(Achilles POV) Sa kalagitnaan ng pag-iinuman namin, ay naramdaman ko na ang pamamanhid ng mukha ko. Hindi ko na mabilang ang mga boteng naubos namin na wala ng laman na nakataob sa sahig. Pero itong mga kasama ko ay lango na, nakakatawang pag masdan ang mga mukha nila, si Kyron naka upo pero nakasandal na ang ulo sa sandalan ng upuan. Si Raffa naman ay naka yuko. Itong si Trisha ay nag i scroll sa phone, pero ang mga mata nito dilat at biglang pipikit. Tahimik na ito, kanina lang ay daig pa nito ang reporter na hindi nauubusan ng tanong at balita. Napapagitnaan ito ni kyron at Raffa. Nasa harap naman ako ng mga ito. Nag-mamanhid narin ang mukha ko, pero hangang ganito lang.. I can manage to walk on my own, yung tipong, parang wala lang. "Guysh. I think, masyado nang naparami ang nai