CHAPTER 66

2117 Words

“KUNG alam mo lang kung gaano kami kasaya para sa’yo, anak. Dahil alam namin na sa tamang lalaki ka napunta,” maluha-luhang saad ni Nanay Sally nang kausapin siya ng kaniyang mga magulang kinabukasan, baka sila umalis papunta sa simbahan na pagdadausan ng kanilang kasal ni Lucas. Nasa loob lang din iyon ng Hacienda Ramona. “Masaya ako dahil alam ko na wala kaming dapat ipag-alala kahit mahiwalay ka na sa amin. Kasi alam namin na kayang pantayan o higitan pa ni Lucas ang pagmamahal at pag-aalaga namin sa’yo. Nang dahil doon kay nababawasan ang lungkot na nadarama namin ng Tatay Raul mo dahil pagbalik namin sa Siargao o kahit sa bahay na binili ni Charlotte para sa amin, hindi ka na namin kasama. Mabuti na lang talaga at hindi pa naisipan ng kapatid mo na ituloy agad ang kasal nila ni James.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD