanggang sa matupad nito ang pangarap niyang maging beauty queen/ramp model.

Pero bakit si Hannah Alcantara, na isang titibo-tibong babae, ang hinahanap-hanap niya at laging gustong kasama. Komportable siya dito at pakiramdam niya, mas nakikita niya ang sariling kasama si Hannah sa pagtanda niya. Kakalimutan na ba niya ang gusto niyang "ideal family", makasama lang niya si Hannah habambuhay?

*** Ang pangatlong kuwento sa HUNK SERIES ng apat na magkaka-ibigan na sina Klarence Montenegro, Chad Samaniego, Judd Madrigal at Adam Zuniga. High School pa lang ay sikat na sila sa mga babae. Wala kang itulak-kabigin. Pulos guwapo at mayaman. Sundan ang mga kuwento ng kanilang mga pag-ibig dito sa HUNK SERIES.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
        "Hannah!!!"         Napalingon ako bigla. Napatigil sa ere ang kamay at braso ko sa aktong paghahagis ng ‘teks’.         Naku! Lagot na naman ako!         "Hannah!! Naglalaro ka na naman ng ‘teks’ na yan! L*ntik na! Ipapalamon ko sa iyo ang mga yan!" halos bumula na ang bibig ni Nanay sa galit habang papunta sa akin at may hawak na walis tambo.         "Nay!" saka ko itinago sa likuran ko yung mga ‘teks’ na hawak ko.         Nagkataon naman na napalingon ako sa gawing likuran ko para sana humanap ng mapagtataguan. Nakita kong padating sila Tatay saka ang apat na kuya ko. Nakapang-basketball uniform ang mga ito. Galing siguro sila sa pa-liga sa kabilang barangay. Agad akong tumakbo papunta sa kanila.         "Tay! Si Nanay hahatawin na naman ako..." sabay tago ko sa likuran nito.         "Ernesto, ilabas mo yang anak mo dyan!" sabi ni Nanay na nakatayo na sa harap ni Tatay.         "Ano na naman bang kasalanan ng anak mo, Heidi at hahatawin mo ng tambo? Magkakalatay yung magandang legs nito," ang sabi ni Tatay.         "Kaya nawiwili yang batang yan eh, lagi mong pinagtatanggol." nakapameywang na sagot ni Nanay.         "Tinatanong ko lang anong kasalanan, pinagtatanggol na agad?" sagot sa kanya ni Tatay.         "Pano po yang batang yan, holen at ‘teks’ na naman ang nilalaro. Tomboy ka ba talaga? Ha? Hannah?" galit pa ding tanong sa akin ni Nanay habang sinisilip ako sa likod ni Tatay.         Nilapitan ni Tatay si Nanay at saka inakbayan. Pasimple niyang kinuha ang tambo kay Nanay at saka iginiya na palakad palayo sa amin nila Kuya.         "Bata pa yan, mahal... magbabago pa yan..."         "Ayan, sige! Kunsintihin mo!"         "Hindi ko naman kinukunsti. Si Mahal naman…. Ang mabuti pa magbihis ka at ide-date kita. Kulang ka lang sa date, eh."         Bago sila makalayo ay lumingon sa akin si Tatay at saka kinindatan ako.         "Nakaligtas ka na naman sa palo ni Nanay, Botchok!" sabi ni Kuya Erold ang pinakamatanda sa amin.         "Kaya nagiging ganyan si Hannah eh. Botchok kasi ang tawag nio sa kanya,” si Kuya Elliot ang sinundan ko.         "Bagay naman kasi ang Botchok sa kanya. Cute. Kasing cute niya. Hahaha!" sabat naman ni Kuya Ethan, ang pangalawa sa pinakamatanda.         "Tara na nga, Botchok. Uwi na tayo. Malamig na ang ulo ni Nanay niyan. Idi-date na ni Tatay, eh!" sabay hila sa akin ni Kuya Enzo.         Iyan ang apat na kuya ko. Si Erold Harvey, Ethan Henry, Enzo Harold at Elliot Hugo. Pangalan kasi ng Tatay ko ay Ernesto at si Nanay ay Heidi. Kaya ang mga pangalan nila ay puro E.H. ang umpisa. At dahil sa babae ako ay H.E naman ang initials ng pangalan ko.         Pero maski ako sa sarili ko, tinanong ko na din yan. Babae nga ba ako?         Mas hilig ko ang paglalaro ng larong panglalake. Holen, teks, tirador, tumbang preso at skateboard. Wala kasing appeal sa kin ang mga Barbie dolls, Chinese garter at iba pa.         Lagi din kaming  nag-aaway ni Nanay sa buhok ko. Ang gusto niya ay mahaba ito samantalang ang gusto ko naman ay maigsi lang ito para hindi na sinusuklay.         Alam kong nai-stress na sa akin si Nanay. Kahit anong gawin niya na ayusan ako ng pambabae eh bumabalik pa din ako sa ayos na panlalaki na t-shirt, shorts at rubber shoes.           KAHIT nang nag-High School na ako ay hindi nabago ang senaryo sa aming dalawa ni Nanay.         "Hannah!"         Andito ako sa terrace at naggigitara. Napatigil ako at saka lumingon sa loob ng bahay. Ano na naman kaya ang problema ni Nanay?         "Anong balak mong gawin sa mga bestida na ito ha, Hannah Erin? Bubulukin sa aparador?" bungad nito sa pintuan habang hawak ang mga bestidang hindi ko man lang naisuot kahit isang beses.         Napakamot ako sa ulo ko. "Sino ba kasing nagsabing bumili ka ng ganyan Nay?" nakasimangot kong tanong sa kanya.         "Aba! High School ka na Hannah. Kailan ka pa matututong magsuot ng mga bestida? Ano? Puro pantalon at t-shirt na maluluwag na lang ang lagi mong isusuot?"         "Nay naman...dito ako komportable eh..” katwiran ko.         "Matanong nga uli kita Hannah - tibo ka ba?" nandidilat ang mga matang tanong sa kin ni Nanay.         "Si Nanay ang kulit..." saka ko uli itinuloy ang paggigitara.         "Ako pa ang makulit? Ni hindi mo nga sinagot kahit kailan ang tanong ko!"         High school na ako pero wala pa ring pagbabago sa amin ni Nanay. Iyon pa rin ang tanong niya sa akin hanggang ngayon at iyon pa rin naman ang sagot ko sa kanya.         "Magandang umaga po, Aling Heidi..."         Napalingon kami ni Nanay sa gate. Andun nakatayo ang mga barkada kong sila Amy, Becca at Mitch. Magkakasundo kami kasi pare-pareho kami ng style sa pananamit at mga trip sa biuhay.         Mabilis akong tumayo at saka isinukbit ang gitara ko. "Punta muna ako sa school, Nay. May tatapusin lang kaming project."         "Ayan! Dyan ka magaling... ang takasan ako lagi..." sabi sa akin ni Nanay.         Mabilis kong hinalikan si Nanay sa pisngi at saka tumakbo na papunta sa gate namin.         "Uwi din po ako agad!" nakangiti kong sabi nung malapit na ako sa gate.         Nang makalabas ako ng gate ay nagmadali na kaming umalis ng barkada ko.         "Tiyempo ah. Sinesermunan ka ng Nanay mo..." nang aasar na sabi ni Amy nang makalayo kami ng konti sa bahay namin.         "Tsk. Ang kulit nga eh..." sagot ko.         "Bakit? Tinatanong ka na naman kung tibo ka?" tanong ni Mitch.         "Ano pa nga ba?" walang sigla kong sagot.         "Eh ano nga ba?" singit ni Becca.         "Ewan. Hindi ko alam." maigsi kong sagot.         Malakas akong pinalo ni Becca sa balikat ko.         "Magpakatotoo ka kasi, tol!" sabi nito.         "Tsk! E sa hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko mas komportable ako sa ganitong suot. Sa ganitong porma. Kailangan pa bang i-esplika?" inis kong sagot.         "Oy, tigilan nio na yang si tol. Baka pag napikon yan ihataw sa inyo yang dala niyang gitara." dugtong ni Amy.         "Saan ba natin kikitain yung pinsan mo, Mitch?" pag-iiba ko sa usapan.         "Sa school. Mamaya pa kasi tapos ng practice nila ng soccer. Iaabot ko lang yung allowance niya na padala ng Mama niya." sagot ni Mitch.         "Ewan ko ba dyan sa pinsan mo. Nasa U.S. naman na yung Mama niya, kung bakit nagtitiyaga siya dito sa Pinas."         "Hindi ko din alam dun sa taong yun..."         Ilang minuto pa kaming tumambay sa ice cream parlor sa harap ng eskwelahan namin. Iisang eskwelahan lang naman kaming pinapasukan ni Chad, pero mahigpit kasi ang principal namin. Ayaw niyang bumabalik at tumatambay sa loob ng eskwelahan ang mga estudyante na wala namang gagawin na school-related. Ganun yata talaga kapag private school.         Masuwerte na din ako na kahit karaniwang empleyado lang si Tatay ay napag-aral niya kaming magkakapatid sa private na mga eskwelahan. Kaya naman hindi kami nagpapabayang magkakapatid sa aming pag-aaral bilang sukli sa sakripisyo ni Tatay.         Madami na din kaming napagkwentuhan bago dumating si Chad, ang pinsan ni Mitch.         "Mitch!"         Sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw. Ilang dipa mula sa kinatatayuan namin ay ang nakangiting pinsan ni Mitch na si Chad.         This time, hindi ito nag-iisa. May kasama itong lalaki na kasing edad niya. Guwapo si Chad pero sanay na ako sa kaguwapuhan nito. Pero iba yung kaguwapuhan ng kasama niya...         "Hi mga tol!" bati ni Chad nang makalapit sila sa amin nung kasama niya.         Lalo ko itong natitigan sa malapitan.         May pagkakulot ang buhok nito na tila kulay dark brown. Tamang kapal ng kilay. Malalim ang mata at malalantik ang pilikmata. Matangos ang ilong ito. At medyo pinkish ang labi nito. Nakakahawa ang ngiti nito.         Dito sa St. Claire din ba siya nag-aaral? Parang ngayon ko lang siya nakita.         Hindi kasi ako pala-kaibigan sa school. Sila Mitch, Becca at Amy lang ang mga kaibigan at lagi kong kasama. Wala din akong interes sa ibang mag-aaral sa school. At isa pa, ibang section kasi si Chad. Nasa upper section ito at iyung iba pang mga ‘rich and famous’ sa school. Malamang classmate niya itong lalaking ito sa section nila.         Tila ako nasa isang trance ngayon at itong lalaki na ito lang ang nakikita ko sa paligid. Nahimasmasan lang ako nang tapikin ako ni Chad sa balikat.         "Hannah, una na kami ni Adam ha..." sabay kaway nito.         Adam? Adam ang pangalan niya? Bagay na bagay sa kanya.         "Tara na. Saan tayo sunod na tatambay?" tanong ni Becca.         "Umm...uuwi na pala ako. Naalala ko may inuutos nga pala si Nanay sa akin. Sige. Bye!" at saka ako nagmamadaling tumakbo palayo sa kanila.         Iniwan ko silang nagtataka sa biglaang pag alis ko.     ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook