YSABELLE CAMILA MONTENEGRO

1106 Words
From: Zyrus MERRY CHRISTMAS, YSA!  12:34 AM 12/25/2004    From: Zyrus KAILAN KAYO BABALIK NG MANILA? 12:40 AM 12/25/2004              To: Zyrus Hi, Zyrus! This is Tita Annika. I’ll just tell Ysa na you texted her. Tulog na kasi siya eh. Tulog ka na rin. Say hi for me to Nanay and Tatay. 12:50 AM 12/25/2004                    “Ysa! Bakit ba ayaw mong sagutin ang mga text ni Zyrus? Ang dami na niyang mga text sa iyo kahapon pa,” sermon sa akin ni Mommy.         Napasimangot ako. “Eh, kasi…. nakukulitan ako kay Zyrus!” inis kong sagot.         Umikot naman ang mga eyeballs ni Mommy.          “Mabuti nga at pinagtitiyagaan ni Zyrus ang kaartehan mo,” sagot naman nito na ikabilog ng mga mata ko.         “Mommy?!!!” reklamo ko.         “Oh, bakit? Totoo naman.” Hindi ko alam kung iniinis lang ako ni Mommy, o seryoso ito sa sinabi niya kaya lalo kong pinahaba ang nguso ko.         “Next time, sumagot ka lang ng ‘Merry Christmas, din!’ or ‘Hi!’.  Mauubos ba ang maghapon mo sa ita-type mong iyon? Mamaya niyan, malaman pa ng Ninong Chad mo na ini-snub mo iyung anak niya magtampo pa sila sa atin ng Ninang Pepper mo,” litanya ni Mommy, kaya hindi ko napigilang hindi mapabuga ng hangin.         “Kung wala kang balak sumagot sa mga text ni Zyrus, mabuti pa matulog ka na,” narinig kong sabi ni Mommy habang inaayos iyung mga stuff toys na nasa kama ko.         Hindi na ako sumagot sa kanya, at tahimik na lang na pinagmasdan ang ginagawa niyang pagliligpit. Nang mailagay na niya sa gilid ng kama ko iyung mga stuff toys ay naglakad na ito papunta sa pintuan. Pero bago ito makalabas ay muli itong lumingon sa akin.         “Matulog ka na, Ysabelle!” matigas na sabi nito sa akin, at saka pinindot na ang switch ng ilaw malapit sa pintuan.         Wala na akong nagawa kung hindi mahiga na. Buti na lang at nanahimik na ang cellphone ko. Nagsawa na rin siguro si Zyrus sa kaka-text sa akin nang walang napapalang sagot mula sa akin.          Magkaibigang matalik si Daddy at Ninong Chad, same with Tito Judd and Tito Adam. Apat silang magkakaibigan mula grade school hanggang sa magsipag-asawa na. Kaya pati kaming mga anak nila ay tila obigadong maging close sa isa’t isa.         Since kaming dalawa pa lang naman ni Zyrus ang mga anak, dahil si Daddy at Ninong Chad pa lang ang nag-asawa na sa apat, daig pa yata namin ni Zyrus ang mag-asawa dahil lagi kaming magkasama.          We were on the same school. So, from Monday to Friday, we go to school either in our car or in their car. Kapag Sabado, may weekend get-together ang barkada nila Daddy, siyempre kami na mayroon nang family, and Tito Adam, except from Tito Judd, who is based in Canada. Pero kapag umuuwi naman dito sa Pilipinas si Tito Judd ay hindi pwedeng hindi ito pupunta sa get-together.           So, technically, Sunday lang ang araw na hindi kami nagkakasama o nagkikita ni Zyrus. Actually, minsan pa nga eh may exemption. Or napaka-coincidence na magkakasabay pa kami ng oras ng pagpunta ng families namin sa church since we live in the same town.         I found Zyrus cute when Mommy and I first met him at AMCO, my Daddy’s office. I think we were only four years old then, at wala akong idea na anak si Zyrus ni Ninong Chad. Pero si Mommy, meron agad siyang nakita kay Zyrus para i-associate niya iyung batang Zyrus na kasama ng Nanay niya, na si Ninang Pepper, na nagtitinda ng ulam that time sa mga employees namin sa AMCO.  Sabi niya, nakita niya agad dito si Ninong Chad. That’s why she intentionally made NInong Chad, Ninang Pepper and Zyrus meet during my fourth birthday.         And Mommy’s intuition was right! Anak nga ni Ninong Chad si Zyrus kay Ninang Pepper. I do not know if that behavior of my Mommy is associated with her being a writer. No, not a mystery writer. But a romance writer. Parang hindi naman relate noh?           Kung paanong nangyari na anak ni Ninong Chad si Zyrus, dahil hindi naman sila mag-asawa that time ni Ninang Pepper, ay hindi ko alam. Well, I have no intention to know. Ang importante sa akin noon ay may makakalaro na ako, and just left the adult stuffs to them.         Anyway, now at my age, which is ten, I strongly agree with Mommy. Zyrus possesses the same charm of his father, Ninong Chad. At first, I love the attention being given to me by Zyrus. Mula noong four years old kami, hanggang sa maging eight na kami, lagi siyang naka-alalay sa akin. Kahit sa school, sa akin lang ang atensiyon niya.         Sa murang edad, nasanay na akong si Zyrus ang laging nagdadala ng bag ko papasok at pauwi galling sa school. He always prepares and clears our snack every recess. He wipes my school chair every Gala Day since my uniform is in all white. Para daw siguradong hindi madumihan ang damit ko. Kahit pa ang kapalit nun ay gawin siyang katatawanan ng mga classmates namin. Imagine that? Who would think that an eight-year-old boy would do all of that?          Sino bang mag-aakalang ang isang walong taong gulang na Zyrus Samaniego ay magagawang iparamdam sa akin na pwede akong maging prinsesa katulad ng mga Disney Princesses na paborito ko.         But when we turned nine, I have no idea why I suddenly felt suffocated with the way he was treating me since time immemorial. Parang biglang ayaw ko na sa ibinibigay niyang atensiyon sa akin. Naapektuhan na ba ako ng panunukso ng mga classmates namin kaya I intend to ignore Zyrus instead? This time, I want him to avoid me for the meantime.         Pero kung gaano ko ka-gustong iwasan si Zyrus, ay ganoon din ito kakullit na mag-text at magparamdam sa akin. Can’t he read between the lines? Hindi ko na nga sinasagot ang mga text at tawag niya, sa isiping maiisip niyang ayaw ko siyang kausapin. I do not know if he was just so persistent. O may pagka-manhid lang talaga siya?         Buti na lang din at nandito kami ngayon sa Cebu, sa resort ni Mommy. Dito kami nag-spend ng Christmas vacation. Kung nagkataong nasa Manila kami, baka kumakatok na ngayon si Zyrus sa pintuan namin!         Naghihikab na ipinikit ko na ang mga mata ko nang marinig ko ang message alert tone ko. Wala sa sariling dinampot ko ang phone ko at saka binuksan iyun. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nag-text. Oh no! Not again…   From: Zyrus SWEET DREAMS, YSA. 01:14AM 01/01/2004   ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD