Leighyana's P.O.V)
Mabilis natapos ang Araw, Lingo, at Buwan. Ito mag iisang taon na ako sa Club Amorens. Pasalamat ako kahit di ko ka close ang mga nag tatrabaho dito, ay maayos naman ang pakikitungo nila sa'kin. Kaya kahit papano ay wala akong problema. Nag mukhang tao na din ako, minsan nga napag kakamalan ako ni Meme na umiinom ng pampa-puti dahil pumuti talaga ako, siguro dahil hindi na ako naarawan. Tulad noong nasa Cavite pa ako. Matatawag mo talaga akong baluga dahil nakakalat lang ako sa kalye.
"Congrats Joy! Sa wakas profesional kana,"
bati ni Meme kay Joy, na ngayon ay nakapag-tapos na ng pag-aaral.
"Salamat Meme. Kung hindi dahil sayo, hindi ko ito makakamit."
Naluluhang tugon ni Joy. Suot-suot pa nito ang ang itim na toga. Sa totoo lang naiingit ako sa kanya. Gustong gusto ko rin kasi makapag tapos ng pag-aaral.
"Naku wala yun. Kahit sino sa inyo, basta willing lang sa pag-aaral, ay susuportahan ko."
masayang tugon ni Meme.
May kaunting salo-salo dito sa Club Amorens, dahil pinag diwang namin ang pag tatapos ni Joy. Kaya masaya kaming kumakain habang pinapa-nood ang mga ito na nag yayakapan. Balita ko din aalis na ito sa pag-sasayaw at mag-tatrabaho na sa ibang bansa.
"Ikaw Lena, wala kabang balak mag-aral? Mag sabi ka lang kay Meme tutulungan ka n'yan."
wika ni Ate Janet, na nasa tabi ko, habang kumakain.
Hindi na ako tumugon dahil tumayo na ito at muling nag sandok ng pag kain.
Matapos kong kumain at hinugasan ang pingan. Ay nag pasya na akong umakyat sa kwarto. Dahil wala naman akong gagawin dito sa baba.
"Lena. San ka pupunta?"
Naka dalawang hakbang na ako sa hagdan ng tawagin ako ni Joy. Masaya ko itong hinarap.
"Sa kwarto. Mag papahinga muna. Sobra kasi akong nabusog,"
"Naku! Ang kill Joy mo ah. Nag kakasiyahan pa nga dito sa baba, tapos aakyat kana?"
Humakbang ito papalapit sakin at inabot ang kamay ko.
"Tara! Balik tayo dun."
Wala na akong nagawa at nag pati anod nalang.
"O! Joy, Lena!"
Tawag sa'min ni Meme.
"Meme. Itong pamangkin mo ah napa ka kill joy."
"Hayaan nyo na, mahiyain lang yan." wika ni Meme.
"Alam mo Lena, pwede kana maging Dancer."
Walang prenong lintaya ni Ate Janet.
Napalingon ako dito ng kunot-noo.
"Ayoko!"
"Bakit hindi? tiyak dudumugin tayo dito ng kustomer. Tingnan mo, ang ganda ng katawan mo. Matangkad, payat, at maputi ka. Idag-dag mo pa yang na pa ka perfect na mukha."
Dag-dag pa ni Ate Janet.
"Pag-isipan mo Lena. Dahil ikaw ang ipapalit ko kay Joy."
Wika ni Meme. Napalingon ako dito na may pag-alinlangan.
"Salamat nalang po, Meme. Kuntento na po ako sa pagiging Waitress."
Inabot nito ang kamay ko bago tumugon, "Lena, wag mo sanang mamasamain ha, paano ka makakapag-aral kung kakapirangot lamang ang sinasahod mo sa pag weWaitress? "
Hindi ako, nakasagot sa sinabi nito. Pero kahit ano pa man 'yan, ay hinding-hindi ako mag huhubad sa harap ng mga kalalakihan.
Ng matapos ang kwentohan sa baba. Umakyat na ako sa kwarto. Pero bakit sa ibang parte ng utak ko ay may pag-sasang ayon? Kung mag-sasayaw ako, magagamit ko ang pera para sa pag-aaral. Tama si Meme. hindi sasapat ang sweldo ko sa pag wewaitress kung mag-aaral ako. Pero kakayanin ko ba ang mag-hubad?
"Aaah!!"
Napa-sabunot ako sa buhok dahil sa naguguluhan ako. Ayokong mag padalos-dalos sa desisyon, baka ito pa ang ikapahamak ko.
****
Nag-hahanda na ako. suot ko na ang uniporme. Alas-Nuebe na ng gabi at maya-maya busy nanaman. Pag-baba ko, dumertso agad ako sa counter, kung nasaan si Ate Janet.
"Lena, paki hatid nga itong beer dun sa nag-iisang Lalaki sa mesang 'yon."
utos nito, ng makalapit ako.
Dala-dala ko na ang bilog na tray na may lamang tatlong bote ng beer.
Napamulagat ang mga mata ko ng muntik ng matapon ang dala-dala ko.
"Ay! Sorry, Lena." wika ni Carol. Isa sa nga kasamahan kong Waitress.
"Bakit kaba kasi nagmamadali?"
"Pasensya kana, Lena. Akala ko kasi late na ako. Galing pa kasi ako sa eskwelahan tinapos ko lang pirmahan ang Clerance para next pasukan mabilis lang ako makakapag-enrol."
Mahabang paliwanag nito. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nag-aaral din pala ito.
"Hoy beer ko!" sigaw nung Lalaki. Kaya bumalik ako sa wisyo..
Lumipas ang apat na oras. Tapos na ang pag seserve namin. kaya kanya-kanya ng gayak at mag-sisi uwian na ang mga kasama ko at ako, aakyat nalang sa kwarto.
Isinukbit na ni Carol ang backpack sa likod nito. Para talaga itong lalaki sa kilos niya. Kung hindi mo siya kilala mapag kamalan mong Lalaki ito. Naisipan kong kausapin siya, bago aalis kaya agad kong nilapitan.
"Carol, sandali!"
"O, Lena," sinusuot nito ang sumbrero habang nakatingin sakin.
Tipid akong ngumiti, "Itatanong ko lang sana kung saan ka nag-aaral."
"Ah yun ba? D'yan lang sa STI. Kakatapos ko lang ng Senior high at sa pasukan mag ka College na ako. Bakit? Gusto mo rin ba mag-aral?"
Tumango-tango ako bilang sagot,
"Kaya lang Second year high school lamang ang natapos ko."
"Naku hindi yan problema. May kakilala ako nag aaral sa Als. At kapag naka pasa ka dun, pwede kana mag College. Hayaan mo bukas kaka usapin ko yun."
"Talaga? Sige-sige balitaan mo agad ako ah!" masayang tugon ko.
*******
Matapos akong tulungan ni Carol, para makapag enrol ng Alternative. Anim na buwan lang daw makaka graduate na ako. At pag ka tapos pwede ng mag enrol ng College. Kaya lalo akong na eexcite. Mabuti nalang din sinusuportahan ako ni Meme.
"Meme. Alis na ako."
Nag mamadaling turan ko.
"Hoy! Baon mo!"
Papalabas na sana ako ng Club ng iabot nito ang isang paper bag na may lamang maliit na baunan na may kanin at ulam.
"Salamat po. Sige po, Alis na ako."
Inabot ko ito at halos takbuhin ko na ang labas. Unang araw ng klase ko ngayon sa ALS. Kaya ako nag mamadali dahil ayokong malate.
Nang matapos ang klase ko, maaga din akong umuwi. Para na din matulungan ko sila Meme, sa gawain sa Club. Mabuti nalang, limang oras lang ang klase. Kaya di ako gaanong napapagod na ipag sabay ang pag- aaral at pag tatrabaho sa gabi.
Nakakatuwa kasi, libre lang ang pag-aaral sa Als. Pamasahe lang ang po-problemahin ko. Sa ngayon, iipunin ko nalang ang sahod ko para sa kolehiyo. Hindi ko alam kung sasapat 'yon. Gayong mahal ang tution sa kolehiyo. Bahala na. Gagawan ko nalang ng paraan.
"Lena"
Tawag sakin ni Ate Janet.
"Po?"
Tugon ko habang pinupunasan ang mesa na malapit sa counter.
"Mukang masaya ka ngayon ah. Nag enjoy ka ba sa eskwela?"
Nilingon ko ito ng may ngiti sa labi.
"Ah, oo nga eh. Matagal ko na kasing pangarap na makakabalik sa eskwela."
"Mabuti naman. Basta ayusin mo la’ng, makakapag tapos ka din."
Naka-ngiting tugon nito.
"Waiter!"
Napalingon ako ng may sumigaw. Mukhang lasing na base sa galaw nito.
"Lapitan mo na Lena"
utos sakin ni ate Janet.
"Yes, Sir. Ano po yung Order n'yo?"
Hawak ko ang receipt at ballpen habang hinihintay ang order nito.
"Ikaw! Ikaw ang gusto ko! Pwede ka ba ngayon?"
Naka-ngising turan nito. Napalunok ako ng laway nang kindatan ako nito.
"Sige kung wala kayong oorderin aalis na ako."
Tatalikod na sana ako ng hawakan ako nito sa braso.
"Sandali! Kinakausap pa kita eh. babayaran kita ng Sampong libo. Paligayahin mo lng ako-"
Isang malutong na sampal ang pinakawalan ko dito.
"Bitawan mo ako! Many*k! "
"Aba G*go kang Babae ka!"
Napa tayo ito at akmang sasampalin ako. Kaya na isanga ko ang kanang braso at napa pikit.
"Tarantado! Wag kang maki-alam!"
Naidilat ko ang mga mata ng bitawan ako nito. Dahil may isang Lalaking pumagitna sa'min. Nasa malapad na likod ako nito. Amoy na amoy ko ang pan lalaking pabango sa suot nitong itim na polo na hangang siko ang manggas na naka tupi. Tininangala ko ito mula sa likod. Matangakad ito at Hanggang balikat lamang ako nito.
"Baka gusto mo ng matulog tanda?!"
Mula ang baritonong boses sa Lalaking nasa harap ko.
"Ulol-"
Hindi nito pinanatapos ang sasabihin ng mag-lapat ang kamao sa mukha ng Lalaking lasing. Naka agaw ng atensyon ang ginawang pag suntok nito
Na ngayon ay walang malay na naka handusay sa sahig. Agad namang nag si lapitan ang mga Bouncer para awatin sila.
Bigla namang lumingon itong Lalaking nasa harap ko. Tila natuod ako ng makita ang itsura nito. Ang makapal na kilay nito ngunit bumagay sa mapupungay na mata, na may mahahabang pilik mata. Ang matangos na ilong nito at perpektong hugis ng panga na may mga maninipis na balbas sa pisngi. Napa lunok ako ng laway ng titigan ako nito sa mga mata.
"Be careful nextime."
Halos pabulong nito na pag kasabi sakin.
Tinalikuran na ako nito at umalis na sa harap ko. Sinundan ko lang ito ng tingin hangang sa makalabas ng Club.
"Lena?! Lena Ano yung gulo na sinasabi nila?!"
Natatarantang turan ni Meme.
"Ah, kasi po yung kustomer po natin, Lasing na."
Iksing tugon ko.
"Ganun ba? Kung ganun, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba"
"Hindi po, ayos lang po ako"
"O, sige. Babalik na ako sa Dressing room"
Ng maka alis si Meme. Ay lutang akong bumalik sa may counter. Hangang sa matapos ang oras ng pag serve namin ay yung Lalaki parin kanina ang nasa isip ko.
Pamilyar ang kanyang mukha. Hindi ko matandaan pero parang nakita ko na siya, dati? saan ko nga ba ito nakita? Pilit kong inaalala pero hindi ko masabi kung saan at kung kelan.
'Palagi ba siya dito? Sa halos isang taon ko dito sa Club ay hindi ko pa napansin na nagawi yun dito. Naku Leighyana! Matulog kana. May pasok kapa bukas!' Pinikit ko na ang mga mata pero mga mata nito ang nakikita ko. Bumaling ako sa kanan at pilit na natulog.
****
"Lena!! Lena. bangon na hoi!"
Naalimpungatan ako ng may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. At dininig ko ang boses ni Meme.
Napamulagat ang mga mata ko ng maisip na may pasok pala ako. Kaya agad akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Meme! Anong oras na ba?"
"Naku ala-syete na, kaya gumayak kana ineng!"
Naka pamewang na tugon nito. Suot pa nito ang daster na kulay dilaw.
Taranta naman ako sa pag kuha ng tuwalya na nakasabit sa ding-ding. Ng matapos sa pag ligo. Agad naman akong nag-bihis. Pag katapos ay nag suklay lang ako. At mabilis kong kinuha ang bag ko at tinungo na ang baba.
"Meme, alis nako!"
"O baon mo!"
Hawak nito ang brown paper bag. At naka ngiti kong inabot ito. At pag katapos, mabilis kong tinungo ang labas.
Araw-araw ganito lagi ang takbo ng buhay ko. Papasok sa umaga mag tatrabaho sa gabi. Determinado ako na makamit ang pangarap ko. Kaya pag susumikapan ko ang makapag tapos ng pag-aaral.
"Leighyana!"
Napalingon ako ng tawagin ng isa sa mga ka klase ko na si Aika. Papa-uwi na ako dahil tapos na ang klase.
"O, Aika. Sasabay ka ba sa pag uwi?"
"Naku hindi. Mag ka iba naman din tayo ng daan."
Iksing tugon nito.
"Isang buwan nalang graduate na tayo dito. Saan mo balak mag College?"
Dugtong pa nito.
"Hindi ko pa nga alam. may alam ka bang, mura ang Tuition fee? "
Wika ko.
"Alam mo dipende kasi sa kurso na kukunin natin. Ano bang kurso ang gusto mo?"
Taas kilay ito ng tanungin ako.
"Gusto ko ng Tourism. Kaya lang baka hindi papasa." Naka nguso kong tugon.
"Grabe ang nega mo. Positive ka lang dapat. Pero sa pag kaka alam ko. Magastos lang ang tourism, kapag may OJT na. Pero bagay sayo maging Tourism."
Kumindat pa ito sakin. Mapait akong ngumuti dito, at humugot ng malalim na hininga.
Masaya ako dahil sabi ng Instructional managers namin, ay lahat kami na mag kaka batch, ay pwede na mag enrol ng kolehiyo.
Pero may bumabagabag sa isip ko. Nahihiya naman ako kay Meme na humiram ng pera, pang dagdag sa tuition fee.
Naka sakay na ako ng Jeep. Pero ang isip ko naiwan sa pinag usapan namin ni Aika. Ito na nga ba ang iniisip ko noon pa.
Pano ba yan, hindi parin sapat yung naitatabi kong sahod para sa mga kakaylanganin ko.
***
"Lena! Hoi!, ano ba?! Kanina ka pa tulala d'yan!"
Napitlag ako ng tapikin ako sa balikat ni Ate Janet.
"Pasensya na Ate. Asan na ang beer?"
"Ito. Dalhin mo dun sa VIP room."
Turo nito sa vip room. Bagong room na pinagawa ni Madam Alma, na pwede sa mga mayayaman na kustomer. Humihina na kasi ang Club Amorens dahil sa isang Bar na bagong tayo sa tapat. Sa totoo lang kinakabahan ako sa tuwing Papasok sa mga Vip room. Pero dahil kaylangang kong maka ipon tinatatagan ko na din ang loob. Mabuti nalang at may free learning self defense, sa pinapasukan ko. Kaya kahit papano may alam na akong pang dipensa sa sarili ko.
Bitbit ko ang bilog na tray na may lamang mamahaling tequila at wine glass. Ng marating ko ang Vip room number two ay huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Tanging Dim light lang ang liwanag ang meron dito. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at tinungo na ang mesa na narito. Pag dating ko sa naturang mesa, ay nanibago ako dahil sa tahimik. Kumpara sa naka sanayan ko na higit sa tatlong lalaki ang meron sa isang Vip room.
Isang Lalaki na naka upo at naka abrisyete ang nadatnan ko. Naka ofice attire pa ito at may suot na shades na kulay itim. At dahil sa di gaanong maliwanag ay hindi ko makita ng maayos ang mukha nito.
"Good evening Sir. Ito na po ang order nyo." mahinahon kong wika.
"Thank you."
Natigil ako sa pag lapag ng wine, ng muli kong marinig ang isang baritonong boses. Marahan kong inangat ang mukha dito upang masiguro na tama ang dinig ko.
Dahan-dahan niyang Tinangal ang suot na shades at tiningnan ako sa mga mata.
Napalunok ako, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ngayong nakita ko itong muli.
"Hi, are you okay?"
Tila nagising ang diwa ko ng muli itong mag-salita.
"Y-yes Sir." nauutal kong tugon.
"K-kung may kaylangan pa, po kayo. Tumawag lang po kayo sa intercom. Excuse me." dugtong ko. Mabilis kong hinakbang ang mga paa patungo sa labas ng pinto.
Nang maisara ko ito, ay napayakap ako sa tray na dala. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ulit? Yung Lalaking nag-ligtas sa'kin kagabi.
"Lena, paki dalhan nga ng Tatlong beer sa table 10. Naiihi na kasi ako!"
Tarantang saad ni Carol.
Muli akong napa buga bago tinungo ang counter.
Sa di kalayuan tanaw ko si Meme na naka talikod at si Ate janet na nag-uusap.
"Naku! Ewan ko ba, kay Alesandra! At nag pa buntis pa! Siya na nga lang itong maayos-ayos na mukha at katawan lumandi pa!" Iritang wika ni Meme.
"Marami namang nag-apply kanina di po ba?"
Tanong ni Ate Janet.
Naririning ko na ang mga ito ng tuluyan akong makalapit.
"Hay naku! Ang cha-chaka! Kaya wala akong kinuha sa kanila!"
Salubong pa ang mga kilay ni Meme ng sabihin ito.
Bakas sa mukha nito ang pagka problemado.
"Ate Janet, tatlong beer."
Pag-singit ko dito. Napa titig ito sakin at saka binaling kay Meme.
"Meme. Bakit hindi nalang si Lena?"
Wika nito. Napa tingin naman ako kay Meme ng tingnan ako nito.