To: Zyrus
WHY DID YOU TEXT MY DAD?
SUMBUNGERO!!!!
07:14AM 01/02/2005
From: Zyrus
Hindi ka kasi nagre-reply sa mga text ko. Sorry.
07:14AM 01/02/2005
To: Zyrus
PARA YUN LANG NAKASUMBONG KA
AGAD? I HATE YOU.
07:30AM 01/02/2005
Dahil sa inis ko kay Zyrus, I changed his name in my phonebook from simple Zyrus to Zyrus Sumbungero! The nerve talaga!!! Parang last year ganito din ang scenario naming dalawa. Iyun nga lang, last year tumahimik lang siya sa pangde-deadma ko. Unlike now, nag-text siya kay Daddy na hindi ako nagre-reply sa mga text niya.
From: Zyrus Sumbungero
Uy, sorry na. Nasa Cebu pa rin ba kayo?
Kailan ang balik nio dito sa Manila?
07:32AM 01/02/2005
Humiga na ako at saka pumikit. Gusto kong itulog na itong pangungulit na naman ni Zyrus sa akin. Pero paano naman ako makakatulog kung naririnig ko pa rin ang sunud-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko?
Napasabunot ako sa buhok ko at saka napilitang dinampot ang phone na nasa ibabaw ng side table ng kama ko. Mabigat ang daliring pinindot ko ang buton sa gilid para magbukas ang lock nun.
From: Zyrus Sumbungero
Ysa.
08:00AM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Ysa? Please reply.
08:10AM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Ysa... mag-reply ka naman, oh. Alam mo namang
ikaw lang ang katext ko, eh.
08:20AM 01/02/2005
Iyun na nga eh! Wala na bang ibang pwedeng kausapin itong Zyrus na ‘to? Wala ba siyang number ng ibang classmates namin para sila ang bulabugin niya? If I just could only wish na sana hindi na lang nakita ni Mommy si Zyrus at Ninang Pepper noon sa AMCO, at hindi na lang sila nakilala ni Ninong Chad!
From: Zyrus Sumbungero
Ysa. Huy! Galit ka ba?
10:00AM 01/02/2005
I-off ko na kaya itong phone ko? Kapag nagsumbong na naman si Zyrus kay Daddy, pwede ko namang idahilan na na-low batt na. Wait. Baka i-open ni Daddy bigla, eh kaka-charge ko lang nito. Naku, Zyrus ka!
From: Zyrus Sumbungero
Nasa Manila na ba kayo? Busy ka ba?
Tanungin ko na lang si Tito Klarence?
12:30PM 01/02/2005
Aba’t…. ipapahamak na naman ako nito sa Daddy ko?? Agad akong nag-compose ng reply ko para kay Zyrus.
To: Zyrus Sumbungero
Oo na! Nasa Manila na kami!
12:32PM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Punta ako sa inyo ha!
12:33PM 01/02/2005
Oh my gosh!!! Napatipa na naman ako ng reply kay Zyrus, imbes na dedmahin ko siya.
To: Zyrus Sumbungero
AT BAKIT?
12:34PM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Wala lang. Makipagkuwentuhan lang. Dati pa
naman akong nagpupunta sa inyo, ah!
12:38PM 01/02/2005
NOOOO! Isip, Ysa, isip! Bilis! Think of any alibi para huwag pumunta si Zyrus dito sa bahay! Agad naman akong nag-type sa screen ng phone ko. Nagmamadali akong tumipa na tila ba may pa-contest ng pabilisang mag-type.
To: Zyrus Sumbungero
Ihh! Wag kang pupunta! Aalis kami ng friends ko.
Baka mamaya hindi pa ako payagan ni Daddy, eh!
Please....
12:39PM 01/02/2005
Pinagkrus ko pa ang dalawang daliri ko sa kanang kamay habang pigil-hiningang hinihintay ang reply ni Zyrus. Ganun daw ‘yun para matupad iyong hiling mo, sabi ni Bettina, ang isa sa mga friends ko. Apat kaming magkakaibigan, pero si Bettina ang pinaka-close ko. Bukod sa Preparatory pa lang ay magkaklase na kami, siya lang din kasi ang nakakasakay sa ugali ko.
From: Zyrus Sumbungero
Okay....
01:00PM 01/02/2005
Yes!!! Halos mapatalon pa ako sa sobrang saya ko. Thank you, Papa Jesus at pinakinggan mo ang prayer ko. Sa sobrang tuwa ko ay mabilis ko uling nireplayan si Zyrus.
To: Zyrus Sumbungero
THANK YOU! :)
01:01PM 01/02/2005
Akala ko ay tapos na. Pero may pahabol pa pala si Zyrus.
From: Zyrus Sumbungero
Basta sa Monday, sabay tayo pumasok sa school ha.
Daanan mo ko.
01:10PM 01/02/2005
Hah! That’s what you think, Zyrus. Ang dali mo namang utuin!
From: Zyrus Sumbungero
Huy....
01:12PM 01/02/2005
I immediately contacted my friends, Bettina, Claudette and Farrah para ayain sila sa mall.
❤❤ PRETTY GIRLS
Ysa:
Helllo, girls! Mall tayo! Treat ko.
Claudette:
Siyempre, I’m in
Farrah:
Uy, gusto ko yan! Pero magppaaalam muna ako.
Ysa:
Bettina??
Bettina:
@Ysa, tinatakasan mo na naman si Zyrus, 'noh
Ysa:
Of course not!
Bettina:
Really??
Ysa:
Yeah.
Bettina:
Okay. Sabi mo eh. Hindi pala ako makakasama. ☹
Ysa:
Oo na! Sige na! Tinatakasan ko si Zyrus. Masaya ka na, @Bettina?
See? Ganyan ako kakilala ni Bettina. Katulad nga nung madalas kong naririnig na sinasabi ni Mommy – ‘Papunta ka pa lang, pabalik na ko.’ Ganyan ang peg ko at ni Bettina. Mas advance siya mag-isip sa akin.
Claudette:
Bakit ba ang init ng dugo mo kay Zyrus lately, Ysa?
Farrah:
Yeah. Ang pogi naman ni Zyrus, ah. Pinagtitinginan nga
tayong apat kapag kasama natin siya eh. Sama mo na si
Zyrus, Ysa…
Ysa: Isasama ko si Zyrus eh tinatakasan ko nga siya?
Ano ka ba, Farrah?
Farrah:
Okay, fine! Ewan k ba sa iyo bakit bigla kang naging allergic
kay Zyrus. Eh dati naman kayo lagi ang magkasama.
Ysa:
Exactly! Nakakasawa na!
Farrah:
Bakit naman ako, hindi nagsasawa sa mukha ni Zyrus? Ang
pogi-pogi kaya niya!
Claudette:
Eh, sorry ka Farrah…hindi ka naman papansinin ni Zyrus kasi
hindi naman ikaw si Ysa.
Bettina:
Ysa:
Bettina, kanina ka pa tawang-tawa diyan ah!
Farrah:
Kaya nga…
Claudette:
Buti pa, Farrah magpaalam ka na para makapag-mall na
tayo at baka magbago pa isip ni Ysa
Farrah:
Okay, fine….
Bettina:
Hindi magbabago isip niyan. Kailangang-kailangang makatakas
niyan kay Zyrus eh Huwag lang dumating ang panahon na ikaw
naman ang tinatakasan ni Zyrus
Ysa:
Alam mo ikaw, Bettina…hindi ko alam kung kakampi kita o kaaway
Bettina:
KASALUKUYAN kaming nasa arcade na apat nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa loob ng bag ko. Kinuha ko iyon sa bag ko, baka mamaya ay si Mommy ang nag-text.
From: Zyrus Sumbungero
Ysa... bahay ka na?
05:00PM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Ysa. Bat ayaw mong sumagot?
05:09PM 01/02/2005
Zyrus Sumbungero calling…..
Ugh! Hindi ba tatahimik itong Zyrus na ‘to??!! Nakasimangot na kinansel ko iyung call ni Zyrus at saka ibinalik iyong phone sa bag. Pero hindi na ako nakapag-concentrate sa nilalaro kong Claw Machine dahil sa walang tigil na pag-vibrate ng phone ko. My goodness! Malamang si Zyrus pa rin iyun!
Pinilit kong balewalain ang sunod-sunod na pagba-vibrate ng phone ko pero nawalan na talaga ako ng ganang maglaro. Inis na dinukot ko uli iyung phone ko sa bag. Humanda sa akin itong makulit na Samaniego na ito eh!
To: Zyrus Sumbungero
Zyrus, pwede ba??? Oo na. Nasa mall pa ko.
Stop texting. Goodness’ sake!
05:10PM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Sino ba kasing kasama mo? Saka pagabi na. Anong
oras ka matatapos diyan? Sino kasabay mo uuwi?
Susunduin ka ba? Sunduin na kita.
05:12PM 01/02/2005
Napapikit ako. Sampung taon pa lang ako pero pakiramdam ko ngayon ay may high-blood na ako nang dahil dito kay Zyrus. Grrrrr! Inis na in-off ko ang phone ko.
“Girls, tara na. Mag-milk tea na lang tayo. Kailangan ko ng pampalamig ng ulo!” pag-aya ko sa tatlong kaibigan ko.
From: Zyrus Sumbungero
Ysa?
06:15PM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Hindi ka pa rin ba nakauwi sa inyo? Nasa mall ka pa?
7:00PM 01/02/2005
From: Zyrus Sumbungero
Tatawag ako sa bahay n’yo ha... Nakauwi ka na ba?
08:00PM 01/02/2005
To: Zyrus Sumbungero
Good night, Zyrus. I want a peaceful sleep
kahit ngayong gabi lang, please...
08:04PM 01/02/2005
~CJ1016