Naninibago na ako sa pinapakita ni Aki. Hindi ko maintindihan. Kahapon lang, mainit ang ulo niya sakin, tapos kanina hindi ko siya na kitaan ng ano mang galit sa kanyang mukha. Binilisan ko na ang pag ligo, at baka mamaya kung ano na ang iisipin ni Manang sa'kin, dahil Halos isang araw kaming nagkulong sa kwarto ni Aki. Nang matapos akong gumayak, ay tinungo ko na ang baba. Nakakapanibago dahil walang maingay. Nasaan kaya si Sabina? Bakit wala yata ito sa sala. Kalimitan kasi sa sala siya naglalaro. Dumeretso na ako sa kusina. Tutulungan ko nalang si Manang na magluto ng tanghalian. Naririnig ko na kasi ang ingay na mula kusina. Alas-diyes na din kasi ng umaga at ilang oras nalang tanghali na. Ngunit ganoon nalang ang pagka mangha ko na hindi si Manang ang nagluluto, kundi si Aki?? Nak