Chapter 2

2050 Words
Leighyana's P.O.V) Unti-unti kong dinilat ang mga mata. At ang puting kisame ang una kong nakita. Nanatili akong naka-higa sa malambot na kama ng naka tihaya. Tanging ang mga mata ko lang ang gumagala sa paligid. Nilingon ko ang malaking bintana na may mga mahabang puting kurtina at nililipad ito ng hangin na mula sa labas ng bahay. Tanging apat na sulok lamang ang meron sa loob nito. 'Nasa'n ba ako?' Kinakabahan kong usal sa sarili. Marahan akong bumangon upang hindi ako maka gawa ng ano mang ingay. Pero bago pa man ako makatayo mula sa kina-hihigaan, ay syang pag-bukas ng pinto. Napa-mulagat ang aking mga mata sa nakitang Tao na nakatayo sa bungad ng pinto. Malapad ang pangangatawan nito. Katamtamang tangkad, at morenong kulay ng balat. Naka bath robe lamang ito. "Oh! I'm glad that you’re already awaked na!" masayang turan niya. Napalunok ako ng laway ng humakbang ito papalapit sa'kin. "You look scared darling. Please don't be." Naka-ngisi pa ito habang papalapit sa kina-roroonan ko. Pero pinag-tataka ko, Lalaking-lalaki ang panga-ngatawan, pero tila Babae ang boses na may malambing na tono. Tikom parin ang bibig ko ng makalapit siya. "Ano ba ang pangalan mo? Wait. Kasi mukhang natatakot ka parin sa'kin. Sige, para hindi kana matakot mag-papakilala muna ako sayo. I'm Miguela. Pero you can call me Meme'." Medyo nawawala ang takot ko ng mabatid ko na isa itong Bakla. "So, pwede mo na bang sabihin ang pangalan mo?" dugtong niya. Nakataas pa ang dalawang kilay nito ng muling magtanong "Leighyana po." iksing tugon ko. "Leighyana po? Ka ano-ano mo si fernando po?" Natatawa pa ito habang binibigkas ang mga tanong. Kaya natawa na rin ako. Tumabi ito sa'kin at umupo sa kama. "Ano ba kasi ang nangyari sayo kanina? Bigla ka nalang nahimatay sa harap ng Parlor ng kaybigan ko." Kumunot pa ang noo nito ng muli akong tanungin. Napa-yuko ako ng makaramdam ng hiya. Hindi ako maka-sagot. Amoy ko pa ang sarili ko na amoy malansa. "Oh my god! wag mong sabihin buntis ka?" Napa-takip pa ito ng bibig at namulagat ang mga mata. Napa-harap ako dito sa sinabi niya. "Naku po hindi! Hindi ako buntis! G-gutom lang po ako kanina. Kaya ako nawalan ng malay." Tumayo ito bago tumugon, "Akala ko naman buntis ka. O hali kana sa baba. Ay nasa baba na pala tayo. Wala palang Second floor ang bahay ko. Echos lang." Sinundan ko lang ito ng tingin patungo sa isang aparador. "Ito nga pala ang Mga damit ko noong nag dadalaga pa ako. Pwede mo yang gamitin or sayo na. Di na rin kasi kakasya sa'kin. Tsaka, maligo ka muna, ang bango mo na kasi." Naka-talikod parin ito habang isa-isang kinukuha ang damit na susuotin ko. Napayuko nalang ako sa hiya. Kahapon pa kasi akong hindi naliligo. "Sya nga pala, saan kaba nakatira? Para, pag-katapos mong kumain ihahatid nalang kita sa inyo. Baka hinahanap kana ng magulang mo." Nai-angat ko ang mukha dito ng tanungin ako. Humarap ito sakin at tila hinihintay ang sagot ko. "Ah, a-ayos la’ng ho. Kaya ko namang umuwi ng mag isa." "Naku! Hindi pwede. Ihahatid kita baka mapano kana naman sa daan." tumaas pa ang isang kilay nito. "Wala na po akong magulang. Mag-isa nalang ako sa buhay." Direchang bulalas ko. Agad kong pinunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pag patak. Napatigil naman ito sa ginagawa ng marinig ang sinabi ko. Hindi ako umiiyak noon, kahit alam ko sa sarili na lumaki akong walang kinagisnang mga magulang. Pero ngayon, hindi ko na kaya. Ang bigat sa dib-dib. Ang hirap pala Na walang magulang ang nag-aalala sayo at Nag-aalaga. Kagat-kagat ko ang ibabang labi at pinipigilan ang hagulhol ng lapitan ako ni Meme. Inabot nito ang dalawang palad ko na magka-salop. "Mag-sabi ka ng totoo, kasi hindi ako naniniwala baka mamaya lumayas ka lang. Baka nag-alala na ang mga magulang mo." "Hindi ko po kayo mapipilit na paniwalaan ako. Kung iuuwi n'yo ko sa tinitirhan ko. Baka bukas naka kulong na ako sa Center." Kunot-noo kong wika. Bumuntong hininga ito bago ulit magsalita. "Sige. Pansamantala dito ka muna sa bahay ko. Total ako lang mag-isa dito." "Okey la’ng po. Sanay naman ako sa kalye. Mag-hahanap nalang muna ako ng mapag-tatrabahuan," "Naku Leighyana. Mahirap mag-hanap ng trabaho ngayon. Ano ba ang natapos mo?" "Second year high school lang po." iksing tugon ko. "Second year High school? Naku! Walang tatanggap sayo n'yan. Hay naku! Sumasakit ang ulo ko ngayon." Napa hilot pa ito sa sintido. "Sige-sige. Sumama ka sa'kin sa Maynila. May iaalok akong trabaho sayo do'n." Nagliwanag ang mukha ko sa narinig mula dito. "Talaga po?! Kahit anong trabaho kaya ko pong gawin!" Yayakapin ko sana ito ng biglang hinarang nito ang dalawang palad. "Oops!! Maligo ka muna iha." "Sorry po! Masaya lang talaga ako. Hulog po kayo ng langit Meme." "O sya! Maligo kana, at pagkatapos kumain ka muna. Bago tayo aalis patungong Maynila." tumayo na ito at lumabas ng kwarto. Hindi parin maalis ang ngiti ko sa mga labi, Sasama nalang ako sakanya. bahala na. Matapos kong maligo at kumain. Ito na nga paalis na kami ng bahay ni Meme. Suot ko ang black sleeveless dress na may haba hangang itaas ng tuhod. Litaw ang maitim kong braso at maitim na tuhod. Hindi ako kumportable sa suot kong ito, dahil na din sa hindi ako sanay sa mga sexy na kasuotan. "Tara na, Leighyana. Baka abutan pa tayo ng umaga sa daan." Pabiro nitong sabi. Alas Syete na ng gabi, siguro naman malapit lang ang Maynila mula dito sa Cavite kaya di na kami aabutan ng umaga sa daan. Sumakay kami ng trycicle patungo sa terminal ng mga Bus. At ilang sandali pa ay naka sakay na kami ng bus na kasalukuyang tinatahak na nito ang daan patungong Maynila. "Leighyana! Leighyana, gising na." Naalimpungatan ako ng tapikin ako sa balikat ni Meme. Diko namalayan nakatulog pala ako sa buong byahe namin. Kinusot -kusot ko muna ang mga mata at bahagyang inayos ang nagulo kong mahabang buhok. "Meme. Nasa Maynila na po ba tayo?" "Oo. Kaya tumayo kana d'yan. tayo nalang ang tao dito sa loob ng bus." Napatayo ako at tiningnan ang bawat sulok at ang mga upuan. Wala na ang mga pasehero na kanina lang ay punong-puno ang loob nito. "Pasensya na po. Napasarap po ang tulog ko." "Naku! Ayos lang. Kagigising ko lang din eh," Tumingin ito sakin at bahagyang natawa. "Welcome to Manila Ma'am, Sir" bati ng kundoktor sa'min. Matalim itong tiningnan ni Meme, at bahagyang nagsalubong ang mga kilag nito, animoy mananakmal. "Ma'am din ako hindi Sir!" Tila nahilaw ang ngiti ng Kundoktor nang sungitan siya ni Meme. Hindi nalamang ito kumibo at binigyan na kami ng daan upang makababa. Nang makababa kami ay namangha ako sa paligid. Ibang-iba ito kumpara sa Cavite. Mas matataas ang mga gusali dito at mas marami ang mga tao kahit gabi na. "Taxi!" sigaw ni Meme sa paparating na Taxi at huminto sa harap namin. "Ma! Sa Cubao lang kami." wika ni Meme. Tumango lamang ang Taxi Driver at agad kaming sumakay. Habang binabay-bay ang kalsada. Hindi ko mapigilang silipin ang bawat madadaanan namin ng mga building. "Dito, dapat masipag ka. Kung patamad tamad ka. Gutom ang abutin mo." Napalingon ako kay Meme ng mag-salita ito. "Wag kang mag-alala. Maraming pagka-kaperahan dito sa Maynila, basta mag-sipag ka lang at mag tyaga." Dugtong nito. Tumango tango lamang ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Kahit sa Cavite pa ako, laging gutom ang inaabot namin kapag walang pera. "O, dito na tayo. Ma! Sa tabi lang ho, diyan sa may Club Amorens." Pagkahinto ng Taxi ay agad akong lumabas dahil binabayaran pa ni Meme ang driver. Iginala ko ang mga mata sa paligid. May Isang grupo ng mga kababaihan at iilang kalalakihan ang kasama ng mga ito. halos luluwa na ang mga kaluluwa nito, dahil sa iksi ng mga suot. At may mga hawak pa itong sigarilyo na hinihit-hit. Nag-tatawanan ang mga ito habang ang ilan sa kanila ay nag yayakapan. at laking gulat ko nang makitang hinawakan ng lalaki ang dib-dib ng babae at dios ko po! hindi ba sila nahihiya? At dito pa sa labas nag-hahalikan?! "Hi Babe!" Tawag ng isang Babae sa paparating na Lalaki. Animoy bata ito na nakita ang tatay dahil naka nguso pa ito. "Bat ang tagal mo? Kanina pa ako dito nag-hihintay." Iniwas ko ang mga tingin dito dahil nakaka-asiwa tingnan. Nag hahalikan sa maraming tao. Ano ba yan. "Masanay kana sa mga nakikita mo, simula ngayon." Napatingin ako kay Meme, na siguro kanina pa ako pinag-mamasdan sa mga nakikita ko . "Tara na sa loob. Para makapag pahinga kana" Sumunod ako dito ng pumasok ito sa madilim na pinto. Pero ganun nalang ang pag taka ko sa nakita sa loob. Makukulay na ilaw na patay-sindi. At May mga nag-iinuman na mga kalalakihan sa bawat mesa, At may mga naka kandong pa na mga Babae dito. "Meme! Welcome back!" May sumalubong sa'min na isang maganda at napa ka sexy na Babae. Ang iksi ng palda nito at tila nakulangan ng tela ang pang itaas dahil litaw na ang pusod nito. Napaka pula din ng labi niya. "Naku! parang isang lingo lang akong nawala, kung maka welcome back ka diyan." Nag tatawanan pa ang mga ito at pag-katapos ay nag beso-beso. "Wow! At may pasalubong kapa sa'min. Saan mo naman 'iyan napulot?" Tumaas pa ang isang kilay nito ng makita ako sa likuram ni Meme.. "Ah. Pamangkin ko. Sinama ko dito, gusto daw ng trabaho." Lumingon sa'kin si Meme at kumindat. "Oh? talaga?! Naku, mukang sariwa pa yan Meme, tiyak mag-uunahan ang mga matatabang isda d'yan" Bumuga ito ng usok matapos magsalita. Mabilis itong tinapik ng bahagya ni Meme, "Shh! Ano ka ba, hindi pa 'yan pwede. Napaka-bata pa n'ya." "Kristin!" Napalingon ako sa likod ng may tumawag dito. Isang Matandang Lalaki na may malaking t'yan, "Sweety!!" abot tenga ang ngiti nito ng salubungin ang Matandang Lalaki. "O sya! maiwan ko muna kayo Meme. Nandito na ang Sweetheart ko," Kumindat pa ito kay Meme bago nag-mamadaling umalis. Sinundan ko pa ito ng tingin hangang sa maka labas ng pinto. "Tara, Leighyana." Pukaw atensyon sa'kin ni Meme. Naunang humakbang ito, kaya halos takbuhin ko ang pag-sunod. Umakyat kami sa ikalawang palapag, at dito ay may halos sampong kwarto na mag-kakaharap ang pinto. "Dito ka muna sa kwartong ito, habang wala pa yung may ari n'yan. Ewan ko sa Babaeng 'yon. Mukang hindi na Babalik." Inilapag ko sa kama ang bag na may mga lamang damit na binigay ni Meme sakin. Maliit lamang ang kwarto, sapat lang sa isang tao. "O sya. Mag-pahinga kana. At bukas kakausapin natin ang may-ari ng Club. Kung pwede mag waitress ka sa gabi, okey lang ba sayo?" "Meme." tawag ko dito "O bakit?" " K_kasi po-" nautal kong saad. "Natatakot ka?" Hindi ako naka sagot sa tanong nito. Kasi ang totoo, nababahala ako sa pwedeng mangyari sakin dito. Hindi ko kasi akalain na ganitong lugar ang mapupuntahan ko. "Wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama sayo dito. Tsaka hindi ka gagalawin ng mga kustomer. Maliban nalang kung magpapa-kita ka ng motibo. Tsaka nandito ako, di kita pababayaan." Mahabang lintaya niya. Kahit kakilala ko pa lang sa kanya, ay hindi ko parin binibigay ang buong tiwala ko. Pero kung may kakaiba man akong mapapansin dito. Hindi na ako mag dadalawang isip na tumakas. Nang maka alis ito sa kwarto ay agad akong nag palit ng damit. Mabuti nalang may mga T-shirt ding binigay si Meme. Kaya sinuot ko na itong itim na tshirt at manipis na short na hangang tuhod. Humiga na ako sa kama na pang isahang tao lamang ang kakasya. Naririnig ko parin ang tugtog sa baba at ang mga tawanan ng nag iinuman. Diyos ko, gabayan nyo po sana ako sa lugar na ito. Ipipikit ko na sana ang mga mata nang may marinig ako sa kabilang kwarto, at may kumakalampag. Baka may nahulog lang na gamit. Tumalikod na ako at ipinikit na ang mga mata. "Aaah! Aah! Fuck! You’re so good Babe!" Naidilat ko ang mga mata ng may kaka-iba akong narinig! "Sige pa, bilisan mo! Aaah!!" Napa lunok ako ng laway at sabay tinakpan ang mag-ka bilaang tenga. Ngunit dinig ko parin ang mga ungol sa kabilang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD