Chapter 1

1118 Words
Lost Chapter #1 Takbo… Takbo… Takbo… Hingal na hingal si Eunice habang tumatakbo pa labas ng madilim na gubat, pagod na ang mga paa, pawisan, madumi ang damit, gulo ang buhok at may mga naka sabit nang mga tuyong dahon sa kanyang damit. Narinig ang mabilis na yapak ng mga humahabol sa kanya na hindi niya kilala at ni hindi man lang niya nakita ang mga mukha nito. Naka labas na siya ng gubat at nasa dulo na siya ng bangin. Pa labas na rin ang mga humahabol sa kanya sa gubat na yun, marami, napaka rami at hindi mabilang na humahabol sa kanya. Takot, kaba at bilis ng pintig nung puso niya ang naramdaman niya ng mga oras na yun. Tinanaw niya ang bangin na babagsakan niya ay nakapa taas na tubig. Hindi niya alam kong anung gagawin niya ng mga oras na yun, hinahanap niya si Dylan pero hindi niya ma hanap kong na saan ang binata. Wala na siyang magawa ng mga oras na yun kong di ang tumalon sa tubig. Pag talon niya sa mataas na bangin, ramdam niya ang kakaibang hangin na yumayakap sa kanya, mabilis at parang pakiramdam niya unang malaglag ang kanyang puso sa tubig. Ilang segundo na lamang unang bumagsak ang ulo niya sa tubig sumunod ang buo niyang katawan. Rinig ang malakas na pag tama niya sa tubig, ramdam ang sakit sa pag hampas niya doon at na andoon paren ang takot na baka hindi na siya mabuhay pa. Lumanggoy siya pa ibabaw ng tubig pero may humawak sa kanyang para mapigilan siyang maka ligtas. Pag lingon niya sa paligid sa tubig maraming naka palibot na hindi niya kilala, pero pare-parehong masama ang tingin sa kanya at ang mga mata nitong mapula. Unang umatake ang isa papalapit sa kanya at--- Napa balikwas ng bangon si Eunice dahil sa kanyang masamang panaginip. Na gulat pa siya nang marinig ang iilang katok sa pinto ng kwarto niya, “Eunice anak bumangon kana dyan ma late tayu sa graduation mo,” rinig niyang boses ng kanyang ina mula sa labas. Napa hawak siya sa kanyang ulo at pawis na pawis paren ang kanyang mukha, “Eunice anu ba?” “O---opo mag ayus na ako!” sigaw naman niya mula sa loob ng kanyang kwarto. Nangatog pa ang buo niyang katawan dahil sa panaginip niya. Siyam na buwan nang hindi nag papakita sa kanya ang binatang si Dylan simula nang maging bagong lider ng mga aswang. Madalas na rin siyang mag ka roon ng mga masamang panaginip katulad na lang ng panaginip niya bago siya magising. Hindi niya gustong managinip pa ng mga ganung bagay, hindi siya sanay at ayaw niya dahil wala ang gigising sa kanya katulad ng dati. Na miss na niya ang binata, pero alam naman niyang nasa paligid lang ito, naramdaman niya. Bumangon na lamang siya para mag ayus, dahil sa araw na yun ay ang pag tatapos niya sa senior high. Marami ding nag bago sa kanya, nag ka roon man siya ng mga kaibigan pero kaunti lang. Hindi paren alam ng mga magulang niya kong bakit nag bago ang balat niya at nagiging maputla siya. Mula sa pagkain ng hilaw, matamis at mga gulay lahat nag bago na sa kanya. Pero naramdaman din niyang hindi siya normal simula nang magising siya sa hospital noon. Naligo na lamang siya sa loob ng banyo, pag ka tapos nun ay nag bihis siya ng itim na dress na ni regalo sa kanya ng kanyang ina at nag ayus ng kaunti lamang. Kinuha niya ang kulay asul na toga at cap na gagamitin nila sa graduation. Pag baba niya galing sa kanyang silid nakita niya na nag bubulungan ang magulang niya at nang mapansin naman siya agad itong humarap sa kanya. Ngiting lumapit ang mga ito sa kanya, “we are proud for you Eunice,” wika ng kanyang ina. Napa ngiti na rin siya, “salamat papa at mama,” saka niya ito yinakap ang mga ito. Nang lumayo siya inabot na lamang sa kanya ang isang susi ng kotse. Gulat at pag taka kong para saan ang bagay na yun kong bakit siya binigyan, “para saan ang susi ng kotse?” “Na isip lang namin ng mama mo na kailangan muna yan pag nag college ka. Para hindi ka mahirapan na mag commute, mas maganda siguro kong may sarili kana at nasa labas na pala yung bago mong kotse.” Hindi pa makapaniwala si Eunice sa mga narinig niya. Noong nakaraang tatlong buwan nag umpisa na siyang turuan ng papa niya sa pag drive ng kotse. Nag enjoy naman siya kahit na hindi naman niya alam kong para saan yun at madali lang siyang na turuan. Pag labas nila ng bahay nila na andoon naka park ang bagong kotseng regalo sa kanya, manghang mangha siya sa ganda ng kotse, kulay itim at mukha pang car race ang ayus. “Wow,” bulalas niya sa kanyang sarili nang makita ang kotse. “Yan lang ba sasabihin mo sa amin?” biro ng kanyang ama sa kanya. Binigyan ng tingin ni Eunice ang mama at papa niya, “ang ganda nito at salamat na rin.” Inakbayan naman siya ng papa niya, “naku walang anuman, nag iisa ka lang naming anak at syempre ibibigay namin ang lahat na kailangan mo.” “Pwede bang i-drive ko na siya papuntang school at kayu ang pasahero.” Nag ka tinginan ang mag asawa at saka binigyan ng masamang tingin ang ina niya ang ama nito. “Wag mo siyang papayagan at wala pa siyang lisensya,” aniya ng kanyang ina. “Ngayun lang naman pag bigyan muna,” sabe naman ng kanyang ama at sabay akbay nito sa balikat ng kanyang ina. “Yes!” masayang bulalas ni Eunice nang pumayag ang kanyang ama sa gusto niya. Una siyang lumapit ang dalaga sa kotse at pinag buksan ang magulang niya ng pinto. “Pag may nangyareng hindi maganda sa atin, ikaw ang sisihin ko dito!” bulyaw ng kanyang ina sa kanyang ama bago pa ito tuluyang maka pasok sa kotse. Tuwang tuwa si Eunice dahil normal naman ang lahat, papasok na sana siya nang maka rinig siya ng isang boses sa kanyang isip. ‘Eunice,’ boses lalaki at alam niya kong saan nang galing ang boses na yun. Agad siyang nag pa linga-linga sa paligid at napa sulyap siya sa punong hindi kalayuan lamang sa kina tatayuan. Lalapit na sana siya doon nang may biglang mag tago sa punong yun at hindi na niya nagawa pang maka lapit nang tawagin siya ng mama niya. Sumakay na lamang siya sa kanyang kotse para mag drive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD