First Day

1341 Words
Julia's POV Halos hindi na ako nakatulog kakaisip sa panaginip ko kagabi. Siguradong mukha akong zombie nito dahil sa pagkakaroon ng eyebags.  At hindi nga ako nagkamali, pagkatingin ko pa lang sa sarili ko sa salamin, agad na bumungad sa akin ang eyebags ko.  Bakit kasi ang big deal ng panaginip na 'yon?! Tatakpan ko na lang 'to ng pulbos. Hindi ko na kailangang magpaganda dahil ayaw ko naman talaga magpaganda. Okay na sa akin ang unting pulbos lang. HINDI KO MAPIGILANG mapapadyak sa naiinis. Naliligaw na ako dahil sa sobrang laki ng Blackwell Academy. Hindi ko alam kung nakailang ikot na din ako dahil laging kong nadadaanan 'yong clinic. Nasaan kaya 'yong room ko? Naglakad-lakad pa ako ng unti nang bigla akong mabunggo sa isang tao at napaupo sa lupa. "Aray!" daing ko nang maramdamang kumirot ang pang-upo ko. Tumingala ako para tignan kung kanino ako bumangga pero pagkatingala ko ay wala na 'yong tao. Lumingon ako sa likod at do'n ko nakita ang isang lalaki na naglalakad palayo habang ang isang kamay ay nasa kaliwang bulsa niya at cool na naglalakad. Isa siyang bato, hard at walang feelings. Bwisit! Naiinis na tumayo ako habang pinapagpag ang palda ko. Nakakainis! Hindi man niya lang ako tinulungang tumayo. "Gentledog!" sigaw ko pero bigla ko din tinakpan ang bibig ko. Nakita kong napatigil sya sa paglalakad pero hindi sya lumingon. Mga ilang segundo ang lumipas bago siya naglakad ulit. Nakahinga ako ng maluwag. Sino kaya 'yon? Wala man lang siyang reaction na sinabihan ko siya ng gentledog. Maybe, he doesn't care at all. Mostly kasi sa boys, kapag sinasabihan sila ng gano'n, nagre-react sila. Kung sino man 'yong gentledog na 'yon na bumangga sa akin at hindi man lang ako tinulungan, isa siyang bato. Bato! Agad akong lumingon-lingon para hanapin ang room ko. Ayaw ko na isipin pa ang nangyari. Umiiinit lang ang dugo ko. Saan kaya 'yong room ko? Naiinis na talaga ako. Kung bakit kasi lima pa ang building dito at lima pa ang floor. Sasakit paa ko nito. Napatingin ako sa wristwatch ko. Sabi do'n sa poster na nakalagay sa gate, puwede pa namang ma-late dahil first day atsaka alas-sais pa lang naman ng umaga. Gagala na lang muna ako. Kalimutan ko muna 'yong bad vibes kanina. Naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko ang isang open na lugar. Napangisi ako nang makita na field 'yon. Isa sa favorite place ko na pagtambayan. Napatakbo ako do'n at halos mapanganga ako dahil sa sobrang laki. Omaygee! "Hoy!" Napakunot ako ng noo at napatingin sa lalakeng tumawag sa akin. Hindi ko mapigilang mapatanga nang makilala ang tumawag sa akin. Siya 'yong lalake kahapon sa garden. Nakasuot kasi siya ng sunglass kahapon pero ngayon, ang suot niya naman ay cap. Okay, gwapo siya. Inaamin ko. Pero hindi ko type. "Excuse me lang, a! May pangalan ako," sabi ko habang nakapameywang sa harap niya. "Hindi ko naman alam, tch! Utak please?" cold niyang sabi. "Bakit? Anong problema?" seryoso kong sabi. "Hindi pa puwedeng puntahan dito dahil first day pa lang atsaka mapanganib." sabi niya at umalis. Agad akong natigilan sa sinabi niya. Ano daw? Mapanganib? Baliw na ata ang lalakeng iyon. "Teka lang!" Pagkalingon ko, wala na na naman ang lalakeng kausap ko. Napabusangot ako. Tuwing magsasalita ako, wala na yung lalakeng 'yon. Mahanap na nga 'yong room ko. NAKITA NA DIN ni Julia ang room niya. Buti na lang at medyo hindi pa siya late. Pero kahit hindi siya na-late, nakabusangot pa rin ang mukha niya dahil sa inis. Una lang naman ay hindi man lang siya tinulungan ng lalakeng bumunggo sa kaniya. Pangalawa ay 'yong napagsabihan na naman siya na bawal manghimasok dahil lang sa newbie siya dito. Pagkapasok niya sa kaniyang room, nakita niyang mga lima lang sila. Isang lalaki at apat silang babae. Umupo siya sa pinakalikod sa row ng lalaki. Pagkaupo niya, hindi niya mapigilang ma-bored. Sobrang tahimik kasi ng mga classmates niya. Puro ito nagbabasa ng libro. Pero bigla syang napaisip. Hindi naka-uniform iyong lalakeng bumangga sa kaniya kanina. Kung isa ito sa school staff ay dapat pinansin siya nito at ginuide papunta sa room niya. Umiling na lang siya saka kumuha ng libro na pinakapaborito niyang basahin. Ano bang pakialam ko sa lalakeng mayabang na iyon? Mga ilang sandali nang bigla syang nakaramdam ng lamig. Napayakap sya sa sarili at napatingin sa harap.  Nakita niya na may isang lalakeng pumasok at hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba at inis ng malaman kung sino ito. Ang lalaking nakabangga niya kanina. Bigla siyang nakaramdam ng kaba ng lumingon ito sa kanya pero tumingin din ito agad sa lalaking nasa pinakaunahan. Nakilala niya ito dahil sa suot. Ito lang naman kasi ang hindi naka-uniform. "Dylan." tawag nito sa lalaking nasa pinakaunahan. "Theo?" tanong ng lalakeng nasa unahan nang makalapit si Theo dito, iyong lalaking bumangga sa kaniya kanina na hindi man lang siya tinulungan. Kilala na rin kitang hudas ka! Medyo na-creep out si Julia nang makitang nagtitigan si Theo at Dylan. Hindi niya alam pero sa tingin niya hindi ito basta nagtititigan lang. So weird. Parang pareho nito binabasa ang isip ng isa't isa. Nagtaka siya pero mas pinili niya itaas ang isang kilay nang lumingon ito pareho sa kaniya at lumabas ng room. "Creepy." bulong ni Julia sa sarili. Lumipas ang sandali bago pumasok ang kanilang Professor. Nagpakilala lang naman ito at sinabi ang first lesson nila this week. Mga vacant time na nang pumasok ulit ang lalakeng nakabangga niya na si Theo at ang lalakeng nasa unahan na si Dylan. Nakilala niya ito dahil ilang beses itong hinanap ng mga Prof nila na pumasok sa kanila. At masasabi niyang mukhang isa ito sa famous sa BWA. Ganun din naman kasi sa dati niyang pinapasukan na Gallego National University. May mga popular. And she wants a simple life kaya nang mabanggit niya sa kaniyang Tita na may balak siyang lumipat, agad siyang natuwa dahil may alam ito na pwede niya pasukan. At ang sagot nito ay ang Blackwell Academy. Kaya tinapos niya muna ang buong school year niya sa Gallego bago lumipat sa Blackwell. Hindi siya nagsisisi na lumipat sa Blackwell. From prestigious to undiscovered prestigious school. Pagkatapak pa lang ng paa niya sa Blackwell, ramdam niya kaagad kung gaano ka-peaceful ang lugar. Iyong tipong, paghampas lang ng hangin sa puno ang maririnig mo. Umupo uli si Dylan sa harap at katabi na nito ngayon si Theo. "Pst!" napatingin siya sa harap nang makita si Dylan na tinatawag siya. "Dito ka." sabi nito at iminuwestra ang bakanteng upuan na katabi nito. Pati sa katabing upuan ni Theo ay bakante rin. Naguluhan siya. Saan siya tatabi? Sa tabi ba ng lalakeng bumangga sa kaniya o ni Dylan? Nakakapagtaka na gusto siyang patabihin ng Dylan. Baka kasi gusto lang makipag-kaibigan. Sabi ni Julia sa isip.  Nakita niyang nakatitig din sa kaniya si Theo habang nakakunot ang noo nito. "A-ako?" turo pa ni Julia sa sarili. Tumango naman sa kaniya si Dylan bilang sagot habang nakangiti. Tumayo na lang siya at lumipat sa katabing upuan ni Dylan. Well, si Dylan naman ang nag-alok. Ayaw niyang tumabi kay Theo at baka ma-bad vibes siya. Hmp!  Julia's POV Well, wala namang masama kung lumipat ako. Sasampu lang kami ngayon dito sa room. Late na kasi 'yong iba dumating. Para kasing puro introduce yourself at lessons of the week lang ang sinasabi ng Prof namin kaya uunti lang kami ngayon. "Thank you, ah?" nakangiti kong nilingon si Dylan. "No problem. Mag-isa ka lang dun sa dulo, eh. By the way, I'm Dylan Valerious." sabay shake hands sa akin ni Dylan. "Julia Vasquez." Pakilala ko sa aking sarili. "Transferee ka?" "Yup." "Hello everyone!" Agad kaming napatayo para batiin ang Prof namin na pumasok pero hindi ko napigilang mapanganga nang malaman kung sino 'yon. "By the way my name is Ms. Georgina Valerious." nakangisi niyang sabi. Siya 'yong babae noong nag-enroll ako. 'Yong nagbigay sa akin ng bracelet. Iyong babaeng may mahaba at makulot na ginintuang buhok. Buti suot ko 'yong bracelet ngayon. Luminga-linga siya hanggang sa dumako ang tingin nya sa katabi ni Dylan sa kaliwa. Si Theo. Ngumisi siya bigla at ito na naman ako, nakaramdam na naman ng kakaiba. "At nandito rin pala ikaw Mr. Theodore? Akala ko ba di ka na papasok at mag-aaral?" nakangising sabi ni Ms. Georgina at nagtawanan ang ilang student. She smiled at me. Agad akong natigilan nang may mapagtanto. Georgina Valerious? Theodore Valerious? Dylan Valerious? Puro Valerious yata ang nakikilala ko.  "Tsk!" Nagulat ako sa biglang pagdako ng tingin niya sa akin ni Theo. He looks annoyed with me. What is wrong with him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD