The Academy

1362 Words
Julia's POV Hindi ako mapakali. Ngayong araw na ito ako mag-i-enroll sa academy na sinasabi ni Tita Melisa. Panay ang tingin ko sa wristwatch ko. It's time.  Agad akong tumayo at lumabas ng aking unit. Nag-commute ako at sa kabutihang palad, hindi masyadong ma-traffic. Nang makarating sa academy, hindi ko maiwasang humanga. Pang-yayamanin! Gate pa lang, isinigaw nito ang karangyaan para sa mga taong pumapasok dito. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ang pangalan ng academy. "Blackwell Academy." Tita Melisa said na ang school na 'to ang dapat kong pasukan dahil sa may kakilala daw siya dito. Though, hindi na niya pa sinabi kung sino ay sumunod na lang ako. Agad akong dumiretso sa pila ng mga mag-i-enroll. Napataas ang aking kilay nang may mapansin ako. Ang unti lang ng mga nag-i-enroll. Halos nasa bente lang pababa silang mga tao ang nabilang niya. May nakapaskil naman sa announcement board na sinasabing sabi ngayon lang ang enrollment kaya nakakapagtaka.  "From what I heard, this academy is so prestigious to the point it only accept fewer student who is qualified from their standards and requirements. I got accepted here thru their online application, kayo ba?" Napalingon ako ng bahagya sa babae. That woman answered my curiosity. Napatingin ako sa papel na hawak ko. It came from Tita Melisa. I don't know how she got this but since she's my only guardian, I think she already processed my application her own.  Ilang minuto ang lumipas bago ako nakalapit sa registrar. I gave my application letter before receiving the form of my registration. While filling up the form, I was creeped out by this question. Encircle your answer according to your identification.  (warm blood)   (cold blood) Why the heck do they have this kind of form? Napasulyap ako sa mga nagpi-fill up din ng form kagaya ko. Are they not even bothered about the form? Kahit nakakapagtaka, kahit na ang daming weird questions, sinagutan ko na lang. Pagkatapos kong ma-fill up lahat ay lumapit ako sa babaeng nakabantay sa aming mga nag-i-enroll. "Ito na po yung form ko." Kasabay ng pagkakuha niya ng form ko ay ang pagdampi ng daliri niya sa kamay ko. Napatigil ako nang makitang nakatitig sa akin ang babaeng inabutan ko ng form. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. But I noticed something, there is something about her eyes. I couldn't explain it further but her eyes was so hypnotizing and... searching.   Mga ilang sandali, bigla siyang ngumisi na ikinakaba ko. "So, bago ka lang dito?" Nakangisi niyang sabi habang sinasali ang form ko sa nakatambak na papel sa lamesa niya. "Yes po," sagot ko sa kaniya bago nag-iwas ng tingin.  Hindi ko kasi kayang tignan ang mga mata niya. I felt like an open-book, like I got nothing to hide on her. "Sige. Saglit lang." aniya at yumuko sa ilalim ng lamesa niya. Pagka-angat niya ay may inabot siya sa akin. "Suotin mo 'to tuwing papasok ka. Huwag na huwag mong tatanggalin 'yan habang nasa loob ka ng campus," sabi niya at binigay sa akin ang isang bracelet. Kulay gold at silver yung chain habang sa pinakagitna naman nito ay may dyamante na kulay dark violet. Teka, Libre ba 'to? Baka naman may bayad 'to? Napatingin ako sa kaniya, sobrang laki ng ngiti ng babaeng nasa harapan ko. What's with her? She' weird. "Gift ko 'yan sa mga bagong enroll dito sa academy pero dapat huwag na huwag mong tatanggalin iyan habang nasa campus ka, ha?" aniya. "Hindi ko po ito matatanggap," nahihiya kong sabi at ibibigay na sana sa kaniya nang ngumuso siya na parang nagtatampo. "Sige ka! Magtatampo ako sayo!" may pagtatampo niyang sabi.  Tinanggap ko na lang bago nagpakawala ng malalim na hininga. "Si-sige po. Ano pong pangalan mo?" mahina kong tanong pero enough para marinig niya. "Georgina. Georgina Valerious," sagot niya at muling ngumisi na ikinatayo ng balahibo ko.   Creepy! ILANG MINUTO ang lumipas, napagdesisyunan kong ikotin muna ang Blackwell Academy. Hindi pa ako maka-akyat sa ilang building dahil nakasirado pa. Sa totoo lang, nakakapagtaka ang nararamdaman ko dito sa lugar. Feeling ko kasi may kakaibang mangyayari sa akin dito. But, I'm born ready. Kung may mangyayari nga talaga sa akin dito, I can't wait anymore dahil sa totoo lang ay isang taon na lang at puwede na akong makakuha ng professional na trabaho. I am a consistent honor student and a dean's lister. At isang taon na lang, I can already make them proud.  Isa sa mga pinuntahan ko ay ang garden. Bukas ang gate kaya dire-diretso lang akong nakapasok.  Ang ganda dito. May puno dito atsaka duyan na nakatali sa sanga ng puno. May mga wooden bench at table na pinaliligiran ng mga halaman at bulaklak. What a sight! Umupo ako sa duyan at kinuha sa bag ko ang lagi kong dala-dala na libro. Twilight. Nasa part na 'ko ng first meeting nila ni Edward atsaka Bella. Nakakakilig. Iyong tipong nagtama 'yong mata nilang dalawa tapos hindi mai-alis ang tingin sa isa't isa then yung part na may activity sila tapos mahiyain si Edward kay Bella. Hindi ko mapigilang mapangiti at napayakap sa libro. Kailan kaya ako makakakilala ng kagaya ni Edward na gwapo, at charming? I giggled. Huwag nga lang sana bampira. Even though, they don't exist, I felt scared about the idea of vampires roaming around and killing in the dark. Buti sana kung kagaya silang lahat ng mga Collins. "Anong ginagawa mo dito?" "Ay, tipaklong!" napatakip ako ng bibig dahil sa nasabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Ulit ng lalakeng nakatayo ng ilang layo sa akin and take note, wala man lang siyang expression ng sabihin iyon. "Bukas kasi ang gate kaya pumasok ako dito," sagot ko sa kaniya. "You're new here. Right?" nakakunot-noo niyang tanong. Tumango-tango ako bilang sagot. Seriously, una kong napansin sa kaniya is ang puti niya. Naka-glutathione siguro si Kuya. "Ang mga bago dito ay ipinagbabawal na gumala. Nanghimasok ka dito kaya matatawag na trespassing ang ginawa mo. Hindi porket may nakita kang nakabukas na gate ay papasukin mo na lang bigla," seryosong niyang sabi na nakapagpatahimik sa akin. "Tch!" Straightforward lang?  Iilan na lang talaga ang mga lalakeng gentleman. Gusto kong sumagot pero nanahimik na lang ako. Ayaw kong mapaaway. Baka mabahiran agad ang record ko. "You can leave now," malamig niyang sabi bago ako tinalikuran. Pero teka, grabe naman siya makapag-salita. Sino ba siya sa akala niya? Does he own this place? Napabusangot ako ng wala sa oras. "Teka! Sino ka ba sa akala mo at---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil wala na 'yong lalakeng pinanganak yata noong Ice Age dahil sa sobrang lamig ng ugali. Nakakagigil iyon, ah! Makaalis na nga. A GIRL'S LAUGH filled the whole corridor. "I finally found her."  The girl with a long wavy golden hair said while there's a victorious smile in her lips. She leaned back and close her eyes as she sip the blood from her own wineglass. "Really? Where is she?" nakangiting sabi naman ng isang babae at lumapit sa babaeng nakapikit sa couch. The girl with long wavy hair raised her brow. Hindi ko talaga gusto ang babaeng 'to. Sabi niya sa kaniyang isip. "Why would I tell you?" She said in her infamous bitch tone. "Because I want to know!" reklamo nito saka nagpapadyak na parang bata. "Tch!" So childish. "By the way, where's Prince?" tanong nito. "I don't know! Don't ask me, slutty bitch. Out!" The girl with long wavy golden hair said coldly while pointing the door. Agad nagtatakbo na parang daga ang babaeng kaaway sa kanyang opisina. Nanatili siyang tahimik at sumisimsim ng dugo nang biglang maramdaman niya ang presensya ng kaniyang pinsan na si Cody at pumasok sa kaniyang opisina. "Where have you been?" She asked. "Finding Dory." sagot nito bago kinuha ang mga form ng mga enrollee  at lumabas ng opisina. Napailing na lang ang babae dahil sa sinabi ng kaniyang pinsan.  Julia's POV Hinihingal na sinapo ko ang aking lalamunan nang maramdaman na sumakit 'yon. Sino 'yong lalaking blur ang mukha sa panaginip ko? Bakit kakagatin niya ang leeg ko? Bampira ba siya? Kinikilabutan ako. Fan na fan ako ng Twilight. Gusto kong maging Bella Swan at magkaroon ng sariling boyfriend na mala-Edward Cullen. Pero ayaw kong magkaroon ng relasyon sa isang bampira. Ang scary lang. Tapos 'yong lugar sa panaginip ko ay parang sa Blackwell Academy pero... napailing ako.  It's just a nightmare, Julia. Nasobrahan na naman kasi ako sa kakapanood ng Twilight. Inhale, exhale and breath.  Tumayo ako at kumuha ng tubig sa kusina. Habang uminom ay lumakad ako papuntang terrace. Nang makarating sa terrace, agad akong napatingin sa buwan. Ang ganda ng buwan at clear ang langit. Sabi nga nila lahat ng panaginip ay kabaliktaran sa katotohanan. Napailing ako nang maalala ang panaginip ko kanina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD