Mabilis kong inayos ang mga dadalhin mamaya sa Venue. Isang pamalit na damit at flat sandal lang naman ang dala ko. Nakapag-ayos na din ako sa sarili, nakangiti ako sa harap ng salamin dahil gandang-ganda parin ako sa damit na binili ni Danica. Saktong sakto lamang ito aa katawan ko at may haba hangang itaas ng tuhod Nag-lagay lamang ako ng light make up, at pinusod ko lang ang mahaba kong buhok, at nag iwan lamang ng iilang hibla sa bawat pagitan ng pisngi. Kinabit ko naman ang gold na hikaw na bigay din ni Danica. Nang matapos akong mag-ayos ay tinungo ko na ang sala. At hinihintay nalang si Danica na matapos sa pag bihis. "Leigh, tapos na ako! Ready ka na ba?" Halos sumigaw ito mula sa loob ng kwarto nito. "Oo! Kanina pa!" pasigaw ko na tugon. Ilang sandali pa, bumaba na ito ng ha