Chapter 2

1159 Words
Lost Chapter #2 Nag umpisa na ang lahat nang makarating sila sa paaralan ni Eunice na muntik na rin niyang hindi makuha ang medalya niya sa pagiging first honourable mention dahil kararating lang nila nang tapos nang tawagin ang pangalan niya. Maayus naman siyang naka rating sa graduation kahit na sigaw ng sigaw ang mama niya habang nag drive siya. Nang matapos ang graduation ay agad din silang nag pa picture katulad din ng iba nilang ka klase. Ang daming taong lumalabas sa gym kong saan ginanap ang graduation nila. Papauwi na sana sila nang may lumapit sa kanyang kaibigan niyang babae si Lycia. “Happy graduation friend,” bati nito sa kanya saka naman siya yinakap ka muntik pa nga malaglag ang cap niyang suot kaya napa hawak siya doon. “Happy graduation din,” bati din niya nang maka layu sa kanya ang kaibigan. “Punta ka mamaya sa graduation night?” tanung nito sa kanya. “Ah hindi ko alam kong maka punta ako,” aniya naman ni Eunice. “Anu ka ba naman, graduation night toh. Baka ito na yung huli nating pag kita tapos hindi ka man lang pupunta.” “Hoy wag ka nang mag salita ng ganyan,” saway ni Eunice. “Ang nega mo naman Eunice, I mean baka hindi na ako dito mag aral at baka sa ibang bansa na ako mag aral ganun. Sama kana masaya yun at maraming papa sa party,” giit ni Lycia. Hindi din alam ng lahat ng mga naka salamuha niya sa paaralan na may kasintahan na siya. Huminga ng malalim si Eunice, “oo subukan ko.” “Yehey, basta pumunta ka may surprise ako sayu.” Napa ngiti na rin si Eunice ang kanyang kaibigan at bago siya bumalik ng kotse. NAG paalam na muna si Eunice sa kanyang magulang bago pa man siya pumunta sa na sabeng party. Agad din naman siyang pinayagan ng mga ito, gamit ang kanyang bagong kotse at hindi na siya nag palit pa ng dress. Sa mismong gym din ginanap ang graduation night nila, bahagyang madilim, iba’t ibang ilaw ang makita sa loob nang maka pasok siya, kainan, kasiyahan, sayawan at tugtugan ang makita sa loob ng gym. Bahagya pa siyang na gulat nang lumapit sa kanya si Lycia at ang kakambal nitong si Lyka na kaibigan din niya. pareho itong naka akbay sa kanya at dinala na lamang siya bilog na lamesa ng klase nila. Na amoy din ng dalaga ang amoy ng alak sa dalawa na bahagya na ding naka inum, “mukhang kanina pa kayu dito ah,” wika ni Eunice. “Hindi naman masyado,” saad naman ni Lyka saka kumuha ng cocktail drinks at inabot kay Eunice. Kinuha naman ni Eunice ang binigay sa kanya kahit na alam niyang hindi niya yun inumin. “Ang tagal mo kaya,” saka naman inabot sa kanya ni Lycia ang mga chips na pulutan. “Sorry kong na tagalan ako, sa totoo lang ayokong pumunta. Gusto ko lang mag pa hinga o kaya mag upload na lang ng mga litrato sa facebook.” “Pwede muna man yan gawin bukas o kaya sa sunod na araw. Bakasyon naman na at pag pasok na lang sa ating na piling mga unibersidad ang iisipin natin wala nang iba pa.” “May ipapakilala pala kami sayu,” sambit ni Lyka saka ito umalis sa lamesa nila. “Anu daw yun?” ng tatakang tanung ni Eunice na hindi naman sinagot ni Lycia at tanging naka ngiti lang sa dalaga. Hanggang sa hiharap sa kanya ang tatlong binatang may kalakihan ang katawan at magandang itsura ng mukha, “nag papasok kayu ng outsider?” gulat na gulat na tanung ni Eunice sa kambal. “Anu ka ba hindi outsider ang mga yan, mga varsity player natin ang mga yan. Ayan kase wala kaseng alam kong saan kase na tingin nag mukha na palang outsider ang mga ito sayu kase hindi mo kilala. Anu ka ba tomboy?” bahagyang na gulat si Eunice sa tanung sa kanya ni Lycia, “yang tatlong yan gustong mang lugaw sayu o maka sayaw ka man lang sa gabeng ito.” Napa taas ang isang kilay ni Eunice sa mga narinig niya at napa cross arm, “kaya pala pinipilit ninyu akong pumunta dito?” Nag ka tinginan ang kambal at hinatak ang dalawa pang binatang kasama ng nasa gitnang na iwan sa harap ni Eunice hanggang sa mga oras na yun, “sorry kong na sira ko ata ang gabe mo,” rinig niyang wika ng binata. “Sa totoo lang ayus lang ako, hindi ko lang gustong ginaganito nila ako. Sorry sa inasta ko din sa harap ng mga kaibigan mo, gusto mo ba ng maiinum o makain?” inayus na lamang ni Eunice ang kanyang sarili at naging maayus na din ang pakiramdam niya. pakiramdam niya hindi naman siya babastusin o sasaktan ng binata kaya pinili na lamang niyang maka sama ito kahit ng gabe lang yun. Kong babastusin man siya nito mapilitan siyang ilabas ang mga mahabang pangil at kuko sa mga kamay para panakot. “Ayus lang naman, sa totoo kasalanan ko din namilit ako sa mga kaibigan mong maka date ka ngayung gabe.” Napa awang ang labi niya ng kaunti sa sinabe ng binata. Bigla na lamang niyang naalala naman si Dylan sa pagiging diretso nitong mag salita sa kanyang naramdaman o anu pa mang gustong sabihin na saloobin nito. ‘Pero wala pareng tatalo kay Dylan,’ sabe ng kanyang isipan saka siya napa ngiti ng bahagya, “ganun ba?” kinuha niya ang cocktail para maitago ang ngiti niya at baka pag kamalan siyang sira ulo na ngiti ng walang dahilan. “Oo, may itatanung ako sayu. May boyfriend kana ba? Kase wala akong nakitang kasama ka o kahit saan ka mag punta,” aniya ng binata, “ako pala si Richard,” saka lahad nito ng kamay sa dalaga para makipag shake hands. Pero hindi kinuha ni Eunice ang kamay na yun para makipag shake hands. “Ako si Eunice,” pakilala naman niya sa binata. “Alam ko…” “Ok, pero wala ka nga makitang kasama ko.” Saka nag pa linga-linga sa paligid ang dalaga na sinasabayan din ni Richard, “wala siya dito nasa malayung lugar pero meron na akong boyfriend. Prinsipe nga siya eh,” kwento ng dalaga, ‘ng mga aswang,’ sabe niya sa kanyang isipan na gusto pa niyang idagdag. Parang na inis na ang binata sa mga pinag sasabe niya, “hanggang ngayun ba naman naniniwala paren ang mga tulad mo sa prinsipe. Kong ayaw mo akong maka usap, sabihin mo hindi yung ang dami mo pang sinasabe,” saka iniwan ni Richard si Eunice na halos parang na tae na sa kina uupuan dahil pinipigilan niyang tumawa dahil sa nangyare. “Oops, sorry,” bulong niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD