Good morning pretty pregy!" masayang bati ni Danica, na lumabas sa kwarto. Naka-ngiti akong lumingon sa kanya habang piniprito ang hot dog. Maaga akong Nag-hahain ng almusal namin dahil may kanya-kanya kaming lakad ngayon. "Kumain kana Dani, baka papasok ka nanaman na hindi nag-aagahan." Untag ko dito. Lagi nalang kasi itong hindi nag aalmusal. "Naku, kakain ako ngayon dahil wala ng problema sa office, at tapos ko na ang thesis." Humila ito ng upuan at nag sandok ng kanin. Tinangal ko na sa kalan ang frying pan at pagkatapos inilapag ko ang pritong hot dog sa mesa. "Nakapag-kondisyon kana ba para bukas?" "Kondisyon talaga?" Natatawa kong lintaya. "Nakapag ensayo naman ako ng mabuti.." dagdag ko pa "Good! Tsaka yung susuutin mo, ako na ang bibili." Saad niya habang nginunguya ang pag-