Chapter 3

2070 Words
Leighyana's P.O.V.) "Hi Madam!" Bati ni Meme sa Babaeng kaka-pasok lang dito sa loob ng Club. May katabaan ito at maiksi ang buhok na hangang leeg. Malalaking bilog na kumikinang na hikaw ang nasa tenga nito. Pati mga daliri nito ay halos may mga sing-sing na ginto. "Kumusta kayo dito? Mukhang ang lulusog nyo na. Hoy Kristine, mag diet ka. Ikaw Alesandra, kumakapal na ang bil bil mo. Baka mamaya nyan wala na tayong kustomer!" Napa kamot nalang ang mga ito sa ulo ng masita ni Madam. Napa-tingin ito sa gawi ko, kumunot pa ang noo nito na makita ako. "Teka?! kelan pa tayo nag-karoon ng Nene na magdalena dito?" "Ah! Madam. Pamangkin ko po s'ya. Sinama ko dito kasi nakaka awa po. Wala ng mga magulang," wika ni Meme. Lumapit ito sa kinatatayuan ko. At tsaka pinasadahan ng tingin mula ulo hangang paa. "Umikot ka nga." Utos nito. Nag-tataka man ako sa pinapagawa nito, ay sinunod ko na lamang ang inuutos. Dahan-dahan akong umikot at huminto, ng muli akong humarap sakanya. "Hmm. Bata kapa, pero may korte na ang katawan mo. Ilang taon kana ba?" "Disisyete po" iksing tugon ko. "Naku! Miguela, baka mamaya n'yan ma child abuse tayo!" Kunot-noong baling nito kay Meme. "Naku Madam! Ako po ang bahala. Sa gabi lang naman siya lalabas at mag we-waitress. aayusan ko nalang po para mag mukhang matured." Agarang dipensa ni Meme. "Ikaw ang bahala! Basta labas ako pag nahuli yan!" Ibinuka nito ang pamaypay at pinaypayan ang sarili habang tumugon kay Meme. Ng maka-alis si Madam Alma. Ay kanya-kanya ng pasok sa mga kwarto ang mga Babaeng nag tatrabaho dito sa Club. "Lena." Tawag ng isa sa mga Babae dito. Lumingon-lingon ako kung sino si Lena. Pero walang lumalapit dito. "Hoy. Ikaw! Diba ikaw si Lena?" turo nito sakin. "H-ha? Hi-hin-" "Ah! Oo siya si Lena, Joy. Bakit may ipapagawa ka ba?" agaw atensyon ni Meme. Binalingan ako nito at kinindatan. "Pwede bang mag-palaba sayo? wag kang mag-alala Babayaran kita." Bumuga pa ito ng usok ng sigarilyo matapos akong kausapin. Mapupula ang labi nito at manipis ang mga kilay. Parang amerikana ang buhok nito. Blonde na blonde. Naka yellow spagheti ito at maiksing short na maong. "Okey lang po. Wala naman akong gagawin ngayon." wika ko. Sumunod ako dito sa kwarto niya sa katabing kwarto ko. Napa mulagat ang mata ko ng maisip ang nangyari kagabi. Tila kinalibutan ako ng maalala ang mga ingay na nag-mula sa kwarto n'ya. "Hui! Anyare sayo? Nakatulala ka pa d'yan." Inabot nito ang isang basket ng mga damit. "Ito. Mga uniporme ko lang yan sa eskwela," dugtong pa niya. "Nag-aaral ka?" manghang turan ko. "Oo. Sige na, para matuyo agad. May klase na kasi ako Bukas." Sinara na agad nito ang pinto ng kwarto. Bigla naman akong nalungkot may kung anong ingit akong naramdaman. Nang matapos kong labhan ang mga uniporme nito. Ay agad akong pumasok sa kusina. Naabutan kong kumakain si Meme. "Kumain kana d'yan. At pagka-tapos mo, kunin mo ang paper bag sa kwarto ko." Gusto ko sana itong kausapin tungkol sa alyas na binigay sa'kin. Pero hinayaan ko nalang. Mas okey na yun. "Sige po." iksing tugon ko. Kumuha na ako ng pingan at nag sandok ng makakain. Ng matapos akong kumain, umakyat agad ako sa taas. Tinungo ko ang kwarto ni Meme. Tulad ng inutos niya kanina ay kinuha ko ang paper bag sa kwarto nito. 'Ano kaya to?' Kunot-noo kong Sinilip ang laman nito ng makuha ko sa kwarto. "O nakuha mo na pala. Uniporme mo yan para mamayang gabi. Sige na sukatin mo na." utos sakin ni Meme. Sinundan pala ako nito dito sa taas. Hilaw akong ngumiti dahil mag-uumpisa na pala akong magtrabaho mamaya. Isang black T-shirt na may colar at black pants. May black shoes na din itong kasama. Sakto lang sakin ang sukat. Na pangiti ako na makita ang sarili sa salamin dito sa kwarto ko. Mabuti nalang at hindi katulad sa mga nakikita ko sa palabas na ang sesexy ng mga suot ng waitress. Napabuntong hininga na lang ako ng hubarin ko ito. Maganda sana kung Uniporme ito ng skwelahan. Gusto ko na talagang makapag aral. Di bale, nandito na ako sa lugar na ito, mag-kakayod kalabaw ako para maka-ipon. Inayos ko na ang sarili at muling hinubad ang mga sinukat. Pero muli akong na tigilan ng may marinig akong parang umiiyak. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa ding-ding at idinikit ang tenga dito. "Pagod na ako! Sawang-sawa na ako sa ganitong buhay! Gusto ko ng maka laya sa mga pang-huhusga ng mga tao. Aah....!" Humagulhol na boses mula sa kwarto ni Ate Joy. Teka, si Ate Joy, umiiyak? Inilayo ko ang tenga ng biglang lumagapak ang ding-ding. Napa-ngiwi ako, tila may kung anong bagay ang binato dito. Bigla akong naka ramdam ng awa para dito. Noon, ang dumi ng tingin ko sa mga kagaya niyang Babaeng nag-bebenta ng aliw. Pero isa na rin akong marumi dahil agad akong ng huhusga na di alam ang kanilang dahilan kung bakit pinasok nila ang ganitong paraan ng pamumuhay. Hinahangaan ko ito, kahit puyat sa gabi nag susumikap itong mag-aral sa umaga. *** "Lena, paki hatid nga itong beer dun sa table number Ten," utos sakin ng isa sa mga kasama kong waitress. Maingat ko itong binuhat at hinatid sa mga nag-iinuman. "Beer n'yo po Sir." Inilapag ko ang dalawang bote ng beer sa mesa ng dalawang Lalaking naka upo. Naasiwa ako sa titig nila, kaya nagmadali akong umalis sa harapan ng mga ito. Palalim na ang gabi. naka upo ako dito sa may sulok at tinintingnan ang mga kalalakihang nag-iinuman. Napatingin ako sa orasan na naka sabit sa pader dito sa cashier. Ala-una na pala ng madaling araw. Kaya pala panay hikab na ako at bumabagsak na ang mga talukap ng mata ko. "Lena tapos na ang trabaho mo. Pwede ka ng umakyat at matulog." Wika ng isa sa mga cashier dito na si Ate Janet. Kilala ko na lahat ang pangalan nila dahil pinakilala ako sa kanila ni Meme, bago mag umpisa sa trabaho kanina. Tuwing gabi la’ng din sila pumupunta dito. "Sige po, Ate Janet. Antok na din talaga ako." humihikab kong tugon. Humakbang na ako patungo sa back stage. Sa likod kasi nito ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Nang marating ko ang back stage. Paakyat na sana ako ng hagdan ng marining ang hiyawan ng mga tao. May nag-papalakpakan, at sumisipol pa. Dahil sa kuryusidad, ay bumalik ako sa daan, at alam kong may pinapanood sa stage ang mga kalalakihang narito. Maingat akong humakbang. Madilim sa kinaroroonan ko kaya walang makakapansin na narito ako. Nanlaki ang mga mata ko, na makita ang mga sumasayaw sa stage na halos wala ng takip ang mga maseselang parte ng katawan ng mga ito. “D'yos ko!” Napatakip ako ng bibig. Kung hindi ako nag kaka-mali, si Ate Joy yung nasa gitna na pinag pipyestahan ng mga kalalakihan. May sumisipol at ang iba naman ay parang mga asong nag-aabang sa masarap na ulam. Nakakasuklam na panoorin ang mga kaLalakihang nag pipyesta sa hubad na katawan ni Ate Joy. Biglang nag-hiyawan ang mga ito, kaya nabaling ang tingin ko sa stage. Laking gulat ko ng tuluyang nag alis ng bra si Ate Joy! Litaw na ang maumbok na dib-dib nito, kaya napa-atras na ako at di ko na kayang panoorin ang kalaswaan. nag mamadali akong umakyat sa hagdan. Sa totoo lang, ayokong nakakakita ng ganoon. Ayokong manghusga dahil para sa'kin ay lapastangan ang ganoon. Kaya mas pipiliin ko nalang na umiwas kaysa magkakasala pa ang mga mata ko. Mabilis kong sinara ang pinto ng kwarto, at humiga na. Matatagalan ko kaya ang ganitong lugar? Kung aalis naman ako, saan naman kayang lupalop ako pupunta? Malakas na pag-hinga ang ginawa ko. Hindi ko aakalain na kayang gawin ni Ate Joy ang ganoong bagay. Bigla ko namanh naalala si Danica. Kahit lagi kaming nagugutuman noon, ay hindi namin naisipang pasukin ang ganoong trabaho. kamusta na kaya 'yon? Siguro nasa maayos na siya. Gusto ko man s'yang tawagan pero diko alam kung paano. Ni numero ng Tita niya diko alam. Napabubtong hininga nalang ako. Titiisin ko nalang muna dito. Ang importante ngayon, may matutuluyan ako at may makain sa araw-araw. ***** Mabilis sumapit ang umaga. Lingo ngayon at naisipan kong mag-simba. May nakita akong Simbahan na malapit lang dito. Pwedeng-pwede na lalakarin. "Meme, sigurado po kayo na ayaw n'yong magsimba?" "Tingnan mo itong batang ito. Pang Apat mo ng tanong 'yan. Sige, sa pang Limang tanong mo, hindi na kita papayagan." pabirong wika nito. Natatawa nalang ako sa tinuran niya. "Sige na nga po. Aalis na ako," paalam ko. "Sige na, ipagdasal mo nalang kami." Dugtong ni Meme. Tipid akong ngumiti bago lumabas ng Club. Mabuti pa dito, parang walang paki-alam ang mga Tao. Sa totoo lang nahihiya akong lumabas sa umaga. Pakiramdam ko, huhusgahan ako ng mga Taong makakakita sa'kin, oras na lumabas ako dito. Sa di kalayuan tanaw ko na ang simbahan, kaya mas binilisan ko ang pag hakbang. Pag-karating ko, ay agad kong tinungo ang pinaka unang upuan. Kung saan malinaw kong marinig ang sermon ni Father. Narito ako sa pinaka dulo ng mahabang upuan, dahil ayokong pumagitna sa mga makakatabi ko. Parami na rin ang mga taong nag sisimba. Tanging nasa altar lamang ang mga tingin ko. Alam ko kahit hindi ako sinasagot ng diyos, alam kong naririnig nya lahat ng mga dalangin ko. "Ecuse me? Pwede bang pa usog?" Napa-angat ang mukha ko ng may isang Lalaking dumating. Ni hindi ko mabuka ang bibig at napa tulala ako sa angking kagwapuhan nito. "Miss? Can I seat here?" ulit nito. Kaya bigla akong natauhan. Mabilis akong tumango at Napa-kamot sa batok ng makaramdam ng hiya. Bahagya akong umusog, at s'ya na ang nasa pwesto ko. Kaya ito, napapagitnaan ako ng isa pang Ale. Halos magdikit ang aming katawan, sa bawat pag-galaw ko ay nakakas-kas ang balat ko sa balat nito, kaya halos di ako humihinga. Ngunit diko mapigilan ang pag amoy sa pabango nito. Nakaka-adik at ang sarap langhapin. Nasa kalagitnaan na ng misa, ngunit wala akong maintindihan sa sinasabi ni Father. Ni pakiramdam ko ngayon ay diko maintindihan. Para akong may lagnat. Ang init ng pakiramdam ko. 'Dios ko, patawad.' Nag sitayuan na ang mga tao, at ito na nga ang pag-kanta ng Ama namin. Inangat na nito ang dalawang palad. Napatingin ako sa Ale ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, at nag umpisa ng kumanta. Lalong namulagat ang mga mata ko ng may humawak sa isa ko pang kamay. Dios ko! Halos diko malunok ang sariling laway dahil sa lakas ng kabog ng dib-dib ko. Naramdaman ko ang init ng palad niya na tila may kuryenteng nag mula dito patungo sa sistema ko. Ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko. Napapikit ako ng unti-unting namamasa ang ang palad ko. Nakahinga ako ng matapos ang pagkanta. At unti-unti na nitong binitiwan ang kamay ko. Naikuyom ko agad ang kamao at pinag-abrisyete ko ito. Umupo ako at marahang sinipat sa gilid ng mata ko. Matiim itong nakatingin sa altar at maya-maya pa ay nag-sign of the cross siya. Mabilis ko inilihis sa altar ang ang mga tingin ng tingnan ako nito. ngunit di nag-tagal ay tumayo na siya, at humakbang paalis. Agad sinundan ng mga mata ko ang pag-layo nito. Mabilis akong nag sign of the cross at umalis. Halos takbuhin ko ang daan palabas ng simbahan. Tila may hinahanap ang mga mata ko pag- karating sa labas. Palinga-linga pa ako, napa-ngiti ako ng makita ang Lalaki kanina lang ay katabi ko. Ngunit bumagsak ang balikat ko ng pumasok ito sa kulay itim na kotse. Pina-andar na niya ang minamaneho, at ilang saglit pa ay paalis na ito. Pero teka?! Hala! Nagkunwari akong may tinitingnan sa wallet ko ng huminto ito sa harapan ko. Pero wala pang ilang segundo ay nilagpasan na ako nito.. at tila na magnet naman ang mga tingin ko na sinundan lamang habang papalayo ang sasakyan. 'Palagi ba s'yang nag sisimba dito? Ano kaya ang pangalan niya? Napangiti ako sa kawalan ng maalala ang pigura ng mukha nito. "Ate.. ate.." "Bumalik ako sa katinuan ng may batang kumakalabit sa'kin, kaya napatingin ako dito. "Ate, sampaguita po." "Mag-kano ba?" "Sampo lang po." Inabot ko na dito ang Sampung piso at kinuha ang isang tali ng sampaguita. Bahagyang inamoy ko pa ito at napangiti ng maalala ang Gwapong Lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD