bc

MISSION: MAKE HIM FALL IN LOVE

book_age16+
5.9K
FOLLOW
32.4K
READ
friends to lovers
bxg
humorous
bold
campus
highschool
childhood crush
first love
rejected
school
like
intro-logo
Blurb

Ysabelle Camila Montenegro. Prinsesa ng mga Montenegro. Iyon ang tawag sa kanya. What Ysa wants, Ysa gets. At gagawin niya ang lahat ng pwedeng gawin para lang maibalik niya ang nawalang atensiyon sa kanya ng kababatang si Zyrus Samaniego. Whatever it takes. Kesehodang siya ang manligaw kay Zyrus.

*** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
        “Ganda, pikit muna,” malambing na utos ng baklang nagme-make-up sa akin.         Masunurin akong pumikit para lagyan niya ng eye-shadow make-up ang mata ko. Tamang-tama naman, gusto ko rin kasing pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa ako nate-tense.         Ganito pala ang feeling ng debutante. Hindi ka mapakali. Hindi mo maintindihan kung nate-tense ka ba o kinakabahan o nae-excite o ewan. Ang sabihin mo, nagbabakasakali ka kasing darating si Zyrus ngayon para mag-escort sa iyo kaya ganyan ang pakiramdam mo….         Pasimple akong huminga ng malalim. Kanina ko pa kasi talaga idinadalangin na sana binibiro lang ako ni Zyrus na hindi siya a-attend sa debut ko.          Pero knowing Zyrus, laging seryoso iyung kababata kong iyon. Hindi marunong magbiro.         Eh di sige. Prank na lang! Pina-prank lang niya ako…         Seriously, Ysabelle???         Hindi ko tuloy sadya na malakas akong napabuntong-hininga.           “Ay, ganda! Anong hanash mo? Debut mo to, girl! Bakit parang may pagi-emo?”         Napadilat tuloy ako bigla. Ganun ba kalakas ang pagbuntong-hiniga ko?         “Wa-Wala…. nate-tense lang ako,” sagot ko sa kanya, habang pilit kong ginawang normal ang timbre ng boses ko.         “Ang suwerte-suwerte mo nga, girl! Ang bongga-bongga ng debut mo! Sabagay, ikaw ba naman ang nag-iisang anak na babae ng may-ari ng mga gasolinahan dito sa Pinas! Saan ka pa??!” tila naghihisterikal na sabi ng bakla.         Yeah, I know. Hindi ko naman ikinakaila yun. Isa pa, ako ang nag-request nito sa mga magulang ko. This is my dream celebration of my debut – fairytale-like, enchanting. Gusto ko kasing maranasan na maging Disney princess. Like Bhelle, Aurora, Cinderella, Ariel, at iba pang Disney princess. Bata pa lang ako ay engrossed na ako sa mga Disney princess. Para bang napaka-susuwerte nilang mga nilalang. They always end up with their Prince Charmings. And lived happily ever after.         Naalala ko tuloy bigla yung convo namin ni Zyrus last week.   “Ano iyung sinasabi ni Tita Pepper na you will go to Davao with Tito Chad on Monday?” sita ko sa kanya. “Oo,” kalmadong sagot ni Zyrus.                        What the…. Ganun lang kasimple ang isasagot niya sa akin? Samantalang kahapon pa ako nanggagalaiti sa inis?? “What?! Why??” inis ko pa ding sagot. “Anong why? Sasama nga ako kay Tatay. Period,” kalmado pa ding sabi nito.     Okay, Ysa. Breathe in… breathe out… keep your composure… “Kailan ang balik nio?” “Friday,” walang gatol na sagot ni Zyrus.                   “ANO?????!!!!!” Sabay kaming napalingon ni Zyrus sa gitna ng court. Bigla kasing natahimik ang paligid. Iyong ingay ng nagdri-dribol na bola ay nawala. Iyong mga sigaw ng ilang player at ng coach nila ay huminto. At iyong mga estudyanteng nanonood sa sideline ay natahimik. At silang lahat ngayon ay sa amin na ni Zyrus nakatingin. Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Zyrus palabas ng gym. Si Bettina naman ay nakasunod sa amin pero nagbigay siya ng distansiya para makapag-usap kami ni Zyrus privately. “Ano ba ‘to ha, Ysa?” inis na tanong ni Zyrus. “Ikaw ang ano ba ‘to. Aalis ka, tapos babalik ka Friday na? And my debut is on Thursday?” maang na sagot ko sa kanya. Itinaas ni Zyrus ang dalawang kamay niya, at saka inihawak ito sa magkabilang beywang niya. Hindi ko naiwasang sundan ng tingin ang ginawa niya. Bakit ganun? Parang lalaking-lalaki na kung kumilos si Zyrus? “Ah, yeah! Debut mo na nga pala,” tatango-tangong sabi nito, at saka nagyuko ng ulo. Nahalata ba niya iyung pagmamasid ko sa katawan niya? “Well, happy birthday in advance,” sabi nito, at saka nag-angat ng tingin sa akin. “WHAT??? You can't do this to me!” Bumalik ang inis ko sa sinabi niya, at sa nakapaka-kalmado niyang itsura. “Hey! Bakit ka nagagalit sa akin?” tanong ni Zyrus, na para bang wala siyang kaalam-alam sa ipinagkakaganito ko.     “Bakit? You promised me na ikaw ang magiging escort ko pag nag-debut na ako!” “Oh, that?” tipid itong ngumiti.  “Serious ba ‘yun? Mga bata pa kaya tayo nun. In fact, ngayon ko lang uli naalala nung sinabi mo. Anyway, may Lander ka naman na. So may official escort ka na sa debut mo.”         Pumikit muna ako para bawasan kahit papaano ang inis ko kay Zyrus. Pagkatapos ay muli ko siyang tinignan. “Hindi pwede. Lander will be my last dance sa Eighteen Roses,” sabi ko. “So??? Bawal ba maging escort ang last dance? Wala naman yatang ganung rule. Or si Yoseph na lang ang escort mo para maiba sa last dance mo. Matangkad naman si Yoseph.”                 Pinaningkitan ko ng mga mata si Zyrus. “Sinadya mo bang sumama sa Davao para hindi maka-attend ng debut ko? Iyun kasi ang nakikita ko,” sita ko sa kanya. “No. Of course not. Coincidence lang na natapat sa araw ng birthday mo. And besides, I must study our business at this early stage kasi makakatulong ito sa thesis ko. Bawi na lang ako sa next birthday mo.”                            Gusto kong maiyak sa sinabi ni Zyrus. “But it's not my debut anymore!” malakas na sagot ko sa kanya. “Sorry.” At tumulo na nga ang pinipigilan kong iyak sa sagot niya. Ganun lang? Iyun lang ang sasabihin niya? Sorry? Marahas na pinunasan ko ang basa kong pisngi at saka nag-martsa palayo doon. “Bettina, tara na!” tawag ko. “I'll buy you a gift na lang.  What do you like? Name it,” pahabol ni Zyrus.                        Bahagya akong nagitla nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko rito sa hotel. Napansin kong napahinto din sa pagre-retouch sa blush-on ko yung make-up artist at saka sabay kaming napatingin sa direksiyon ng pintuan.          “Miss Ysa, ready ka na ba? Pinapunta ako rito ng Ninang mo. She said the program will start in ten minutes,” nakangiting anunsiyo ng Senior staff ni Ninang Beron.          Tipid akong ngumiti dito. “Okay.” Kung pwede nga lang i-cancel na lang itong debut ko na ito. Tutal wala rin naman si Zyrus….  ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook