bc

HAUNTED

book_age16+
11.5K
FOLLOW
43.0K
READ
billionaire
badboy
bxg
humorous
mystery
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Klarence Montenegro, sole heir ng Montenegro's chain of gasoline stations, and AMCO Petroleum. Hardworking. Perfectionist pagdating sa trabaho. Cruel boss. Iyan ang bansag sa kanya ng mga empleyado ng AMCO. Ang motto in life niya ay - work, work, work. Walang panahon sa pag-ibig. Pero nagbago ang pananaw niya at ang buhay niya nang dahil sa isang car accident. Umibig siya kay Annika Sandoval, ang babaeng tumira sa bahay niya. Pero paano magkakaroon ng katuparan ang pag-ibig na iyon kung isa na lang siyang kaluluwa? May pag-asa pa kayang magkaroon ng kaganapan ang pag-ibig niya kay Annika? Aasa pa ba siya? O magiging alaala na lang siya kay Annika?

*** Ang pangalawang kuwento sa HUNK SERIES ng apat na magkaka-ibigan na sina Klarence Montenegro, Chad Samaniego, Judd Madrigal at Adam Zuniga. High School pa lang ay sikat na sila sa mga babae. Wala kang itulak-kabigin. Pulos guwapo at mayaman. Sundan ang mga kuwento ng kanilang mga pag-ibig dito sa HUNK SERIES.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
        "Becca, come inside."         Ilang sandali pa ay pumasok na ang sekretarya kong si Becca. Ilang buwan pa lang sa akin ito. Ayaw ko nga sanang kunin siya pero nagpaalam na sa akin si Tito Hernan na gusto na niyang mag-retire at umuwi na sa Cebu. Sa edad ni Tito Hernan na Sixty, dapat talaga ay nag-eenjoy na lang ito.          Ilang taon ko na nga bang kasama si Tito Hernan? Nine years? Ten years? Ito na ang gumabay sa akin mula nang mamatay sa aksidente ang mga magulang ko. Mapa-personal man o sa negosyo ng pamilya namin. Nasanay ko na lang din siyang tawaging Tito dahil kapamilya na din ang turing sa kanya. At hindi din naman maitatanggi ang katapatan na ibinigay niya sa pamilya namin.           Executive Assistant si Tito Hernan ni Papa nung mangyari ang aksidente nila ni Mama sa eroplano. Eighteen years old na ako noon. Estudyante pa lang. Sa murang edad na iyon ay pilit kong pinag-aralan ang pagpapatakbo sa aming negosyo sa tulong at paggabay ni Tito Hernan. Solong anak kasi ako at wala nang iba pang malapit na kamag-anak na tutulong sa akin na humawak sa AMCO Petroleum. AMCO, galing sa apelyido ng Lola ko na Amadeo, at si Lolo naman ay Montenegro.          Si Tito Hernan na ang naging pangalawang ama ko magmula noon. Hindi niya ako iniwan. Ni hindi na nga nito naisipang mag-asawa.   "Tito Hernan, I am very grateful to you. Kung wala ka, hindi ko magagampanan ng buong husay ang trabaho ko dito sa AMCO. Maybe it's time para isipin mo naman ang sarili mo. Wala ka bang balak mag-asawa?"  Nakangiting umiling-iling ito. "Hindi na siguro. Sa inyong dalawa lang ni Annika, ubos na ang oras ko." "Bakit hindi mo na lang isama dito sa Manila ang pamangkin mo? Ako ang nahihirapan sa iyo sa kapapabalik-balik mo dito sa Manila at Cebu."  "Ayaw niyang iwan ang bahay nila sa Cebu. Iyon na lang kasi ang naiwang alaala sa kanya ng mga magulang niya. Kasama na iyong maliit na resort. Kahit naman ako, mas gusto kong doon na mag-retire. Sa tabing-dagat. Tahimik. Walang polusyon."   "What a coincidence, Tito...pareho pa pala kami ng fate ng pamangkin mo."  "Yeah. Eto yata ang mission ko sa mundo. Maging tagapangalaga ng dalawang ulila." at saka ito tumawa nang malakas.           "S-Sir?"          "Becca! Ilang buwan ka na dito sa kumpanya ko? I believe na-train ka na ni Tito Hernan sa mga dapat mong gawin?!" galit na sabi ko.          "Y-Yes, Sir..."         "How come wala pa sa mesa ko yung hinihingi kong report sa iyo?!" sabay malakas na hampas ko sa mesa ko.          Nakita kong napapitlag si Becca. But then, she deserves it.          "S-Sir...hindi pa po kasi tapos. Late na po kasi tayo umuwi kagabi." pangangatwiran nito.          "Eh di sana ginawa mo sa bahay nio or tinapos mo dito sa office kagabi!" inis na sabi ko dito.         Nakita kong yumuko ito.          "S-Sir, sorry po...." nanginginig ang boses na sabi nito.          "Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo? In just less than an hour,  magdadatingan na ang mga investors! Anong ipe-present ko sa kanila?"          Alam kong umiiyak na to base sa pagyugyog ng mga balikat nito.          "Sh*t! Don't cry! Anong mangyayari sa pag-iyak mo? Matatapos ba iyung report na hinihingi ko kung dadaanin mo sa iyak? Mahina ang isang taong umiiyak. And I don't need weak people here in my company!" sigaw ko dito.          Lalo itong umiyak pero nanatili pa ding nakayuko.          "Klarence!"          Napalingon ako sa bagong dating. Agad na nilapitan ni Tito Hernan si Becca.          "Ako nang bahala sa report. Ayusin mo na muna ang sarili mo." sabi dito ni Tito Hernan sabay tapik sa balikat nito.          "Klarence... what are you doing?"  tanong nito sa akin.          "What?"          "Paano ako makakaalis dito kung ganyan ka sa Sekretarya mo? Pang-ilan na ba si Becca sa mga na-train ko? Walang tumatagal sa yo. Si Becca na nga ang pinili ko dun sa huling batch dahil panganay. Baka kako pagtiyagaan ka dahil bread winner. Pero kung ganyan ang pagtrato mo sa kanya malamang na iwanan ka din nun."          "That's why I am teaching her not to be weak."          "Or you want her to be a working machine like you?"          Nagkibit-balikat ako.         "Hindi naman kasama sa pagtuturo ko sa iyo ang maging malupit ka sa mga empleyado mo." tila disappointed na sabi nito.          "I am just disciplining them." sabi ko.          "Iba ang nakikita ko. Look. Klarence...naituro ko na lahat sa iyo. Mas magaling ka pa nga sa kin ngayon. So sigurado akong pwede na kitang iwan. But have a heart towards your employees. Life is not 100% work, Klarence! For goodness sake.... gusto mo bang iwanan ka nilang lahat?"          Nagkibit-balikat lang uli ako.          "I pay them high..."          "That is not the point." naiinis na sabi ni Tito Hernan.          Huminga ako ng malalim.          "May kailangan pa akong gawin." pagtatapos ko sa usapan namin ni Tito Hernan.         May edad na si Tito Hernan at ayaw kong nai-stress pa ito. Binuksan niya ang hawak niyang folder at saka may kinuhang mga papel.          "No need." at saka nito inilapag ang kinuhang papel mula sa folder na dala niya sa harapan ko.          Pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa pintuan. Bago siya tuluyang makalabas ay nagsalita ako.          "Thanks."         Napangiti ako. Tito Hernan is really my savior.          I am Klarence Montenegro, sole heir ng Montenegro's chain of gasoline stations. Hardworking. Perfectionist pagdating sa trabaho. Ang motto in life ko ay - work, work, work.          They call me "The Ruthless CEO". They say my heart is hard as a rock. Well? I don't really f*ckin' care. Yung tatlong kaibigan ko lang ang nakakaintindi sa akin. Si Judd, si Adam at si Chad. Pang-apat si Tito Hernan.          Nang mamatay sa plane crash ang mga magulang ko, pakiramdam ko noon ay gumuho na din ang mundo ko. Tinatanong ko ang Diyos noon kung bakit kailangang maiwan akong mag-isa. I want to end my life then. Ano pang rason ang kailangan para mabuhay ako?    "Klarence, why don't you enjoy? Go dating...ikaw lang ata ang kilala kong lalaki na NGSB." narinig kong sabi ni Tito Hernan. Kasalukuyan akong nakasubsob sa mga papeles na pinipirmahan ko. Napailing na lang ako habang tuloy pa din sa pagpirma. "Okay na ako sa ginagawa ko, Tito Hernan. Wag mo na akong ibuyo sa hindi magandang bagay..." "At ano naman ang okay sa ginagawa mong pagpapakasubsob sa trabaho?" sagot nito. "At ano naman ang maganda sa pakikipag-date? Tapos liligawan ko? Magiging girlfriend ko? Tapos ano? Maghihiwalay kami? Iiwanan din niya ako? No way...." Narinig kong bumuntong hininga si Tito Hernan. "Bakit ba laging nasa isip mo na iiwanan ka? Bakit naman ako andito pa din sa tabi mo?" Nag-angat ako ng tingin. "Sooner or later, Tito iiwan mo na din ako. That's the reality." seryosong sabi ko. Ngumiti ito at saka napailing. "Gusto mo ba, kahit kalansay na ako nasa tabi mo pa din ako?" "Tsk!" "The reality is people will always come and go. Gusto man natin o ayaw natin, mangyayari at mangyayari iyun. Kaya nga ang gusto ko ay makakita ka na ng taong mamahalin para kapag oras ko nang umalis ay kampante akong maiiwanan kita." "I don't like conversations like this." "Yan...diyan ka magaling. Ang umiwas!" sabi nito. "Look, Tito. You don't have to worry about me. Andiyan ang mga kaibigan ko." "You think hindi ka nila iiwan kapag nagsipag-asawa na yung mga kaibigan mo?" Bumuka ang bibig ko. Pero bigla ko ding itinikom. Gusto ko sanang sabihin na hindi nila ako iiwan. Pero biglang hindi pala ako sigurado kaya itinikom ko na uli ang bibig ko.           Nagulat ako nang biglang may bumusina sa likuran ko. Naka-GO na pala ang stoplight. Masyado akong nalibang sa iniisip ko. It's been a tough day. Nagustuhan ng investors ang presentation ko nung umaga kaya after ng meeting ay ginawa ko na ang draft ng proposal ko sa kanila.         Pina-abante ko na ang sasakyan pero nagulat na lang ako nang makita kong may humahagibis na truck mula sa kanan ko. Huli na para makaiwas. Narinig ko na lang ang malakas na ingay ng pagbangga sa sasakyan ko. Makailang beses nagpaikot ikot ang sasakyan ko bago nanlabo ang aking paningin.   ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.6K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.3K
bc

His Precious Property

read
614.4K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.6K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook