Chapter 3

1108 Words
Lost Chapter #3 Lumapit na lamang si Eunice sa isang mahabang lamesa na puno ng mga pagkain. Wala siyang na gustuhan sa mga pagkain, mas gusto niyang kumain ng kahit na anung matamis o di kaya’y hilaw na pagkain. Kinuha na lamang niya ang cheese naka tusok sa maliit na stick na may ham pang maliit sa ibabaw. Naka ilang kain siya nun bago kumuha naman ng maiinum na soda. Naramdaman niyang may tao sa likod niya pero hindi na lamang niya ito na pansin. Hanggang sa mag salita ito, “prinsipe pala ah,” pamilyar sa kanya ang boses kaya dahan-dahan namilog ang kanyang mga mata. Na bitawan niya ang hawak na stick at agad na humarap sa likod niya kong saan may nag salita. Nakita niya ang naka ngising binata at ang asul na mata nito. Lalo itong tumangkad, lumaki ng kaunti ang pangatawan, lalong kumapal ang buhok at lalong gumawpo sa kanyang paningin. Naramdaman din niya ang pag bilis ng pintig ng puso nang makita na niya ang hinahanap niya, “Dylan,” bulong niya sa kanyang sarili. Para siyang na tunaw sa mga titig ng binata, “kumusta naman ang prinsesa ko?” ang lapit paren nito sa kanya at hindi niya alam kong aalis ba siya o doon lang siya hanggang sa matapos ang titigan nila. ‘Matagal siyang nawala at mag isip ka naman ng bagay para maka ganti sa ginawa niya sayu,’ sa isip-isip ng dalaga. Bahagyang napa atras si Dylan nang itulak siya ng mahina ni Eunice. ‘Tama umarte ka naman kahit paanu na saktan ka sa matagal nang pag ka wala,’ sabe naman niya sa kanyang isipan. Na una siyang nag lakad at hindi man lang siya tinawag ng binata, ‘may mali ba sa ginawa ko ni hindi man lang niya ako hinabol,’ sabe niya sa kanyang isipan. Halos malaglag ang kanyang puso nang mapa hinto siya at nasa harapan na ang binata. Seryoso ang mukha nito at wala na ang naka ngising mga labi para sa kanya, “may problema ba? O balak mo lang akong pag tripan.” Huminga ng malalim si Eunice, “sorry,” sabe niya sa binata, “at saka hello nine months kang nawala tapos ngayun babalik kang parang nangyare. Anung akala mo sa akin ayus lang ang lahat ng yun? Hindi, na baliw ako kakaisip sayu, hindi ko alam kong saan ka hahanapin at tapos---” hindi na niya na ituloy pa ang kanyang sasabihin. Mabilis pa sa orasan nang mag lapat ang mga labi nila. Naka dilat pa si Eunice at hindi alam ang gagawin. Ngayun na lamang niya naramdaman ang labi ng binata sa kanyang labi. Hawak-hawak ng dalawang kamay ni Dylan ang mag kabilang pisngi ng dalaga. Dahan-dahan naman na pumikit ang mga mata ni Eunice at napa yakap sa batok ng binata. Sinabayan na niya ang binata kong paanu siya halikan nito. Doon lang niya nalamang lalo niyang na miss ang binata. Parang ayaw humiwalay ni Eunice sa halik na yun at si Dylan na mismo ang lumayo sa dalaga. Narinig naman ni Eunice ang mahinang tawa ng binata kaya bahagyang nag init ang pisngi niya dahil sa kanyang inasta. Binigyan naman ni Dylan si Eunice ng maliit na halik sa noo at saka ito yinakap, “happy graduation,” yumakap na rin si Eunice at tinago ang mukha sa yakap na yun, “kailangan ko munang lumayo sayu para makapag focus ka lalo na’t mag graduate ka na at saka marami din akong kailangan tapusin. Marami akong kailangan pag handaan at ayusin, sana naging ok ka nung wala ako.” “Ayus naman ako, na miss lang talaga kita.” “Alam ko kase na miss din naman kita,” sandali pa sila sa ganung posisyun nang mapag pasyahan nilang umalis na ng party na yun. “Sama ka sa akin,” yaya ni Dylan. “Saan naman tayu pupunta?” “Sa inyu,” napa simangot naman si Eunice sagot sa kanya ni Dylan at narinig naman niya ang maliit na tawa ng binata, “naka inis ka alam mo ba yun.” “Hindi ko alam, kase ang alam ko mahal mo ako,” wika ni Dylan. “Ewan ko sayu…” “May ipapakita lang ako sayu, regalo na din.” Napa ngiti na rin si Eunice at animoy na excite siya sa mangyare sa gabeng yun. NAUBATAN na sila ng ulan kaya hindi na tuloy ang kanilang gagawin. Naka hinto lang sa isang park ang kanilang kotse habang nasa loob silang dalawa. “Ang malas naman,” saad ni Dylan. Dahil gusto niya sanang makipag dinner date sa dalaga sa isang park pero hindi niya ito na tuloy dahil sa biglaang pag bagsak ng ulan. “Ako ata ang malas,” sabe ni Eunice sabay tingin kay Dylan sa driver seat. “Hindi naman ikaw ang malas, nag ka taon lang yan. Ikaw nga ang swerte sa buhay ko,” napa ngiti na rin si Eunice sa sinabe ni Dylan. “Oo na, saan na lang ba tayu pupunta?” “Uuwi na muna kita, saka na lang natin siguro ituloy.” Bahagya ding na lungkot ang dalaga pero mas minabuti na lamang na umuwi na muna siya total pagod siya sa buong araw na yun. Nasa harapan na sila ng bahay nang hindi pa umalis ang binata at naka tayu lang sa harap ng dalaga, “ingat ka.” Tumango naman si Dylan hahalikan naman niya sana si Eunice nang mag bukas ang pinto ng bahay nila, “Eunice!” “Sinu yang kasama mo?” narinig ng dalawa ang boses ng magulang ng dalaga. Kinabahan si Eunice at baka ipag tabuyan ang binata. “Magandang gabe po,” bati ni Dylan sa magulang ng dalaga. Ang bilis ng pintig ng puso ni Eunice ng mga oras na yun pero kalmado naman si Dylan, “sinu yang kasama mo anak?” tanung ng ama niya sa kanya. Sandali siyang napa sulyap kay Dylan at humarap muli sa magulang niya, “boyfriend ko po si Dylan.” Nag ka tinginan ang mag asawa dahil sa narinig nila sa kanilang anak, “bakit hindi mo muna siya papasukin sa bahay natin?” yaya ng kanyang ina. Na unang pumasok ang mag asawa at sumunod naman ang dalawa. Na takot si Eunice na baka malaman ng magulang niya o ma pansing kakaiba si Dylan. “Hindi ka ba kinakabahan?” bulong ni Eunice kay Dylan. “Bakit naman ako kakabahan? Wala naman akong ginawang masama sayu o sa kanila,” matapang na saad ni Dylan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD